PHASE 56

12 4 0
                                    


Hanggang sa lumipas ang tatlong araw na hindi ko inaasahan at ikinababahala ko. Madalas na siyang nagpupunta rito kasama si Martino. At ako, ganun din kadalas ang pag-iwas ko sa kanya. Talagang walang palya. Pinanindigan kong ayokong kausapin siya kahit na madalas ay tinatagpo niya ako sa labas kapag umuuwi ako.

Nakakainis.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito. Para bang hindi ito napapagod kakamasid lang sakin, inaakala niya siguro na mabibigyan ko siya ng pagkakataon pero hindi, pinandigan ko iyon sa kanya, at tulad niya, madalas naghihintay at wala namang ikapapala niya. Hinihintay ko na lang talaga na mapagod siya sa pagmamatigas kong wag na niya ako guluhin, ngunit katulad nga ng napapansin ko, matigas rin ang paninindigan niya na kausapin pa rin ako. Nagkakaroon nga kami minsan ng kaunting interaskyon pero puro bangayan lang ang nangyayari! Iritang-irita na ako!

Masyado na ako namamangha sa haba ng pasensya niya. Hinihintay ko na lang talaga na masagad siya. Na... sumuko siya!

At sa pagdaan ng araw na iyon ay lalong tumitindi ang pagkapairita ko. Lalo na ngayon.

"Damn it. What the fuck are you wearing!?" eksaherada niyang pagkakatanong nang papasok na ako sa loob ng VIP room.

At heto na naman siya, sa tuwing may papasukin ako, at kung sino mga ie-entertain ko ay palagi siyang umeeksena.

"And so?" tumaas ang kilay ko habang hinahagod niya ng tingin ang kabuuan ko. "Oh, ang mata mo, sarap dukutin, may paglunok ka pa, animal!" suway ko agad sa kanya.

Nakakunot ang noo siya'y napatikhim at naiiling na umiwas ng tingin sa akin.

"Are you drunk?" nakakunot na tanong niya.

Napairap ako sa kanya. Talagang magaling siyang magbigay ng sama ng araw ko sa mga pangingialam niyang kinabubuwisitan ko ng husto!

"Nevermind. Pwede bang magpalit ka? It's too revealing! Bakit ganyan ang mga pinagsusuot mo?" sunud-sunod na tanong niya.

"Saan ka nakakita ng pokpok na conservative?" hindi ko naiwasang siya'y aking pinamaywangan.

I'm just wearing a backless and maong short! Naka boots na nga lang ako para hindi lantad na lantad ang legs ko.

Dati naman wala siyang paki masyado sa pinagsusuot ko tapos kung makapag bawal siya ngayon, akala mo naman syota ko!

Feeling strict boyfriend, Heimlich!? Argh! Ang sarap niyang upakan talaga sa kapal, pagiging bossy at tigas ng pagmumukha niya!

"Don't say that-"

"Anong pakialam mo kung ganito ang suot ko?"

"H-Hindi ko gusto-"

"I don't need your fucking approval. Boyfriend ba kita para pagbawalan ako?"

Dinig ko buntonghininga niya ng malalim. Tumingin muna siya sa paligid dahil sa ilang mga dumaraan bago muling humarap sa akin. "Wag mong sabihing papasok ka dyan na ganyan ang suot mo and fuck! Sa VIP room ka pa talaga-"

"Tumabi ka dyan at naghihintay na ang mga customer ko."

"Goddammit, Phryne! Don't go in there! So many douchebags inside! If you come in, then I'll come too!"

"Umalis ka. Wag kang maki-belong at hindi mo naman sila kaano-ano-"

"Wala ka talaga pakialam kahit na magselos ako, no?" nagtitimping madiin na tanong niya.

Para bang kaunti na lang ay baka ititiwarik na ako nito sa paraan ng nanlilisik na tingin niya sa akin.

"Kasi para kang bayag ko." nagpapatawa ba siya? Selos? Talaga lang, huh?

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon