Chapter 32

1.1K 64 4
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter 32

Asteria Lein Y Credieu

Nasulyapan ko agad si Momma sa isang selda kaya agad akong napatigil at itinuro iyon kay Neil. Naglakad kami papunta dito at napalunok ng makita ang sitwasyon niya. Mayroong kadena sa mga kamay nito at gulo din ang kanyang buhok, nakayuko ito at parang hindi kami napapansin. Ngunit ng makita nito ang anino namin ay napatingin ito sa amin. Bakas ang gulat at pagod sa mga mata nito ng makita kami. Sinubukan niyang lumapit sa amin ngunit napigilan siya ng kadena sa kanyang kamay at paa. Nakita ko si Neil napahawak sa kutsilyong dala niya, mukhang nanginginig siya.

Nagtagpo ang mata namin ni Momma at nanlambot ang kanyang ekspresyon.

"A-Anong ginagawa niyo dito? Umalis kayo sa lugar na ito, hindi niyo alam ang pinasok niyo." Si Neil naman ay nagmasid-masid sa paligid at parang wala itong interes kay Momma.

"Momma itatakas k-ka po namin." Napatingin sa akin si Neil ngunit buo ang determinasyon ko. Kung pipigilan niya ako ngayon, magkakasubukan kami.

"Umalis na kayo." Litanya nito at iniwas ang tingin na para bang nawawalan na ng gana sa buhay. Hinawakan ko ang bakal na pumapagitan sa amin upang mapalapit.

"Momma, hindi po ako papayag. Sinabi niyo po sa amin noon na kailangan namin ipaglaban ang buhay namin at wag hayaang ang ibang taong magdikta ng aming buhay. Momma—"

"Asteria that wasn't genuine! Sa buong buhay ko sinaktan ko ang mga taong nagmamahal sa akin. Nalunod ako sa galit at mismong sarili ko ay hindi ko na kilala. Walang nagdikta ng buhay ko, ako ang mismong lumapit sa kamatayan ko Asteria. Kaya mabuti pa, umalis na kayo." Umagos ang luha nito, emosyon na ngayon ko lang nakita na humaplos sa puso ko. Unti unti akong umiyak dahil sa panghihina.

"Hindi pa sapat ang buhay—" pinutol naman siya ni Neil at napaharap na sa amin.

"You're right, ang buhay mo ay hindi pa sapat para pagbayaran ang ginawa mo sa amin. Sa tingin mo ba? Papayag kami sa bagay na kamatayan ang magiging paraan mo upang tumakas sa lahat ng atraso mo?" Biglang nagbago ang mata ni Neil at naging pula iyon. Bigla niyang inilabas ang kutsilyo at nakaramdam ako ng mana mula sa kamay niya, nabigla ako dahil nahati niya ang bakal gamit lamang ang kutsilyo na iyon.

Saan mo natutunan iyan Neil?! Halos bumalik lahat ng luha at sipon ko sa katawan dahil sa gulat, para bang alam na alam ni Neil kung paano paikutin ang mana sa katawan niya. Gulat man ay nagmadali ako ng makarinig ng mga kawal na papunta sa gawi namin. Agad kong hinila si Momma at tinanggal naman ni Neil ang pagkakakadena.

"Bakit niyo g-ginagawa sa akin to! Nararapat—"

"Just shut up Mom." Aniya ni Neil na halos ikatawa ko naman. Ramdam ko naman yung galit niya pero ambastos talaga ng bunganga niya. Hindi ko alam kung kanino ito nagmana. Nakalabas kami sa Imperial Jail at tumakbo papunta sa kagubatan, naiirita na ako sa suot kong dress. Nang makalayo ay nagkaroon ng komosyon sa Imperial Jail na para bang hinahanap nila kami.

Kung iba talaga makakakita nito sa amin, hindi sila maniniwala. Imagine ang anim na taong gulang itinakas ang magulang niya mula sa authoridad? Apakaexaggerated man pakinggan pero talagang we're born with talent.

Napaupo naman kami sa pagkahingal pero si Neil mukhang hindi ito hiningal sa pagtakbo. Nagtatakha ako kung saan niya nakukuha ang ganyang stamina. Nagbago na rin ang kulay ng mata nito, mula sa pula ay naging kulay berde kapareho ng akin. Cold parin ang kanyang mga sulyap na para bang hindi siya makapaniwalang ginawa namin to.

Agad kong kinuha sa bulsa ang isang dakot ng gintong salapi. Inilagay ko ito sa kamay ni Momma.

"Momma tumakas ka po, pumunta ka sa malayong lugaw. Doon po sa lugaw na hindi sakop ng kapangyawihan ng Empewadow. Mabuhay po kayo Momma..." Hinihingal man ngunit kailangan namin magmadali dahil magtatakha ang palasyo sa pagkawala namin.
Lumapit sa amin si Neil, ngunit sa hindi inaasahan ay niyakap kami ng mahigpit ni Momma.

"P-Patawad, patawarin niyo ako mga anak ko." Humigpit pa lalo ang pagkakayap nito sa amin kaya niyakap ko siya pabalik. Bumigay narin ako at umiyak, ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong yakap. Alam kong mula ito sa tunay kong Ina at bukal iyon sakanyang loob.

"A-Ang Emperador? Ayos lamang ba siya? " Hinawakan ko ang kamay nito at tumango.

"Maraming salamat po sa paunang lunas niyo, alam kong gagaling siya. Wag kang mawawalan ng pag-asang mabuhay Momma, hihintayin ko ang muli nating pagkikita." Hinawakan nito pareho ang pisngi namin at hinalikan kami sa noo.

"Patawarin niyo ako sa lahat ng nagawa ko. Babalik ako at pagbabayaran ko ang lahat ng atraso ko. Neil, palagi mong protektahan si Asteria. Asteria, protektahan mo si Neil. Dahil ang isa't isa lamang ang mayroon kayo."

"M-Momma...Pinapatawad na po kita." Naaalala ko yung sinabi niya sa amin bilang Veronica Rouch. Niyakap ko siya ng mahigpit, parang ayaw ko siyang pakawalan. Pakiramdam ko mawawala siya sa piling ko, pakiramdam ko ito na yung kahuli-huling pagkakataon na makikita ko siya. Tumingin ako kay Neil ng magbago ang ekspresyon nito na para bang pinipigilan niya ang luha sakanyang mga mata ngunit muli itong napatingin kay Momma.

"You're forgiven."

Doon ay niyakap niya siya at nagsiiyakan na nga kami na parang hindi na namin makikita ang isa't isa. May ibinigay siya sa amin na kwintas, batong korteng buwan na sapphire at kumikinang ito. Ibinigay niya iyon sa akin.

"Sabihin niyo sa Emperador ang paghingi ko ng tawad. Sabihin niyo sa kahuli-huling pagkakataon ang aking pasasalamat." Tumango naman kami, nagulat ako ng may sinabi itong hindi ko maintindihan na salita at lumabas ang isang portal.

"Mahal na mahal ko kayo anak." Muli kaming yumakap sakanya, ngunit mayroong parte sa akin na ayaw ko siyang iwan. Siguro ganto talaga pagbata, gusto lagi sa tabi ng Ina. Muli akong sumulyap sakanya bago pumasok sa Portal.

Pinapatawad na po kita Momma, mabuhay ka po. Aabangan ko ang ating muling pagkikita. Unti-unti nga kaming nilamon ng portal at dinala kami nito sa library ng Palasyo.

༺═─────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon