Chapter 28

1.2K 70 6
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter 28

Asteria Lein Y Credieu

Nanatili lamang ako sa kung saan ako nakapwesto habang sinusubukang mag-isip ng plano para makatakas ako kay Mathilda. At ang nakikita kong tsansa doon ay napakaliit. Kunting galaw ko lang ay mamamatay ako, nasan na ba kase si Neil. May balak naman siguro siyanh iligtas ako dito noh? Hahabulin ko kaluluwa niya kapag pinabayaan niya ako dito.

At isa pa! Gutom na gutom na ako! Buiset kaseng kaartehan to ni Mama dinamay pa kami. Ano bang makukuha niya sa paghihiganti? Peace of mind? Buiset kase eh! Kung peace
of mind pala hanap niya, bakit hindi niya subukang patawarin ang lahat? Para mawala na yung pinapasan niya.

Maghihintay ka paba ng kamatayan mo dito hanggang sa katayin ka ng sarili mong Ina? Aish.

Pero kung may gawin man ako, Ano ang laban ko kay Mathilda? Kung malakas lang sana ako eh baka kanina pa ako nakatakas dito kaso mag-aanim na taon palang ang katawang to, hindi ko pa nga masambit ng matino yung 'r' eh!  Jusmeyong sumpa to. 

Nanghihina parin ako dahil sa nangyari kanina pero mas lalo ata akong maghihina maisip lang na kunti nalang oras ko.  Naiintindihan ko ang galit ni mama, pero bakit sa masamang pagkakataon ko pa makikita ang mukha ng tatay ko?

May mukha ang emperador, kamukha niya si Neil. Pero yung kasungitan ni Neil mukhang nakuha niya kay Mathilda, ano bayan bat sa ganitong sitwasyon yun ang iniisip ko? Malapit na nga akong mamatay.

At isa pa, walang kasama si Mathilda sa pagdukot sa akin. Naiintindihan ko naman ang galit at puot niya pero ang nakakapagtakha bakit wala akong makitang kasama niya? Diba dapat may kasama siyang black sorcerer, kase noong nasa paaralan kami ng S.U.I. inatake kami ng black sorcerer. Nangunot ang noo ko ng makita si Mathilda na balisa habang nakatingin sa labas ng bintana. Sinarado niya ito at napatingin sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at may kinuhang maliit na kutsilyo sa mesa. Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso dahilan upang mapadaing ako.

"Kailangan na natin umalis dito, sumunod ka nalang at wag kang magtanong!" Aniya at hinila ako, ano bang problema niya? Mukha siyang balisa? Hindi kaya nasa labas na si Neil? Ililigtas niya kaya ako?!

Lalabas na sana kami ng lugar ng biglang may humarang sa pinto suot ang itim na cloak. Napaatras naman si Mathilda at napatingin sa limang nakacloak na iyon.

"Pasasaan at mukhang aalis ka Mathilda?" Aniya ng boses lalaki na nagbigay kilabot sa akin. Isa isa nilang binaba ang kanilang mga cloak at bumungad ang lalaking halos kamukha ng Emperador. Siya ang nakakatandang kapatid ng Emperador! Siya yung dating Emperador, nakatingin ito sa akin ng nakangiti.

"Okay na sana pero pumalpak ka Mathilda, naiwan mo ang isa pa." Napaatras si Mathilda at tumindi rin ang hawak niya sa braso ko. Napadaing ako at napatingin sa isang babaeng kasama ng Emperador. Ang mata din nito ay pareho sa kulay ni Mathilda, pamilyar ang kanyang awra. Ngumisi ito ng nakakakilabot habang may hawak na kakaibang berdeng crystal sa isang scepter. 

"Wag kang makialam dito Luther, ako ang papatay kay Lucas at sa mga batang to!" Aniya ni Mathilda na may halong panggigil. Nabigla na lamang ako ng sinapak siya ng babaeng may hawak na crystal kaya nabitawan ako nito. Napaupo ito sa sahig at pinagtadyakan ng babaeng iyun, biglang may bumara sa lalamunan ko at sinubukan kong lapitan si Mathilda ngunit may humablot ng braso ko.

"Sino ka sa tingin mo para maging makasarili Mathilda! Ako at si Luther ang nagplano ng lahat simula noong una!" Pinanggigilan niya si Mathilda at hinila ang buhok nito. Ngayon alam ko na, lahi nila ang pagiging sadista.

Napatingin ako sa humablot sa akin at iyun ang dating Emperador na nagngangalang Luther, ngumiti ito at hinaplos ang aking pisngi.

"Anak...Nangulila ako sainyo ng sobra." Napatitig ako sa mata nito kaso gusto kong matawa dahil tinawag niya akong anak. 
Nasisiraan na ba siya ng ulo?

"Baliw kaba?" Litana ko. Ako lang to, kalmado pero kabado. Nasan na ba kase si Neil! Nasan na ba ang Emperador! Naiiyak nako dito, andaming baliw sa paligid ko.

"Hindi ikaw ang papa ko, hindi mo ako anak. Anak ako ng Empewadow! Bitawan mo ako!" Nakita ko naman ang galit sa mata niya kaya napangiwi ako, jusme wag niyo po akong lamunin!

"Hindi! Hindi ako papayag na sakanya pa kayo! Inagaw niya na sa akin ang lahat! Hindi ko siya mapagbibigyan!" Napalakas ang paghawak ng kamay niya sa akin.
Ngunit nagkaroon ng pagsabog sa labas kaya nabahala kami.

Hinawakan si Mathilda ng iba pang kasamahan ng mga kontrabidang to. At kung titignan mukhang sila yung mga black sorcerer.

"Lein ... Can you hear me?!" Biglang may kumurot sa puso ko ng marinig ang tinig ng kambal ko.

"Neil! Nasan ka?! Tulungan mo ako!"

"I'm here outside, I badly want to go inside but they won't let me. The Emperor and the princes will rescue you so hold on Asteria!"

"N-Neil..." Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko dahil sa takot. Hinila ako ng dating Emperador at tinutukan sa leeg ng kutsilyo dahil sa ambang yabag ng mga tao sa labas

"Asteria, don't lose hope."

"Oo Neil, naniniwala ako. Kaya lagi mong tatandaan na kapag namatay ako dito mumultuhin kita! Kase nangako ako na mananatili ako sa tabi mo, marami ka paring pangakong hindi natutupad! Kahit magka-asawa ka pa o kahit magka-anak kapa ng wala ako. Lagi mong tatandaan na masaya ako sa bawat desisyon mo.Basta wag mong susubukang kalimutan ako...Mahal kita kambal."

Biglang bumukas ang pinto kaya napapikit nalang ako dahil sa takot, naririnig ko ang mga alam kong nakakatakot na makita. Ang patayan at ang talim sa leeg kong nasusugatan na.

"You're overthinking too much, just wait there and they will save you."

"Epal ka N-Neil..."

Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang Emperador na masama ang tingin sa dating Emperador. Walang malay din si Momma habang ako ay halos hindi na makahinga dahil sa patalim sa leeg ko.

"Neil..."

"Asteria!"

༺═───────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon