PHASE 51

19 4 0
                                    


"Front hook, angle hook, knee hook. You have to force yourself to cling to the pole, lift yourself up then do the carousel move, okay? Now, it's your turn."

Nahihingal na tinaas ko ang aking kilay sa kanya matapos kong ituro sa ang mga basic moves kung paano mag pole dance. Lumayo ako sa pole para bigyan muli siya ng pagkakataon na gayahin ang ginawa ko. Nakita ko ang paglunok niya sa paghawak pa lang ng pole, at sa palagi kong napapansin sa babae ay lagi siyang kabado. Hindi ko alam kung bakit natatakot siya sa akin gayong hindi ko naman siya sinasaktan.

Pumaywang ako habang pinapanood siyang muli. Sa bawat galaw ay palagi siyang sumusulyap muna sa akin kaya napakunot ako, at sa pagkapakunot ko ay kasabay naman ng pagkakamali muli niya ng galaw at pagtumba niya sa sahig.

Otomatiko namang napakamot ako sa aking ulo habang kinukunotan siya. Pagod na pagod na ako gayong isa pa lang ang naituturo ko sa kanya!

"I said, focus! Hold on, bitch! Grip it tightly! My god... ano ba yan? Ilang beses na kita tinuturuan hindi ka pa rin matuto-tuto! Kung saan-saan tumitingin yang mata mo, hindi mo na alam ang ginagawa mo!" naiinis kong wika sa kanya matapos niyang magkamali sa walong pagkakataon.

"I-I'm sorry po..." bumalatay ang takot sa kanyang mukha at nahihiya niyang saad.

Napabuntonghininga ako ng malalim at inirapan siya.

"Ni hindi tayo makausad-usad! Matigas ang buto mo, paano ka kikita ng malaki nito!? Ano? Gusto mo pa ba?" pagmamataray ko sa kanya.

Halos marinig ko ang paglunok niya pagkatingin ko sa kanya.

"K-Kaya ko po..." agad na tinuwid niya ang kanyang pagkakatayo kahit na nakikita ko ang pagod sa kanyang mukha.

"Edi ayusin mo! Masyado kang malambot! Dapat malandi kang gumalaw para mabalanse mo ang isasayaw mo! Ganun lang kadali!"

Sinubukan niyang muli.

"Oh, god! Ano bang kinakain mo, kahoy? Ang tigas mo gumalaw. Sundan mo lang sinabi ko, dahan-dahanin mo, wag ka magmadali, okay?"

Susunod-sunod na tumango agad siya sa akin. Sinubukan niyang muli ngunit, akala ko ay magagawa na niya ng hindi na magkakamali pero bumagsak muli siya sa sahig. Medyo natututo na siya pero napapasablay siya sa huli. Napaigik siya sa sakit, sa short na suot niya ay kitang-kita ko ang mga pasa sa bawat parte ng binti niya na ikinailing ko.

Ilang linggo ko na siyang tinuturuan, hindi pa rin naiiwasang mabilis siyang magalusan. Mahirap kasi talaga kapag first time kang lalambitin sa pole, nangyari na rin yan sakin noon, dahil sa hindi ako sanay nung una, ngunit kalaunan, sa pursige na gusto kong matuto, ginagaya ko ang ilan sa magagaling magsayaw, pinag-aralan ko hanggang sa naging madali na rin para sa akin ito.

Kasama na rin sa pagtulong sa akin noon ni Mari. Ngunit sa nakikita ko sa harapan ko, para bang mas mahihirapan ako sa pagturo...

Isa pa ay balingkinitan lang rin ang pangangatawan nito, hindi tulad namin na matatangkad at malalaman, ngunit dahil ipinasok siya, sa kabila ng kanyang pangangatawan ay bawing-bawi naman sa inosente niyang itsura. Maganda siya, mahaba ang kanyang blonde at kulot na buhok, maputi, manipis ang mapula niyang labi, at singkit ang kanyang mga mata. Her body is fit. Para bang sa tuwing titingnan ka niya ay wala siyang kamalay-malay sayo. Hindi niya alam kung sino ang mabait o masama sa kanya sa tuwing sasalamuha siya sa ibang tao.

Sa ayos niya, kumbaga sa mangga, fresh at hinog na hinog pa.

"P-Pasensya na po talaga..." kinagat niya ang pang-ibabang labi at napakamot sa kanyang batok, hiyang-hiya na nakatingin sa akin habang namumula ang kanyang pisngi.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon