Chapter 3

2.1K 94 0
                                    

                  ══════◄••❀••►══════
                                     Chapter  3   

                    Allistair Neil Y Credieu

  Pumasok kami sa isang gate at katapat nito ang hindi kalakihang bahay. Pero malaki na ito para sa limang tao, mukhang nagiisa lamang ang babae sa bahay na ito. Nanliliit ako sa bahay, siguro masyadong nasanay ako sa Emerald Palace. Ibinibaba niya si Asteria at hinubad ang kanyang bota. Hindi naman ako nasisikipan sa bahay, pwede na kami dito. Yun ay kung papayag si Ate Veronica. Masyado itong mabait, kaya dapat parin mabahala.

❝Pasok kayo,❞ Ngiting saad nito, hinawakan ko naman ang kamay ni Asteria at pumasok sa pinto. Agad niya kaming pinaupo sa isang couch at dumiretso siya sa kusina.

❝Ipagkukuha ko kayo ng pagkain.❞

❝Salamat po.❞ Tugon ni Asteria, nanatili lamang akong tahimik habang pinagmamasdan ang paligid.

❝Woi, bat ang tahimik mo?❞ Saad ni Asteria mula sa telepathy.

❝Nakakapagtakha at napakabait ng babae, hindi ka ba nababahala?❞ Umiling naman ito hudyat na ang sagot ay hindi. Nakaramdam ako ng kurot kaya inis ko itong binalingan.

❝Umayos ka nga, nagmamagandang loob nga yong babae. Tsaka napakaganda niya para paghinalaan mo ng masama.❞

❝May nakapagsabing, looks can be deceiving kaya wag kang makampante.❞

Agad na naman niya akong kinurot na ikinangiwi ko, salubong ang aking mga kilay na tinignan siya. Mukhang namana niya ang pagiging sadista sa aming Ina, ay hindi. Ganyan na talaga siya simula pa nong nasa dati kaming mundo. Mukhang nabihag agad ito ng babae, pero hindi ako.

Dumating naman ito dala ang dalawang baso ng gatas at biskwit. Umupo ito sa katapat ng pinaguupuan namin.

❝Kain kayo,❞ Ngumiti ito kaya binaling ko ang tingin sa biskwit, tama nga. Looks can be deceiving, kaya dapat hindi ako tumingin sa kanya kase baka mahulog kami sa patibong ng babae. Agad naman hinablot ni Asteria ang biskwit at gatas, mukhang gutom na gutom siya at ako antok na antok na.

❝Siya nga pala, alam kong napakahirap ng pinagdaanan niyo. Pero maari bang sabihin niyo sa akin kung bakit ayaw niyong magpadala sa authoridad? Sino ba talaga ang tumutugis sainyo?❞ Pinagaralan kong mabuti ang mga salita niya, pero mukhang wala naman siyang ibang intensyon kung hindi tumulong.

❝Isang konsehal po ang gustong magpapatay sa amin.❞ Agad akong tumingin pababa para mukhang kapani-paniwala. Narinig ko ang munting u pagubo ni Asteria dahil umiinom ito ng gatas. Napahawak naman ang babae sa kanyang bibig.

❝Bakit niya kayo pinapapatay? Napakataas ng posisyon na iyan, ibig sabihin ay nagtatrabaho siya sa Imperial Palace?❞ Sunod-sunod nitong tanong, napatigil naman siya ng may mapagtanto.

❝Pasensya na, andami kong katanungan. ❞ Napatango naman ako ng kunti.

❝Opo, pinatay niya po ang magulang ko sa hindi namin malaman na dahilan. I-Isang araw, nilusob ang bahay n-namin ng mga kawal ng emperyo a-at.❞ She cutted my words and abruptly hugged both of us, napangisi naman ako. Asteria glare on me, parang sinasabi nito na hindi siya makapaniwala. Wala akong magagawa, kailangan natin magsinungaling.

And I think cuteness can be deceiving?

❝Umiyak kanalang!❞ Ani ko pa sakanya sa telepathy, kaya nagsimula naman itong umiyak at bahagya pang nagtatapon ng matatalim na tingin sa akin. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likod ko kaya bahagya akong natigilan. She patted our head and look on us.

❝I don't know if I can ease the feeling you have. But you supposed to be happy right now. Hindi niyo deserve na makita ang karahasan, feel free to live in my house. Hindi ko alam kung makakatulong akong mabigyan ng hustisya ang magulang niyo, pero makakasiguro ako sa kaligtasan niyo,❞

I blinked many times, Asteria stop from crying at pareho kaming namamangha sa sinabi ni Binibining Veronica. We're both feeling warm... A warm that we seek the day we we're born here. I just hope that she was our mother. Narinig ko ang napakalakas na iyak ni Asteria na ikinangiwi ko, masyado itong nadala sa sinabi ng babae at nagdrama.

❝Let me tell you about myself, please stop crying lady Asteria. Hush, hush, ubusin mo yong gatas m- ❞ Mas lalo pang lumakas ang iyak nito kaya nataranta lalo si binibining Veronica. ❝Yahh! Tahan na tahan na, hindi ako marunong magpatahan ng bata.❞ Napakamot ako aking batok, pinunasan ni Lady Veronica ang luha ni Asteria. Napakaiyakin niya talaga.

❝Pasensya na Binibining Vewonica. Wahhhhh! Huhuhuhuhu hindi ko pwo akalain na makakakita ako ng anghel ng ganito kaaga wahhhhhhh! Huhuhuhu!❞ Kung wala lang talaga si Binibining Veronica ay nabatukan ko na ito. Kinuha ko na lamang ang baso ng gatas at uminom, habang abala si Binibining Veronica na patahanin si Asteria.

Makahigit ng sampong minuto ay napatahan na ito, at naubos ko na rin ang gatas. Kinarga naman ni Binibing Veronica ang kakambal ko.

❝Nga pala, magkambal kayo?❞ Tanong niya kaya tumango-tango si Asteria.

❝Saang lupain kayo nanggaling?❞

❝Mula po kami sa lupain ng Winchville, sa lugar ng pinagbuklod-buklod na kaharian.❞ Sagot ko na ikinatango niya.

❝Ilang taon na kayo?❞ Tinaas naman ni Asteria ang kamay niya, at pinakita ang limang daliri.

❝Lima pwo.❞

❝Hayaan niyo akong magpakilala kahit sinabi ko na ang pangalan ko. Ako si Veronica Rouch, nagiisa lang ako sa bahay na ito. Ang lupain kung saan ko kayo nakita ay pagmamayari ko, at isa akong Countess sa lugar ng Humnville.❞

❝Ilang taon na pwo kayo?❞

❝30 anyos na ako.❞ Gulat kami pareho sa sinabi niya, sa tantya ko kanina ay  20 pa lamang ito.

❝Talaga pwo?! Mukha po kayong 20.❞ Hindi naman ako umimik at nakikinig lamang sa paguusap nila ng kambal ko. Napatawa ng bahagya si Binibining Veronica.

❝Its a strange to hear that from a five years old.❞ Hindi makapaniwala nitong saad, believe me or not ang mentalidad namin ay kasing antas mo. Hinayaan ko na lamang sila magusap ni Asteria, bahagya pa akong napasandal sa inuupuan ko.

Kung siya ang may-ari ng mga taniman na iyon, napakaswerte namin para makipagnegosasyon sa kanya. Dito na siguro magsisimula ang malaya at payapa naming buhay, masisimulan din namin ang mga pangarap namin ni Asteria. Ang makapagtayo ng isang panaderya.

Naramdaman ko ang bigat ng talukap ng mata ko, wala naman sigurong masama kung umidlip ako ng kunti?

━─━────────༺༻────────━─━

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now