PHASE 59

12 4 0
                                    


"Di lahat ng masarap, mahal. Ako nga masarap pero hindi mahal."

Ano daw?"

"At hindi rin lahat ng magaling, kaya kang mahalin. Kaya, practice lang ng practice!"

Hindi ko talaga maintindihan.

"Tayong mga pokpok, hindi na dapat tayo mag-e-expect na may magmamahal ng totoo sa'tin. Kasi sino ba namang papatol sa pokpok at hindi matinong babae, 'diba? Pero alam mo... ako? Kahit naman pokpok ako, hindi naman ako demonya, maalam ako maawa, mang-unawa, magmahal at maalam din ako mag-pray, no!"

Ano ba ang pinupunto niya?

"Ang hirap talaga pag pokpok ka, hindi mo alam kung talagang mamahalin ka..."

Ha?

Wala akong magawa kundi tumango at makisang-ayon na lang sa mga sinasabi at mga paghihinaing ni Mari, na hindi ko maintindihan kung may pinagdadaanan ba ito o trip niya lang dahil hindi naman siya madalas pala-kwento pagdating sa love life niya.

Ang pagkakatanda ko pa naman sa kanya, sa tagal ko na siyang nakakasama, wala naman siyang love life at hindi yun uso sa kanya lalo na sa mga pinagdaanan niya. At maging ako, hindi ko iyon nakita. Ang gusto niya lang ay mag-enjoy at magkaroon ng maraming-maraming pera. At kahit sa ganyang edad niya, hindi pa siya handa muling mag-asawa at bumuo ng pamilya. Ni wala pa nga raw natitipuhan ito ayon sa nalaman ko nung huling pag-uusap namin pagdating sa ganitong bagay. Medyo... matagal-tagal na rin 'yon. At kung tatanungin ko lang siya ngayon kung meron na ba, palagi naman niya ako madalas binabara, ililihis ang usapan o kaya ay idadaan sa biro at hindi seseryosohin ang mga tinatanong ko.

Hindi ko talaga alam sa babaeng 'to. Minsan... ay hindi, madalas pala, ang hirap niyang kapulungin sa mga bagay-bagay. Pero kapag usapang pera, napaka seryoso nya.

Tapos ngayon... hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga pinagsasabi niya. Mukhang tulad ko, natatamaan na rin siya ng alak na iniinom pa namin mula kanina.

"Ang hirap kase e, yung tipong habang nagse-sex kayo, sinasabing mahal ka niya? Nakakatangina na nakakatawa kase yun pala, nalilibugan lang siya! Alam ko naman yun, eh! Pero bakit parang nahu-hurt ako? Diba, Prina? Diba? Sumagot ka!"

Nakahalumbaba lang ako, medyo namimikit na ang aking mata ay sunud-sunod na ang pagtango ko sa kanya kahit hindi ko na maunawaan ang aming pinagpupulungan. At sa pagkakatanda ko, ako ang nagdadrama rito, at heto, nakisabay na siya, nagtuluy-tuloy na.

Lasing na ba siya?

Napapasinok na tumayo ako habang nakikita kong tuluy-tuloy lang ang inom niya. Isa sa alam ko kay Mari, kapag nalalasing siya, lalong lumalala ang pagiging madaldal niya. Hindi ko alam kung totoo ba itong mga ibinubulalas niya pero hindi ba't kapag nalalasing tayo, lumalabas ang totoong dinadamdam natin?

Hindi ko alam... baka ganito na siguro ang nadadamdam ng kaibigan ko. Napabuntonghininga ako ng malalim. Hindi ko lubos na maisip na magkakaganito kaming dalawa.

"Banyo lang ako, Mari." paalam ko sa kanya kasabay ng pagtapik ng marahan sa balikat niya.

Lango, mapungay ang mata at nakataas ang kilay nang lumingon siya sa akin.

"At bakit ka magbabanyo? Lasing ka na ba? Wala ka pala sakin, napaka weakshit mo pa rin!" pambabarado niyang sambit habang nakatingala na sa akin.

Para bang naduduling na ang mata nito kakasunod ng tingin sa bawat galaw ko. Medyo nahihilo na rin ako pero kaya ko pa naman at nadadala ko pa ang sarili ko.

"Iihi lang ako!"

Ngumuso siya bago tumango sa akin. "Siguraduhin mo lang na iihi ka lang, ah? Baka mamaya nagsusuka ka na!"

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon