PHASE 30

25 5 0
                                    


"Finally..." agad akong umunat ng katawan ng makalapag ang eroplano.

It's almost Eight hours and ten minutes we almost arrived. Halos maramdaman ko ang pamamanhid ng puwet ko sa matagal na pagkakaupo. Marahan kong pinisil iyon at pakiramdam ko ay nawalan ako ng puwet saglit. Sa loob ng mahigit walong oras ay wala akong ibang ginawa kundi kumain, uminom at matulog habang nakaupo at paminsan-minsa'y humihiga.

Naramdaman ko ang pagod ko. Pati yata lalamunan ko ay masakit din.

Napairap ako sa katabi ko na naka eye mask at mukhang hindi pa namamalayan ang paglapag kaya mukhang tulug na tulog pa. Kung iisipin ng ibang tao ay siya yung tipo ng lalaking gwapo at mukhang businessman, harmless... ganun. Pero...

Napabuntong-hininga ako ng malalim at inalis na lang sa kanya ang aking tingin. Dismayadong-dismayado sa sariling naiisip.

Nadinig ko ang makinang pagbaba ng isang hagdan, senyales na nakabukas na ang entradang pinto upang kami ay makababa nang makalapag ang kaniyang private plane. Hindi na ako nag-abala pang gisingin ang lalaking ito at nagsimula na akong bumaba. Nabubuwisit pa rin ako sa kanya.

Agad na bumungad sa akin ang mahangin at madamong paligid na mismong pinag-landing na kanyang eroplano. Yea. Hindi ko lubos na maisip na makakasakay ako ng private plane kahit saang lugar. Saksakan talaga ng yaman ang lalaking 'yon. Ginala ko ang buong paligid sa napakalawak na field. May mga nadidinig din akong tunog na eroplano sa alapaap.

"Nasaan naman kami?" nagtatakang sambit ko sa sarili dahil hindi ko natanong sa kanya kung saan kami pupunta. Paano ba naman kasi... magmula nang magtabi kami kanina ay hindi na kami nag-imikan pang dalawa.

At isa pa sa napansin ko, mukhang pagud-pagod yung isa kaya hindi ko na naabala. Natulog lang rin at hindi na ako kinausap. Palibhasa... nakuha niya ang gusto niya! Ang makasama ako sa kanya!

"We are here in Pakistan." untag niya na nasa likod ko na pala. Naka shades ito at palaging... ang gwapo niya. "Fuck, I thought you ran away from me again." sabay baling nito sa akin. Halatang bagong gising dahil ang gulo pa ng buhok nito.

I just shrugged and rolled my eyes. "Kahit na takbuhan kita, sa lawak ba naman dito ay alam kong kitang-kita mo pa rin ako. Wala rin akong mapagtataguan. Pagod ako. Ayoko ng pagurin ang sarili ko." masungit na tugon ko.

"Oh, my poor, sweet thing..." naiiling nitong sambit na para bang nakakalungkot akong pakinggan kahit na may ngiting nagkukubli sa kanyang labi.

Napahinga ako ng malalim at natulala sa kawalan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit niya ako gustong isama. Hindi ko alam kung bakit halos liparin namin ang bawat lupalop ng mundo at gusto niyang nasa tabi niya lang ako. Parang saglit lang yata kami nakaapak sa Britain tapos... nandito naman kami sa Pakistan! Tapos para akong display na laging buntot sa kanyang mga pupuntahan. Hindi ko alam kung anuman ang magiging plano niya sakin sa loob ng dalawang buwan. Wala akong idea. Wala na rin akong choice para makatakas pa dahil ang layo ng tatakbuhan ko kung magtatangka pa ako.

At isa pa, natatakot ako. Natatakot ako na baka sa bawat araw, at pagtagal na kasama ko siya, ay marami pa akong madiskubre tungkol sa kanya. At hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.

"I want you to know that I'm glad you came with me, Phryne.." anito sa mababang boses habang nasa tabi ko.

Parehas kaming nakatingin sa kawalan habang maaliwalas na dumadapyo sa amin ang hangin sa aming mukha. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Pero hindi ibig sabihin non... ay limot ko na ang mga nanyari. Mga pangyayaring magmula ng makasama ko siya. Hindi pa rin bukal at labag pa rin ang loob ko na sumama sa kanya.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon