PHASE 63

12 4 0
                                    


Ilang segundo ko siyang natitigan. Para bang mabibingi ako sa pintig ng puso ko.

"You just have to... assist me a little. I'd like you to teach me how to be... affectionate more for you, mi adelaide. I love you... and I am willing to change for you. Whatever it takes..."

Pagkasabi ay muli niya akong hinalikan.

Sa pagkakataong ito, banayad ang naging halik niya. Hindi katulad ng dati ay marahas, mapanganib, masakit at may halong panggigigil. Para bang may pagsuyo ito, malambot... masarap at hindi nakakasakit. Kumbaga sa panunuyo, para bang ito pa ang naging dahilan na lalong masabik ako. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili na napadantay ang dalawang braso ko sa balikat niya at nasasabayan ang bawat ritmo at banayad na halik niya.

Malakas ang kabog ng aking dibdib, pinipilit kong kumalma sa pananabik masabayan lamang ang mararahan niyang ipinaparamdam sa akin.

Natanto ko kung gaano talaga ako kabaliw sa kanya. Sa isang lapat pa lang ng labi niya sa akin ay labis-labis na ang pagwawala ng nararamdaman ko. Doble-dobleng init ang lumalagablab sa kaibuturan ko. At hindi ko alam kung anong klaseng sumpa ba ang ipinatikim niya sakin para lang mabaliw ako sa kanya ng ganito.

Hanggang sa namalayan ko na lang na naihiga na pala niya ako sa napakalawak at napakalambot na matres na higaan. Hindi nakatakas sa paningin ko ang malaking kwarto na naka fixed glass sa gilid, animo'y nagsilbing malaking aquarium na pinamamalibutan kami ng iba't-ibang klase ng isda, mga pating at ilang mga hindi pamilyar na anyong tubig sa akin.

Napamulat ako ng malaki at agad na nasalubong ko nang umibabaw siya sa akin nang hindi buong bigat, sapat na para maramdaman ang init ng katawan niyang lumalapat sa dibdib ko.

Saglit kaming natigil upang kumuha ng hangin, naghahaplusan kami ng mukha habang nakatitig ang mga mata namin sa isa't-isa. Patuloy niya muli akong hinalikan, hanggang sa ang magaan niyang palad na naglalakbay at humahaplos sa aking balat ay unti-unting bumababa papunta sa aking puson. Hindi pa man niya nararating ay hindi ko maiwasang mapasinghap ng malalim.

At sa pagbaba ng malalagkit na iniiwan niya na halik sa aking leeg ay narating nito ang pagitan ng mga hita ko na lalong ikinaungol ko.

"H-Heimlich..." usal ko.

Habang nararamdaman ko ang marahang haplos niya sa guhit ko gamit ang gitna niyang daliring nanunudyo ay sinasabayan niya pang pisilin iyon ng marahan kahit na may suot pa rin akong pribadong saplot.

Ramdam ko na agad ang panlalagkit at basa sa ibaba ko.

"Always remember that you are the most beautiful... amazing... sexiest girl I've ever met, and there's no way I'm letting you get away, mi adelaide...never... again..." nahihingal at namamaos niyang sambit.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang ang mainit niyang kamay at dahan-dahang pagpasok ng isang daliri niya roon sa bukana ng aking pagkababae.

Napapikit at umarko ang ulo kasabay ng pagpapakawala na naman ng mahinang halinghing.

"Ang dulas mo. Does it hurt, hm?" marahang tanong niya habang pinagmamasadan ang aking mukha.

Umiling ako. Hindi ako nakasagot bagkus ay pinalandas ko ang mga palad ko mula sa kanyang dibdib papunta sa kanyang abs, pababa sa kanyang pagkalalaki. Ramdam ko dagling lalong pagpintig at tigas non lalo ng nakatayo na pala itong hinahawakan ko.

"Fuck," kasabay ng pag-ungol niya ng pasimple ko pang napisil iyon.

Lalo niyang isinubsob ang mukha sa akin habang patuloy niyang niroromansa gamit ang malalagkit niya halik sa aking leeg, patungo sa aking dibdib. Hindi ko maiwasang mapasabunot sa kanyang buhok nang maramdaman ko ang mapanukso't may kaunting lamig na mas nangingibabaw na mainit niyang dila. Hindi ko alam pero parang nakakalikot niya ang bawat himaymay ng kaloob-looban ko. May kung ano ring matinding kumukiliti sa kalamnan ko. Para bang kaunti na lang ay may bubulwak na sa kaibuturan ko—hinhintay na lang na sumabog.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon