PHASE 55

12 3 0
                                    


"Sinasabi ko na nga ba... Ikaw ulit ang mananalo!" wika ni Mari habang naririto kami sa Sephora. "Wait lang... Oh, my god! Ang gaganda na naman ng mga nakikita ko! Sure ka bang libre mo? Okay... akin to... gusto ko 'to... akin 'to.... ito, Phryne! Bagay sayo tutal malaki naman ang puwet mo..."

Matapos makuha ang prize ay napagdesisyunan ko na agad bumalik sa apartment ko. Inaamin kong... sa takot lang na lumapit sya ay hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.

Mabuti ay naabutan ko rin si Mari sa apartment niya kaya napanatag akong hindi ako mag-iisa at makakapag-isip ng kung anu-ano sa apartment ko. At syempre, bago ako umalis, siniguradong napakain ko rin ng maayos ang anak ko—ang pussy ko.

Inaamin ko... sa totoo lang ay ginagawa ko lang na umaktong normal, sinubukan kong kalimutan ang nangyari kagabi sa paglapit niya. Pero alam kong hindi kadali iyon... lalo na sa ginawa ko sa kanya! Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba iyon dahil sa ginawa ko dahil nadala ako sa bugso ng damdamin ko! Hindi ko nakontrol ang sarili ko. At ang maalala... ay parang gusto ko na lang rin mandiri... at mahiya!

Pero 'di bale na, wala lang naman siguro iyon para sa kanya.

Haynako, napaka tanga mo talaga, Phryne Gretha!

Pero may parte sa puso ko na hindi ko maintindihan. It was as if I was on the brink of danger again, and my heart was pounding despite the fact that I knew he was here.

Hindi ko maintindihan. Pero hindi... hindi ko hahayaang magiba na lang basta ang pagbuo ko ng matibay na pundasyon kong nakabalot sa puso ko. Kaya bago pa lamunin ang kaisipan ko nang kung anu-ano, ay agad kong pinutol ang kaisipang iyon. Hinding-hindi. Hindi dapat ako matakot sa kanya. Dahil panatag akong protektado ko na ito. Tulad kanina... hindi niya basta nabilog ang ulo ko. Nagawa ko na siyang ignorahin at hindi ako bumigay. At kahit na hinalikan ko siya... mas namayani ang galit sa puso ko.

Natanto kong... hindi na ako ganun karupok sa kanya.

Hindi na ako marupok.

Napabuntonghininga ako ng malalim. Nakagawa pa ako ng isang bagay na hindi ko inaakalang magagawa ko sa kanya sa aming pagkikitang muli!

Siguro iniisip niyang... ganun ang kasabik sa kanya kaya ko nagawa iyon?

Pwes, nagkakamali siya! Ginawa ko lang iyon dahil... dahil... ah basta! Hindi ko rin alam!

Ginawa ko lang iyon para maasar sya ngunit hindi yata naging epektibo iyon! At sa pagkakakilala ko pa naman sa kanya, ang ayaw niya sa lahat ay parang nabibitin. Kahit don man lang ay makaganti ako. At yung ganting iyon, huli na 'yon! Tama na iyon. Ang tangi ko na lang magagawa, kahit masama pa rin ang loob sa kanya ay magkaroon ng walang paki sa kanya.

Ang ignorahin ang buong pagkatao niya. Kahit na gahibla ng anino't buhok niya.

Hindi ko maiwasang pangilabutan sa nagawa ko... Parang gusto ko na lang magwala at pukpukin ang sarili ko sa kahihiyang ngayon ko lang naramdaman! Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagawa ko talaga 'yon! Nakakadiring pangyayari! Ayoko na lang alalahanin at gusto ko na lang masuka.

At bakit ko nga ba ito masyadong iniisip!?

Ano naman? Ano naman kung ginawa ko iyon? Pinatunayan ko lang sa kanya kung anong klaseng babae ang tingin niya sa akin. Bakit ko pa ba aalalahanin kung anuman ang iniisip niya at ang tingin sa akin? At para saan pa ba kung gusto niya rin akong kausapin? Hindi sa nagiging bitter ang dating ko... ayaw ko na lang talaga siya makausap. Tapos. Yun na yon. Ayoko.

Sapat na yung huli naming pagkikita kaya ano pa bang saysay para mag-usap pa kaming dalawa na parang walang hindi magandang nangyari?

Hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ang lakas ng loob niyang nagawa pa akong lapitan.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon