Prologue

3.6K 114 5
                                    

WARNING: Contain violence that may harm you. Read at your own risk!

  ══════◄••❀••►══════   𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘

          Asteria Lein Y Credieu

  Kumurap-kurap ako at hinawakan ang maliit na kamay ng aking kakambal na lalaki na si Neil. Nasa harapan kami ng isang lalaking may gintong buhok at pulang mata. Mababakas sa damit nito na isa itong maharlika, at ang kanyang buhok at mata ang nagpapatunay na siya ay dugong bughaw. Agad akong itanago ni Neil sa kanyang likod para protektahan ako. Tanging pagaspas ng hangin ang namamagitan sa katahimikan. Napaatras kami pareho ng humakbang ito papunta sa amin, nakakatakot ang awra nito at ang lamig ng kanyang mga mata.

❝Naririnig mo ba ako Asteria? Pagbilang ko ng tatlo, sabay tayong tatakbo.❞ 

  Napatingin ako kay Neil habang nanginginig parin, mayroon kaming kakayahan na makipagkomunikasyon sa aming mga isipan. At talaga naman may silbi iyon ngayon, pano na lamang kung mapagtanto ng maharlika na ito kung sino kami? Natural ay magsusumbong ito sa Emperador at ipapapatay kami, katulad ng sinabi ng aming Ina. Dahil kami ay bastarda at madungis iyon sa pangalan ng mga Credieu. Kaya kung maari, kailangan namin makatakas mula sakanya.

❝Isa...❞

Ako si Asteria Lein Y Credieu, at ito ang kambal kong lalaki si Allistair Neil Y Credieu. Alam namin pareho na hindi naman talaga iyon ang pangalan namin, dahil sa kaloob-looban. Alam naming galing kami sa ibang dimensyon ng mundo at napadpad lamang ang kaluluwa namin sa katawan ni Asteria at Allistair. Ngunit bakit wala kaming maalala kung ano ang pangalan namin sa mundong yon?

❝Dalawa...❞ 

Kung iisipin, ang aming mentalidad ay edad 27 at ang katawan ay limang taong gulang lamang. Ngunit wala kaming maalala kung ano ang pangalan namin pareho sa mundong iyon, kaya minabuti na pangalanan namin ang isa't isa. Sa pangalang binigay ng pabaya naming ama.

❝Tatlo!❞

Hinila ni Neil ang aking mga kamay at sabay  kong inihakbang ang munti kong paa. Ang kailangan lang namin ay makabalik sa Emerald Palace at matakasan ang lalaking yon. Lumingon ako mula sa pinanggalingan ng lalaki, hindi man lang nito ihinahakbang ang kanyang paa para habulin kami.

Nakalayo kami pareho at hingal na hingal, nasilayan namin ang palasyo at nakita ko ang galit na mga mata ni Mathilda. Paniguradong sasaktan na naman kami at halata sa mga mata nito ang labis na pagkalasing at pagkalugi. Marahil ay sumugal na naman ito at natalo.

❝A-Asteria...❞ Nanginginig na tawag sa akin ni Neil ng makita ang latigo sa kamay ni Mathilda. Kailan man ay hindi ko ito tinawag na Ina, bagkos ay tinatawag namin itong Mathilda. Dahil hindi siya nararapat na tawaging Ina. 

Mangiyak-ngiyak ako ng lumapit ito, agad niyang hinablot ang braso ng kakambal ko. Gusto ko man hablutin si Neil para ilayo sa kanya, ngunit ang katawan na ito ay hindi umaayon sa akin.

❝Hik, kahit kailan nakakaasiwa kayong mga bata kayo!❞

Napaiyak ako ng lumapat sa binti ko ang latigo, hinablot naman nito ang buhok ko.

Nang makuntento ito sa pananakit ay pagewang-gewang itong umalis. Ngunit sa hindi inaasahan ay nadapa ito, saktong may matulis na bagay sa binagsakan niya. Tumusok ito sa kanyang noo na siyang ikagulat ko.

Nakaramdam ako ng hilo at nawalan ng malay dahil sa nakakasukang nasaksihan.

༺═────────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now