Chapter 4

2K 93 1
                                    

                ══════◄••❀••►══════
                                    Chapter 4  

Asteria LeinCredieu

   Napatingin ako sa aking kambal ng makatulog ito, mukhang napagod siya ng husto. Napanguso naman ako, tumingin ako kay Binibining Veronica. Kargo de konsensya ko pa ang pagsisinungaling, pero kailangan sakyan ko ang kakambal ko.
Alam kong may plano pa siyang iba bukod dito.

❝Nakatulog na siya,❞ Ani nito habang nakatitig kay Allistar. Ngumiti ako sakanya, karga-karga niya ako at kanina pa kami nagkwekwentuhan. Mabigat  na din ang talukap ng mata ko, naiyak kase ako kanina.

Huhuhu, hindi ako makapaniwala na magsisinungaling kami sa napakaganda at napakabait na binibining ito.

❝Maari bang bantayan mo muna ang kakambal mo Lein? Magbibihis lang ako at magaayos ng pagiidlipan niyo.❞ Ibinaba niya ako kaya itinaas ko ang aking hinlalaki.

❝Hmm!❞ Tumango ako bilang pagsangayon, ngumiti ulit ito tsaka iniwan kami upang magtungo sa hagdan papunta sa ikalawang palapag.

Tumingin ako kay Neil, pareho ng marumi ang mga damit namin. At mabaho na din ang kakambal ko, ako mabango pa. Amoy baby ako, eh baby naman talaga ako.

Napapaisip ako, kung dito kami magsisimula. Anong trabaho naman ang magagawa ng maliit kong kamay? Tsaka hanggang kailan kami magtatagal dito? Paano kung mahanap kami ng emperador? Knowing our father, siya ang pinakamakapangyarihan sa buong emperyo. At isa pa, dadating ang araw na makikilala kami ni Binibining Veronica dahil sa aming mga buhok.  Pinagmasdan ko ng mabuti ang kakambal ko.

Ano ba talaga ang plano mo? Kung ano man yon, sabihin mo agad sa akin. Dahil sasabunutan talaga kita! Hmp!

❝Lein?❞ I diverted my eyes to lady Veronica, suot nito ang isang pambahay na pink na bistida. Ang buhok niya ay nakalugay at may dala itong mga damit.

❝Halika, papaliguan kita. Mayroon akong damit dito na isinuot ko noong kasing edad mo ako, hindi ko alam kung kasya sa'yo to. Wag kang magalala, tutungo ako sa bayan bukas para ipagbili kayo ng damit.❞ Bumaba ako sa upuan at tsaka yumakap sa binti niya.

❝Sobwa na po ang naitulong niyo Binibining Vewonica.❞ Lumuhod ito para mapantayan ako at tsaka ginulo ang buhok ko.

❝Nica, tawagin mo akong Nica.❞ Eh? Diba't parang hindi naman yon pormal? Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya patungo sa palikuran. May nakahanda doong maligamgam na bath tub na may sabon, sinubukan kong maghubad pero hindi pa talaga kaya ng braso ko. Sobrang hirap na hirap ako para tanggalin ang dress ko, hindi ko kase abot ang zipper sa likod.

❝Yahhh!❞ Inis kong saad kaya napatawa naman si Binibining Nica. Napanguso ako pagkatapos niya akong tulongan maghubad.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakapagbihis na ako ng pink dress.  Nakalugay nadin ng maayos ang ginintuan kong buhok. Nagpaalam sa akin si Binibing Nica na pupunta siya sa bayan para bumili. Pinagbilin niya sa akin si Neil, sinabi nito na ilolock niya na lamang ang gate. Mababait daw ang tao dito at kilala niya ang mga ito. Mga magsasaka niya iyon na nakikitanim sa kanyang lupain. Malayo-layo daw ang bayan kaya kailangan niyang umalis ng maaga para makauwi ng maaga.

Napaupo ako sa tabi ng pinagtutulogan ng kakambal ko, inayos ni Binibining Nica ang pagkakatulog nito. Mangiyak-ngiyak nga ako kanina ng masabon niya yong sugat ko. Hindi ako umiyak pero hindi ko mapigilang mapaaray sa sakit.

Tinakpan niya ito ng bond aid na parang teady bear na sticker ang sugat ko. Iginalaw ko ang aking mga paa, medyo hindi ko pa abot ang sahig mula sa kinauupuan ko. Gusto ko na talagang lumaki.

Sana talaga si Binibining Nica na lang ang nanay ko.

Halos bumaligtad ang sikmura ko ng maalala kung paano ito mamatay. Umiling na lamang ako at ipinatong ang baba sa dibdib ng aking kakambal na ngayon ay mahimbing na natutulog. Ambango niya parin, amoy baby siya. Pero syempre baka naamoy ko lang sarili ko, dzuh.

Ayokong umidlip baka may mumu, o kaya baka may pumasok. O baka kumatok yong mga kawal ng emperador. Nilaro ko ang buhok ng kakambal ko.

Nabebenta kaya to?

Totoo kayang ginto to? Maganda siguro kong magpakalbo nalang si kambal para magkaroon kami ng malawak na lupain. Kumpirmahin ko muna siguro kung totoong ginto to? Kuha lang ako ng isang hibla, hehehe.

Pagtalaga tinanggap to sa mga sanglaan baka ako na pinakamayan sa buong Emperyo. Naiimagine ko talaga na luluhod sa akin ang Emperador tas hahalik sa mga paa ko. Tapos magkakandarapa sa akin lahat ng mga prinsepe, kase mga sugar mommy sila. NYAHAHAHAHAHAHA!

❝Hoy.❞ Naputol ang aking pagdadaydream, naningkit ang mata ko kay Neil na ngayon ay tinitignan ako ng masama. Bahagya niya akong tinulak na ikinanguso ko.

❝Gusto mo ba akong patayin? Ang diin ng pagtusok ng baba mo sa dibdib ko.❞ Hinampas ko siya sa braso kaya napadaing ito, napaupo naman kami ng maayos.

❝Saan naman galing yang damit mo? Si Binibining Veronica nasan?❞ Kinusot-kusot niya ang mata niya.

❝Pumunta siya sa bayan, babalik din yon mamaya. At itong damit? Galing to sakanya,❞ Ani ko at pinagdikit ang aking hintuturo.

❝Siya nga pala, ano ba talagang plano mo?❞ Ani ko habang nilalaro ang aking binti.

❝Makikipagnegosasyon tayo!❞ His eyes sparkled and nagthumbs up.

❝Hah?❞ Nagloading naman ako sa sinabi nito. Negosasyon?

❝Hindi mo ba nakita na maraming grains dito na pwedeng gawing harina. Tsaka mga kalabaw na ginagatasan at mga manok.❞

Nagproseso pa sa utak ko ang sinabi nito.

❝Oo! Pwede tayong magsimula ng bakewy Nwil! Ang talino ko talaga!❞

❝Ako ang nakaisip non!❞

❝Bakit tanda mo pa ba yong wecipe? Diba ako nga ang nagiimbento ng mga tinapay? Imbentawyo lang nga yong iyo.❞

❝Ako parin ang nakaisip.❞ Inirapan ko siya.

❝Nyenyenye! Ambantot mo na.❞ Ani ko at tinakpan ang aking ilong para asarin siya, pero lakhing gulat ko ng hablutin nito ang aking batok at pinaamoy sa akin ang kili-kili niya.

❝Yahhhhhhhhhh!❞ Tumawa ito ng malakas dahil sa  tili kong iyon, muntik na akong mapamura dahil sa pangaasar niya. Tumawa naman ito, hindi nama talaga siya mabaho. Inaasar ko lang naman pero pinawisan na yong kili-kili niya noh! Parang hindi siya anak ng Emperador. Binitawan niya naman ang batok ko kaya salubong yong kilay ko.

❝Oh ano, sige. Sinong mabaho? Sino nga ulit yong mabaho?❞

━─━────────༺༻────────━─━

The Emperor's Twin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon