Chapter 20

1.3K 65 3
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter 20  

Asteria Lein Y Credieu

Kanina pa malalim ang iniisip ni kambal. Simula nong umalis kami dun sa office ng nag-imbestiga sa amin. Kasalukuyan kaming pinapasunod ni Lady Hanina papunta sa pansamantala naming tutulugan.

Ako man ay kinakabahan sa mga mangyayari sa amin, alam kong hindi naman kami papabayaan ni Momma.
Napansin kong hindi nakakasabay sa akin si Neil. Kanina pa siya tingin ng tingin sa paligid.

"Bat ambagal mo maglakad Nwil?" Pagtatanong ko at bahagyang huminto, umiling ito at naglakad papunta sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Pero parang robot lang din tong katabi ko kase mukhang nagloloading. Ang lalim ng iniisip niya hindi ko siya mabasa. Siguro, iniisip niya yung mga mangyayari sa amin sa susunod.

Pumasok kami sa isang silid at bumungad sa amin ang malinawag at hindi kalakihang silid. Mayroong hapagkainan, sala, at dalawang pinto na kung huhulaan ay banyo at kwarto. Napa-upo naman ako sa couch, kinausap ni  Momma si Lady Hanina. Maya-maya pa ay umalis na si Lady Hanina, habang kami ni Neil ay nagkatitigan. Tumabi sa akin si Momma at tumingin sa aming dalawa.

"May dapat ba kayong sabihin sa akin?" Halata sa boses nito na may nais siyang malaman, siguro ay napagtagpi-tagpi niya ang mga kasinungalingan namin at hindi nagtutugma iyon. Unang kasinungalingan, ipinapatugis ang mga magulang namin ng konsehal. Pangalawa, ito. Itong kapangyarihan namin. Hindi namin alam kung papaano ito gagamitin. Sobrang gulo na, kinagat ko ang labi ko. Sa dinami-dami kasing pagkatao bat ito pa ang nadatnan namin.

"Sino ba talaga ang mga magulang niyo?" Napatingin ako kay Neil at kay Momma, bumigat ang dibdib ko, parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa dibdib ko dahil sa takot. Kailangan malaman ni Momma, dahil siya lang ang makakatulong sa amin ni Neil makatakas. Buo na ang pagtitiwala namin sakanya, tinanggap niya kami at sapat na iyon para ipagkatiwala ang buhay ko sakanya. Huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob, tumingin ako kay Momma at
tinanggal ang pendant na binigay niya sa akin dahilan upang bumalik sa dating anyo ang aking buhok. Muling kuminang ang pagkaginto nito.

"Natatakot po kami ni Nwil na baka ipagtabuyan niyo po kami noong panahong matindi ang pangangailangan namin ng matataguan." Lumingon si Momma kay Neil na tinanggal din ang pendant niya, bumalik din ito sa orihinal na anyo.

"The reason behind our white lies is to escape from hurdles that we need to face on." Ani pa ni Neil, minsan talaga nakakasira ng mood tong si Neil. Okay na eh nag-english pa siya, kinakabahan tuloy ako sa magiging reaksyon ni Momma. Nakita ko naman na mapagkakatiwalaan si Momma sa sekretong to, wala siyang interes sa luho kaya hindi niya kami ipagkakanulo. Napamahal narin naman kami sa isa't isa at handa siyang tulungan at intindihin kami sa lahat ng pagkakataon.

"Gusto lang po namin ng katahimikan sa buhay pewo ipinagkakait po iyon sa amin Momma. Kaya sa tingin ko po, ikaw ang makakatulong sa amin sa bagay na'to. Momma, nagmamaka-awa po ako. Tulungan niyo po kami ni Nwil." Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa halong emosyon. Takot, dahil natatakot ako sa mga posibleng mangyari kapag sinabi namin. At awa, naaawa ako para sa amin ni Neil dahil napakalaki ng kalaban namin.

"Patawawin niyo po kami dahil nagsinungaling kami. Momma ang totoo po niyan, kaya po may kapangyawihan kami sa katotohanang anak po kami sa labas ng empewador." Tuluyan ng kumawala ang luha sa aking mga mata, nanginginig din ang aking katawan. Naiyuko ko ang aking ulo at napahawak sa palda ko.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan, inaantay namin ang reaksyong mayroon si Momma. Mukhang naghihintay pa ito ng ilang eksplanasyon namin.

"We lived at Emerald Palace in the Winchville in this land. Our mother is a hidden concubine of the emperor. The emperor spare our lives because our mother threaten him that she will spread the news about us. Momma, I know you are aware of the heavenly decrees the Royalty must obey. Our existence will bring disarray to the holiness of Credieu's bloodline. It will create chaos because each of kingdoms will fight for a role becoming a new empire lineage." 

Nag-english na naman si Neil, bagong mannerism niya ata yan. Nagtatagalog naman siya noon ah? Huli na nung pumasok sa isip ko yung sinabi niya, nadedelay kase di ko maintindihan. Iniisip ko pa kung ano meaning ng disarray.

May tama si Neil, bagong mindset mindset na naman yan sa akin. Tama siya, pagnatanggal ang mga Credieu sa pagkaluklok dahil sa issue namin. Magkakandagulo-gulo ang mga kaharian na nagbuklod para pag-agawan ang pwesto na mayroon ang Credieu ngayon. Wait? Masyado naman ata advance mag-isip si twinny? There's a higher chance na mangyayari yun. Mas lalo tuloy akong natakot, pero kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ko dahil kalmado ang reaksyon ni Momma.

"Hindi ako makapaniwala na anak kayo sa labas ng emperador. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin ko sa sitwasyon na'to. Masyado kayong bata para maipit sa ganitong gulo." Tama ka Momma, napakakomplikado. Sobra, parang gusto ko nalang umiyak.

"At tama ka Neil, may posibilidad na mangyari ang mga sinabi mo. Pero sana alam niyo kung hanggang saan lang ang kapasidad ng kapangyarihan ko. Kumpara sa emperador, hindi iyon kasing lawak at kaimpluwensya."  Dagdag pa niya. Halos mawalan na ako ng hininga dahil kada salita na lumalabas sa bibig ni mama ay inaabangan at iniintindi ko talaga. Huminga ito ng malalim na kinakabog ng malakas ng puso ko, wag sana kaming ipagkanulo.

"Pero dahil tinuring ko na kayong mga anak at nagkaroon na ako ng responsibilidad simula nang pinapasok ko kayo sa tahanan ko. Gagawin ko ang lahat para matulungan ko kayo, kaya..." Tumabi ito sa amin at hinaplos ang pisngi namin. "...Iwan niyo sa akin ang lahat, hindi niyo kailangan pasanin ang napakabigat na problema na iyan. At isa pa," kinurot nito ang ilong ko. "Ipaglaban niyo ng buo ang buhay niyo, walang sinuman ay maaaring magdikta ng mga bagay na nangyayari sainyo. Taglay niyo rin ang karapatan na mayroon ako para mabuhay sa mundo ng mapayapa. Kaya kahit man ituring kayo na parang bagay, pahalagahan niyo ang buhay niyo." 

Unti-unting tumulo ang luha ko at bumigay saka niyakap siya. Tama si Momma, kahit man para kaming bagay na ginamit ng sarili naming Ina para sa kanyang luho. At kahit man ituring kami ng aming sariling tatay na isang banta at kaaway. Sa huli ang mayroon lang kami para mapununan ang sarili naming pangangailangan ay ang sarili namin.

༺═────────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now