PHASE 37

15 5 0
                                    


"Seriously, bakit kailangan pa natin mag date?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

"Is it bad to date the woman I want?" mapaglaro niyang sagot habang bumubulong sa akin mula sa likuran.

Napapailing na napaghigpit ako ng hawak sa tali mula sa unahan. Kanina ko pa kinakagat ang labi ko sa pagpipigil na mangiti at baka kapag nakita niyang tinatamaan ako ng kilig ay mas lalong lumaki ang ulo niya at lalong tuksuhin ako!

Knowing him, kapag may nagagawa siyang bagay na epektibo ay nagmamayabang pa naman ang istura nito.

"Ang landi mo pala." sarkastikong sabat ko sa kanya. "Bakit pa kailangan mag-date kung araw-araw mo naman ako kinakama?" malamog ko pang tanong sa kanya para inisin siya dahil sa totoo lang ay hindi talaga ako sanay na siya ay ganito.

He groaned in annoyance. I immediately heard his strong curses as if he didn't like what I said.

Muntik na akong matawa. "Your filthy mouth, mi Adelaide, tss," bumuntonghininga siya ng malalim. At kahit nakatalikod ako ay alam kong busangot agad ang mukha nito, bagay na hindi ko alam kung bakit ikinatutuwa ng puso ko at ngiti ko.

"I just want to be special and give meaning to your day..."

Agad na naman ako napakagat sa ibabang labi habang napapakibot. Mahigpit akong napapikit ng mariin. Kaunti na lang ay baka maututan ko na siya sa kilig na pinararamdam niya.

Damn it! Why does he have to be flowery to speak?

Honestly, sa mga ganitong senaryo, kapag napapanood ko sa mga teleserye or movies ay nawiwirduhan talaga ako, minsan nasusuka dahil hindi ako makaramdam ng kilig. Kasi hindi ko maramdaman, dahil hindi ko pa naramdaman noon pa man kaya hindi ako maka-relate. Pero ngayong nararamdaman ko... pagdating sa lalaking ito... ewan ko! Parang may kabayong sumisipa sa dibdib ko sa tuwing humihinga ako.

Hindi ko na yata magagawang kumalma kapag kalapit ko siya.

Damn it, Heimlich! Why are you so fucking cheeky and romantic at the same time?

Ganito ba ang ginagawa niya? Kaya ba, pagdating sa ibang babae, mahirap na pakawalan siya dahil ganito siyang katamis umasta? Napabuntonghininga ako ng malalim at dagling naramdaman ang kaunting-kaunting paninibugho ng maisip kong baka nagawa na niya ito sa maraming babae. Agad akong umiling upang mapalis ang pangit na naiisip at baka masira pa ng tuluyan ang araw ko kapag hinayaan ko ang sarili kong malunod sa pangingimbento ko na pangit sa gising kong pagkabangungot. Tss.

Basta ang mahalaga para sakin... ay ang kasalukuyan. Ayoko na muna isipin kung anuman ang nakaraan. Kung totoong nagawa niya talaga akong gustuhin at mahalin sa kabila ng ginagawa ko, lalo na't hindi ako basta babae, at hindi kasing ayos ng estado tulad ng mga tipo at nababagay sa kanya, ay sino ako, para hindi rin siya... tanggapin sa buhay ko, diba?

Sino ako para magpaka-choosy?

Sino ako para tumanggi sa isang tulad niya?

"I-Is that so?" I said as I bit my lower lip to suppress the accent of the tremor.

"It is so. I'm asking you for a date and hoping that you'll fall in love with me right away." bulong niya muli sa aking likod.

Hindi ko maiwasang mapaiwas at makiliti sa mainit niyang hiningang tumatama sa aking tainga at batok. Napahinga ako ng malalim at napailing.

"Seryoso ka ba talaga?" kasi para yata akong binabangungot ng maganda.

"Yea... why do I feel like you don't believe me? " ramdam ko ang pagkunot ng noo nito kahit hindi ko siya nililingunan.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon