PHASE 23

16 5 0
                                    


"Oh, I see the stars on the sidewalk, Phryne.." mapaglarong tono nito habang tumatanaw sa alon ng mga tao.

"Gaga! Lasing ka na ba?"

Nandito kami sa labas ng 4Play. Napag-isipan niya kasi, since nauurat na siya sa loob at rinding-rindi na siya sa malakas na music at paulit-ulit na mukha ang nakikita niyang tao sa loob ay lumabas na lang muna kami. Ganun din naman ang nararamdaman ko. Mabuti kahit papaano, nasa labas ako ay nakahinga-hinga ako medyo ng maluwag.

"Hey, babe! Are you looking for a date? Wanna have some fun?"

Agad na salubong ni Mari sa isang lalaking nakatigil na kotse.

"Oh, nevermind. There's epal pala!" sabay irap ni Mari dun sa babaeng isa sa mga katrabaho namin na hindi naman namin ka-close.

Napakunot ang babae sa amin sa kamalditahan ni Mari. Kung bakit ba naman kasi ang burikat na ito ay bigla-biglang nang-i-irap kung kani-kanino.

"Are you talking to me, bitch?" sabay angat ng kilay nito at puspos ng kanyang hawak na sigarilyo.

Kilala ko ito. Ito si Luca. Katrabaho namin sa 4Play. Mas matagal na siyang stripper dito at pinaka-matanda sa amin. Kung kami ay bitch ay wala nang mas ibi-bitch pa sa kanya. Yun ang sabi ng karamihan. Nag-try rin naman kami pakisamahan siya ngunit tila suplada ito at ganid din sa pera. Madaya kumbaga. Madaya at maruming magtrabaho. Ewan ko ba kay Mari. Sabi kasi nung mga bartender at ilang stripper ay ilang beses na siyang ibina-banned dahil sa dalas niyang gumawa ng eskandalo sa bar, nagpupumilit pa rin daw itong magtrabaho rito kahit na wala ng masyadong kumukuha sa kanya. Mahilig din mang-agaw pag hawak mo na ang customer kaya maraming mga babaeng naiinis at napapaaway sa kanya.

Maganda naman siya, ngunit mahahalataan na ang kulubot ng katawan. Pero kahit anong edad na ang itsura, at iilang hibla na lang ng maputing buhok na ito ay hindi naman ito magpapatalo sa suot nitong pekpek short, croptop, mga porselas na kumakalansing sa magkabila niyang braso, at ang mapulang nguso nito.

Eh ang halos mga gusto kasi ng iba ay fresh at mababatang tulad namin. Hindi maeedad na tulad niya. Aayawan pa rin kahit na may asim pa. Bihira na lang kung sinong may gusto pang sumama sa kanya. Madalas din yan makaaway ni Mari kaya kilala ko na rin ang ugali niyan. Tila parang galit ito sa lahat ng kababaihan. Halatang inggit at 'di matanggap na siya ay kumukupas na.

Ganun talaga siguro pag matanda pa. Balita ko nga na, ni wala pa daw itong asawa. Ayaw mag settle down at pinili na lang maging stripper forever.

Damn. Minsan nga hindi ko maiwasang mahabag sa tulad niya. Palagi kong lubos na iniisip na meron pa kaya? What if, matulad ako sa matandang 'to? Aabutin na ang katandaan, mag-isa ka pa rin sa buhay. Like... tulad naming stripper, ganito ang trabaho. Marumi. May mga tao pa kayang... kaya kaming tanggapin sa kabila ng naging trabaho namin?

Wala siguro. Walang matinong lalaking at kahit 'di matinong lalaki ang kayang tumanggap sa amin. Na bukod sa katawan lang ang habol, wala ng iba. After all, it's just our body, not your heart, mind and soul.

"Why don't you get busy inside the bar? What are you doing here? " agad ako nabalik sa reyalidad ng kinakausap pala kami ni Luca.

I heard Mari heavily sighed. "Yea. Well Phryne and I work together. This is where you stand, is ours. This is our turf. We've got seniority, so you'd better be off our corner. Shoo shoo! "

Napataas lang ang kilay nito at sarkastikong nangiti. Halatang pustiso na ang gamit nito. "Oh forgive me, honey. I was just taking a rest here. Besides... you don't own this space, as far as I recall. You look like an elementary school girl picking a fight because you didn't get any candy. Aw." then she frowned, sarcastically smiled and rolled her eyes.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon