PHASE 10

21 5 0
                                    


"Kamusta pala ang aral mo, Prina?" tanong niya bigla sa akin habang kumakain kami dito sa loob ng Jollibee.

Napagdesisyunan na kasi namin ni Kuya na kumain na muna kaming dalawa since parehas kaming gutom at hindi makapaghintay. Para 'pag umuwi kami ay pasalubong na lamang ang magiging dala namin kina Nanay at Tatay, lalo na kay bunsong Chichi. Ang dami ng inorder niya, aalma pa sana ako pero wala na akong nagawa, tutal ay pera naman niya 'yan at siya naman ang manlilibre edi...desisyon niya. Bahala siya. Medyo nag-alala lang ako at baka mabitin ang allowance niya imbes na itabi na lang niya.

Napabuntung-hininga ako ng malalim habang ngumunguya ng yum burger.

"Eto... laging busy. Ganito pala ang pakiramdam ng graduating, no? Grabeng tambak na kailangang ipasa na requirements, madalas pa kaming mapuyat ng groupmates ko sa thesis namin dahil yung isa..." napairap ako sa kawalan at napabuga ng hininga. "...juskopo! Hindi maasahan! Tatamad-tamad. Pero ang sipag naman mag-myday kasama ang jowa. Kupal talaga, no? Muntik na nga ako magselos eh! Alam mo yun? Nagpapakasarap, samantalang kami, ako, hirap na hirap!" biglang reklamo ko nang maalala ko ang isang thesis mate kong walang ibang ginawa kundi lumandi.

"Ano ba naman 'yan. Imbyerna yang kagrupo mong iyan, ah. Edi kung ganon, ialis mo na lang sana sa grupo niyo." suhestiyon ng Kuya ko. "Masyado siyang sinusuwerte..." duro niya pa sa akin gamit ang parte ng hita ng chicken na itinapat sa akin.

Napairap at napanguso ako. "Edi konsensya ko pa? Baka mahabag lang ako, no. Dibale na, babawian ko na lang siya sa paniningil. At least, mabawasan man lang ang sama ng loob ko sa kanya."

"Okay. Ikaw ang bahala. Diskarte mo talaga. Pagpatuloy mo yan."

Napahagikhik ako. "Eh, ikaw ba? Kamusta naman ang aral natin college boy?" sabay ngisi ko na ikinailing niya.

"Okay pa naman ako..." sarkastikong anito.

"Mahirap ba sa college?"

"Lahat naman hindi madali, Prina. Walang madali sa college tandaan mo yan. Hindi uso don ang papetiks-petiks. Pero masaya." sabay ngiti niya. Tukoy sa magandang Unibersidad na pinapasukan.

"Sus! Baka naman may chics ka na dun, ah? Hindi mo lang sinasabi,"

"Tsk, wala pa sa isip ko 'yan."

Natawa naman ako."Hindi ko alam, nae-excite at kinakabahan ako pag nag-college na rin ako! Sana makapasa ako, no? Kung matalino lang ako katulad mo edi sana maganda ring school ang mapapasukan ko. Excited na talaga ako gumaraduate."

"Sipagan mo lang. Tiwala lang." habang patuloy ito sa pangangain.

"Tang ina naman kasi! Biruin mo 'yon, Kuya? Bobo na nga ako, ako pa ginawang leader! Mga boyop talagang kaklase." reklamo ko. Idinaan ko na lang sa paglasap at pag-nguya ng yum burger ang sama ng loob ko sa nangyayari sa akin sa mga nagdaang linggo. "Tapos sa hapon, rehearsal pa ng graduation namin bago kami umuwi. Tss, nakakapagod talaga! Kaya hindi na ako makarampa dahil sa lintek na thesis na ito, pahirap sa buhay."

Natawa siya habang napapatango. "Ganun talaga, Prina. Basta kung nahihirapan ka sa ibang acads mo, magsabi ka lang sakin at baka may maitulong ako. Tsaka tumigil ka nga kakasabi ng bobo sa sarili mo, hindi ka naman mapipili na leader kung wala silang nakikitang potential sayo." anito at kumagat muli ng chicken.

Napainom ako ng soft drinks. Hindi mapuknat ang ngiti ko na sobra akong nag-e-enjoy kumain kasama ang Kuya ko. Parang bumalik kami sa pagkabata, naalala ko lang yung mga bata kami. Ganitong-ganito kami ni Kuya Premi. At sino naman kasi ang hindi matutuwa sa libre? Kung pwede nga lang at kung mapera lang kami ay aaraw-arawin na namin ang pagpunta rito para kumain. Paborito kasi naman talaga naming 'to ni Kuya nung bata pa kami. Naalala ko pa nga, nag-iipon talaga si Tatay kahit namamasada lang siya noon sa tricycle at pinapangakuan kami na ikakain niya raw kami rito at mamasyal sa kung saan. Ginagawa niyo ito lalo na kapag birthday namin matapos galing sa pagsimba.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon