Chapter 26

1.2K 67 4
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter 26 

Asteria Lein Y Credieu

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa labis na pagkakasakal ni Mathilda sa akin. Hindi ko matanggap ang mga nangyayari, si Momma at Mathilda ay iisa lamang. At lahat ng mga ipinakita sa akin ni Momma ay pakitang tao lamang, hindi ko matanggap ng sobra ang mga ginawa niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa pisngi niya kaya nabitawan niya kami dahilan upang maghabol ako ng hininga. Napatingin ako kay Neil ng may pag-aalala. Narinig ko ang bulong ni Mathilda na tila ba pinipigilan nito ang sarili hawak ang kanyang ulo. Natigilan siya ng ilang segundo at muling lumapit sa amin, hinawakan nito ng mahigpit ang mga pisngi namin. Ramdam kong bumaon ang kuko nito sa pisngi ko dahilan upang dumugo iyon.

"Your father who killed my ancestors and my predecessors despite trying to fool me with his affection..." Ang mga mata niya ay purong galit, at tila ba nasasaktan sa mga alaala nito.

"You two is nothing and just a fruit of my misery!" Napadiin ang kanyang pagbaon ng kuko sa aking pisngi dahilan upang mangirot pa lalo ang pakiramdam ko. Sa isang iglap nakita ko ang isang lalaki sa likod ni Mathilda at hinila nito papalayo sa amin.

Napagmasdan ko ang lalaking mayroong ginintuang buhok at kalmadong pulang pulang mga mata, nagkaroon ako ng pag-asa para sa kaligtasan namin. Bumuhos ng luha ko na humalo sa dugo ko sa aking pisngi habang nakatingin sa magulang namin ni Neil.

Ngunit hindi iyon kagaya ng mga normal na magulang, nanlaban si Mathilda at nakawala sa pagkakahawak na iyon ng Emperador. Ngayon ay kalmado ang mukha ng Emperador habang nakatingin si Mathilda na puno ng galit sakanya.

"Why are you doing this Mathilda?" Pagtatanong nito na para bang baliwala lang ang galit ng nanay namin.

"Tinatanong mo pa sa akin ang lahat ng kasalanan mo? Pinatay mo ang lahat ng mga Hanabi, inubos mo ang lahi namin! Kahit walang kamuwang-muwang ay dinamay mo para lang sa kapangyarihan!"

"We don't have discrepancies here. You're trying to kill your own flesh."

"The child that I bear from you was a fruit of remorses. The prosperity I only have is to see them tormented until they inherit the suffering you gave me!"  Alam ko na kung kanino nagmana si Neil, pero bakit hindi ko nakuha yung trait na ganyan.

Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi ni Mathilda, parang pabor pa sa amin na mabuhay sa mundong to. Nanlalambot parin ang mga binti ko, napatingin ako kay Neil ng magbago na naman ang mata nito. Nagiging pula ito pagna-uunahan siya ng galit at emosyon. Lalapit sana ako sakanya sa pag-aalalang baka may mangyari na naman ngunit para ako naging bato ng maramdaman kong para akong sinasaksak sa likod sa sobrang sakit.

Napaubo ako at napatingin sa kamay ko na may dugo. Nanlalabo man ang mata ko ngunit nakita ko ang kapangyarihan ng mga magulang namin na tila nagsasagupaan, hanggang sa naramdaman ko na lamang na tinatangay na ako ni Mathilda papalayo sa aking kakambal.

"N-Neil..." Unti unti na akong nilamon ng dilim sa sobrang sakit.

⊰᯽⊱

  Naimulat ko ang aking mata ng maramdaman ang kakaibang init sa aking dibdib, para bang nawawala ang bigat ng katawan ko dahil doon. Nakita ko si Mathilda na nakapwesto ang kanyang kamay sa aking dibdib, ngunit agad naman niyang binawi iyun ng makita niya akong gising. Hinawakan niya ang pisngi ko sa galit ngunit hindi kagaya ng paghawak niya noon, hindi ito mariin.

"I-handa mo ang sarili mo dahil ilang araw nalang ay mamamatay ka sa kamay ko." Litana niya, minsan ay napapaisip ako kung minsan ba ay naging totoo siya sa pagpapanggap niya bilang si Momma.

"Momma...Minsan po ba ay naging totoo kayo sa amin?" Tumulo ang luha ko, sobrang sakit na maisip na hindi pala totoo si Momma. Na pagpapanggap lang pala iyun, yung bonding namin na pagtuturo ng tinapay. Yung pagbili namin ng kagamitan para makapag-aral sa SUI. Yung araw araw niyang pagpaligo sa akin at pagtali ng buhok ko, sobrang sakit lang na maisip na pakitang tao lang yun.

Kase pakiramdam ko parang totoo yung mga tawanan, yung pangangalaga. Hinilom kase ni Momma yung mga sugat sa nakaraan ng paunti-unti. Nagkaroon kami ng nanay kahit pansamantala, nakaramdam kami ng pagmamahal sa ibang tao. Naturuan kaming lumaban at maging malakas, naturuan kaming mabuhay sa labas ng mundo.

Natahimik naman siya, "Hindi matutumbasan ng galit ko ang nararamdaman mo. Kahit anak pa kita, kaya kitang isakripisyo makaganti lang sa tatay mong walang kwenta." Aniya at binitawan niya ang pisngi ko, ano ba talaga ng nangyari at bakit ganito kagalit ang nanay namin sa Emperador?

Bakit kailangan namin pagdusahan ang kasalanang hindi naman namin ginawa? Sana nga ay nakakausap ko ngayon si Neil pero hindi siya maabot ng telekinesis ko, napatingin ako kay Mathilda na ngayon ay nakasulyap sa isang bagay.

"Masaya ang mga hanabi noon, ang mga angkan ko ay napag-iinitan lamang ng mga angkan ng Credieu dahil sa talento at kapangyarihang pinagkaloob sa amin ng taas. Ang mga Hanabi ay mga ordinaryong mamamayan lamang ng bansang ito, naging iba ang pagtingin sa amin dahil sa talento naming makakontrol ng mga nilalang na ang kapangyarihan ay dilim o nabubuhay sa dilim." Pagbubukas niya ng istorya na pinakinggan kong mabuti.

"Doon ay nakilala ko ang tatay mo, akala ko ay iba siya at hindi nagpapaapekto sa initan ng angkan namin. Ngunit mali ako, isang araw ay pinatay niya ang buong angkan sa pag-aakalang kami ay magiging banta sa kapakanan ng bansa. Ang mga mabibigat na paratang na iyun ang nag-udyok sa akin upang gamitin kayo. Nakita ko ang tatay niyo, pinatay niya ang mga kapatid at magulang ko. At sa hindi ko ginustong pagkakataon ay iyun din ang araw na nalaman kong pinagdadala ko kayo. Doon ay napagdesisyonan kong ipakita sakanya kung paano ko patayin ang sarili niyang anak kagaya ng ginawa niya sa pamilya ko."

Nakita ko ang galit at paghihinagpis nito dahilan upang manakit ng lalamunan ko dahil sa bantang pagbuhos ng mga luha ko, patawad mama. Ngunit hindi ako makakapayag na gamitin mo kami para sa mga paghihiganti mo.

༺═────────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now