PHASE 29

31 5 0
                                    


Napabalikwas ako ng bangon nang magmulat ako ng mata. Halos mahilo ako sa biglaang pagkatayo ko. Nasa malawak na silid ako ng magising ako, at sa pagkakatanda ko ay ito yung check-in namin kanina ni Heimlich sa hotel. Nantanto kong dito pa rin talaga kami sa Britain.

"Heimlich..." mahinang utas ko.

Agad na umultaw sa akin ang senaryo. Ang senaryong hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Parang isang bangungot. Nakakatakot. Kinikilabutan ako at halos mangatal ako habang naaalala ang duguang senaryong 'yon. Unang beses pa lang ako nakakita ng ganon sa tanang ng buhay ko at halos todo iling ang ulo ko habang napapapikit ng mariin, mapawi lang sa isip ko ang nakita kong pangyayari!

Ang putok ng baril... ang mga dugo... mga walang buhay na tao na puro tama ng bala... si Heimlich. Agad na umultaw sa akin ang kaba ng matantong ito pa rin ang suot ko mula kanina ng umalis kami. Ang damit na alam kong suot ko kanina ng magpunta kami sa kilalang resto para kitain ang sinasabing kliyente ni Heimlich.

Agad na lumapat ang aking mata sa seradurang pinto. Hindi ko mahanap ang cellphone ko, kahit anong tingin ko sa gilid. Gusto kong tawagin si Mari at humingi ng tulong sa kanya. Napapikit ako ng mariin at mahinang napamura ng hindi ko mahanap ang cellphone ko.

"Where is my phone..." mahinang sambit ko habang ginagala ang mata sa kapaligiran. Saan ko ba napatong 'yon?

"Are you looking for this?" napaigtad ako ng marinig ang isang baritonong boses.

Huminga ako ng malalim, pinigilan manginig at bumawi sa pagkagulat kasabay ng sandaling humarap sa kanya. Halatang bagong paligo lang nito at nakatapis pa ng tuwalya. Seryosong nakatitig sa akin habang inaayos ang tapis sa kanya, tumutulo pa ang bawat butyl ng tubig sa matikas niyang katawan, nag-iingat siguro na sa oras na malaglag ang towel sa baywang niya, makikita ang kabuuan niya. Parang gusto kong himatayin! Mahigpit akong umiling sa sarili. Hindi ko dapat ito pansinin!

Napalunok ako ng makita kong hawak niya ang cellphone ko. Bakit hawak niya? Bakit nasa kanya?

Masakit akong napalunok mula sa lalamunan ko habang maingat na pinagmamasdan ang seryosong mukha niya. "A-Ah... yea.." alanganin na ako'y tumango. Halos magharumentado ang puso ko sa kaba. "C-Can I have my phone?" sabay lahad ko ng palad na hindi lumalapit sa kanya. "P-Please?" I bit my lower lip para mapigilang manginig ang aking labi.

Seryoso itong nakatitig sa akin. Para bang sinusuri ako. Nakatigil at hindi gumagalaw sa kinatatayuan. He ran his palm over his wet and lush hair as he stared at my phone.

"How are you?" imbes ay ito ang sinabi niya.

Bumuntonghininga ako ng malalim para pigilan ang nag-aalburutong nararamdaman.

"Can I have my phone, please?" diretso muling sambit ko, hindi pinansin ang tanong niya.

Coz I don't think I can even talk to him properly after what happened.

"No." at walang sabi-sabing tinapon niya iyon sa bukas ng bintana na ikinasinghap ko.

Halos maluha ako sa kaba at napaamang na lang ako, kumibot ang labi ko, walang salitang maibulalas, kahit na sa loob-loob ko ay marami akong gustong ibatong mga tanong at sumbat sa kanya. Bakit niya ginawa 'yon? Nananahimik ang phone ko! Masyado naman siyang advance mag-isip para mahulaan ang gagawin ko!

Bakit niya itatapon? Ano bang iniisip niya sa akin!? Ang lakas ng loob niyang gawin ang bagay na 'yon sakin!

"Bahala na nga." agad akong tumungo sa pinto para tumakas.

Gusto ko ng umalis dito.

Gustung-gusto ko ng umalis at mawalay sa tabi niya. Aaminin kong nasilaw ako sa pera pero, hindi ko natantong ganun siya'ng klaseng tao. Hindi ko siya lubos na kilala! Hindi lang siya sadista kundi... mamamatay tao talaga!

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon