PHASE 24

25 5 0
                                    


Agad kaming nakapasok sa Viceroy L'Ermitage Beverly Hills kung saan dito ko siyang unang nakita. Hindi ko maiwasang mapaisip na... dito ba talaga namamalagi ang lalaking ito? Ibig kong sabihin ay, wala ba siyang bahay at pa hotel-hotel na lang buong buhay? Magkano naman ang naiwawaldas niya rito? Curious lang ako, gaano katagal na rin kaya siya rito? Oh, baka naman hindi talaga siya rito nakadestino? Baka may pinanggalingan talaga siya at hindi ko alam kung saan.

At ayaw ko ng maging interesado. Interesado lang naman ako dahil sa maaaring perang mahalagang maibigay niya ngayong gabi kaya sumama na ako. Tama. Interesado ako sa pera niya. Dahil favorite ko na siya. Siya lang kasing nakilala kong customer na kailanman hindi naging barat. Alam mo 'yun? Hindi nag-aalinlangan sa perang winawaldas kahit magkano pa sabihin mo o bigyan mo pa ng kondisyon. Mabilis siyang sumang-ayon pag nangongondisyon ako sa kanya, ewan ko lang si iba.

Minsan kasi sa bar, kapag napapadalas siya ron ay wala akong nakitang ibang babaeng nakaangkla, nakakandong o nirentahan niya.

Sa pangalawang beses ko ng pasok rito ay hindi ko pa rin talaga maiwasang mapahanga. Ang sosyal-sosyal naman kasi talaga. Parang kahit mga taga linis o nagtatrabaho rito ay mahihiya ka na lang rin sa sarili mong suot dahil parang naligaw lang ako. Out of place yung simpleng suot ko sa mga galanteng suot ng karamihan. Ngayon ko lang narealized na labas na labas pala talaga ang revealing na suot ko!

Kaya pala sa bawat makakasalubong ko ay napapasulyap sa gawi ko! Haynaku. Bakit kasi napakasexy at ang ganda ng suot ko?

Palagi nga sinasabi ni Mari na hindi raw ako mukhang pokpok o stripper sa tabi-tabi dahil kakaiba raw ako magdala ng suot. Dahil kaibigan ko naman siya ay paniwalang-paniwala naman ako.

"Use my coat." natuod naman ako saglit nang namalayan ko na lang na hinubad niya ang coat sa harap ko atagarang itinakip sa gawing harapan ko.

Seryoso lang ang itsura nito habang patuloy na kaming naglalakad. At pansin ko sa bawat lakad namin, tila sentro sya ng atensyon ng mga taong nakakasalubong, mapamatanda man o bata. Para bang kilala na siya ng lahat rito.

"Thanks, baby. Pero 'di mo naman kailangan itong gawin." only now I saw his gentlemanliness at this time.

"Sa tingin ko kailangan ko." pabalik na sagot niya. Hindi ko naman maiwasang mapatungo kapag napapatama ang tingin sa akin ng mga karamihan. At kahit papaano ay hindi ko maiwasang mailing, kada lilipat ang tingin nila sa tabi ko, bago ako. "It's alright... you're gonna be fine here. Come here, and stop fidgeting." suway pa nito sa akin.

Nakakalula naman kasi ang lugar. Para akong maliliyo sa mga nakikita ko.

Agad kaming natigil saglit sa front desk kung saan may dalawang babaeng nakalabas ang dila habang palihim na pinagsasaan ng tingin si Heimlich. Okay. Hindi ko naman sila masisisi dahil sa kagwapuhan ng lalaking ito. Siguro kung may regla lang ako, baka pati tampon ko ay malaglag habang tinititigan itong lalaking kasama 'ko.

Eh, eto pa nga lang na kasama ko siya, at gusto na naming makasama ako ngayong gabi ay manginig-nginig na ang matres ko, eh! Paano pa kaya sa dalawang babaeng malalantud na ito na hanggang tingin pa lang!?

"Good evening, Mr. Sanjrani." magalang na bati sa kanya ng isang babaeng nasa front desk.

"Good evening. You have messages?" pormal na sagot ni Heimlich. Dun pa lang, alam ko nang kilala at madalas talaga siya rito. Siguro... iba-iba din ang mga babaeng dinadala niya?

Eh kung ganon, pang-ilan naman kaya ako sa pinaka naging masuwerte?

"Yes, several." agad na sagot nung babaeng nasa front desk.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon