PHASE 32

22 5 0
                                    


"I.. I beg your pardon?" napanis ang ngiti ko at medyo napangiwi ako sa nadinig.

Pansin ko rin sa kanila, na kahit magaganda sila ay mukhang magkakaiba ang lahi.

"Sorry about the behavior of that girl." sabay tawa ng isa na mismong unang kumausap sa akin, mukha namang sarkastiko kapag nagsasalita at halata rin sa kanilang mga pagmumukha. "She's just being so grumpy you know... because Heimlich used to fling her."

Napalunok ako at pilit na napangiti. "Oh...really?"

Hindi ko naman alam. At bakit pa nga ba ako nagtataka, gwapo si Heimlich, saksakan ng yaman. Siya yung tipo na lalaking, kahit alam mong gwapo, hindi mo makikitang kayang mag-commit sa iisang babae. Hindi mo mai-imagine. Halatang walang nagtatagal na babae sa kanya. Hindi naman siguro malabong... sa bawat taon ng paglaki niya, ang katikasan at kagandahan niya bilang lalaki ay malabong walang babaeng dumaan sa mga palad niya. Imposible. Pihadong marami iyon.

Pihado rin talagang may nauna siya... base rin sa nakikita kong hasang-hasa na at eksperto pa. Marami ng karanasan lalo na kapag may nangyayari sa amin ay lagi niya akong pinapakitaan. Nakakamangha. Magaling. At alam kong hindi lang ako. Madami talaga. Baka nga... hindi na mabilang sa mga kamay ko, eh. Kaya naman pala ganito ang inaasta nila. Mga babaeng dumaan na sa palad ni Heimlich at mukhang naiinggit pa.

"Yea... duh? You know, Heimlich our most eligible bachelors and everyone is trying to get laid from him." sabay tawa nito at tumaas ang kilay.

Nakakatawang isipin, mga nakikipag usap sa akin ay mga hindi ko naman kilala. Akala ko masarap silang makausap, approachable, ngunit nagkamali ako. It looks like the three women in front of me are ignorant. Hindi sila madaling pakibagayan at mali ang impresyon ko. Mga hindi na din nag-abala pang magpakilala. Pero mabuti na rin 'yon.. pabor din naman sa akin. Lalo na't nararamdaman kong hindi nila gusto ang presensya ko, kinaiinggitan dahil ang lalaki nilang pinagnanasaan ay hawak-kamay ko lang naman kanina. Ako ang kasama. Hay... kung alam lang nila ang totoo.

"Well I'm not trying to laid. He is the one trying to laid me." pabalik at sarkastiko kong sagot at pinilit pa rin ipakita ang perpekto at pantay-pantay kong ngipin.

Hindi naman porke mayayaman sila ay gagani-ganituhin na nila ako. Diyos ko... tama na. Sawang-sawa na ako sa pagiging kawawa, yuyuko at iindahin ang pang-iinsulto at magpapaka santatita. Hindi ako papayag na sila lang rumerebat sa akin. Kung kaya nila akong rebatan kahit mag-english pa sila, pwes, kaya ko rin silang irebat din. Akala ba nila, huh? Na iiyak ako kapag magsasalita ng ganito sa harap ko? Tss! Wala sa teleserye ang buhay ko para mag-umastang ganito!

I'm not a fucking crybaby. Tigilan nga nila ako. Eh, mga wala pa naman silang panama sa pagiging bitchesa ng mga nakakasalamuha ko, lalo na si Mari.

Napabuntonghininga ako ng malalim. Kung nandito lang ang babaeng 'yon, hahayaan ko iyon makipag away. Ang sarap pa naman minsan panoorin si Mari kapag nakikipag sumbatan. Talagang hindi ka makakalusot. Kaya sanay na talaga ako sa mga ganitong tao. Hindi naman iisang beses lang itong mangyari sa akin, kundi marami na. Na mga taong mapangmata. Ipapahiya ka talaga. Sanay na din ako.

Napataas sila ng kilay, nagkatinginan silang tatlo at nagtawanan na para bang bumanat ako ng isang joke at bentang-benta sa kanila.

"You know, dear... Heimlich is one of Asia's most eligible royal-blood bachelors. Keep dreaming ... it's not bad to dream even when you're awake. " natatawa pa niyang sambit.

"Yea, right. Perhaps... she's just being used. We all know how needy Heimlich is." ani pa ng isang babae na ikinakunot ko.

"Super." sang-ayon naman nung isa at napairap sa kawalan bago uminom sa sariling kopita na akala mo'y umiinom ng zonrox dahil sa kanyang istura.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon