Chapter 2

2.3K 118 2
                                    


══════◄••❀••►══════
CHAPTER 2

Asteria Lein Y Credieu

Nanghihina kaming naglalakad sa gubat, we're heading toward the Emerald Palace Sobrang nagutom kami at napagod. Hindi ko na talaga kayang maglakad, napalingon ako kay Neil.

❝Nwil, pabuhat ako.❞ I pouted para madala siya, sobrang sakit na kase ng paa ko eh.

❝Bubuhatin kita,❞Nagningning naman ang mga mata ko. Napakabait talaga ng kapatid ko, he's always here protecting me at any cost. Sobrang napakabuti niyang kapatid.

❝Pagnasambit mo ng maayos pangalan ko.❞ Ngumisi naman ito kaya napapadyak ako sa inis, binabawi ko na lahat! Hindi siya mabait! He's targetting my weakness. Bakit naman kase ang ikli ng dila ko. Nauna itong naglakad sa akin kaya wala na akong nagawa kundi maglakad. Napakagentle niyang kapatid, napaupo naman ako. Yahh! Hindi ko na talaga kaya.

Hinayaan ko na lamang na mauna si Neil sa akin, sinubukan kong abuti ang mga paa ko para ibsan ang nararamdaman kong sakit. Ngunit mga ilang minuto lamang ay tumatakbong papunta sa akin si Neil. Nagulat ako ng hablutin niya ang kamay ko at hinila kung saan, dahilan upang maatakbo ako kahit sobrang sakit ng mga paa ko.

❝𝘕𝘦𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪?❞ Tanong ko sa kanya gamit ang Telepathy, agad niya akong hinila patungo sa isang madamong parte ng gubat upang magtago.

❝May mga kawal sa palasyo, hinahanap tayo.❞ Kumabog ng napakalakas ang aking dibdib dahil sa takot, hinawakan ni Neil ang munti kong kamay.

❝A-Anong gagawin natin?❞ Kinakabahan kong tanong kay Neil, hindi ko na maramdaman ang mga binti ko sa labis na panglalambot. Bakit ba kailangan pa kaming balikan ng emperador? Lumunok ako ng mangilang beses, I need to overcome my fear. Pero hindi ko maintindihan ang bugso ng damdamin ko, gusto kong umiyak. May bumabara sa lalamunan ko. Hinila ako ni Neil at tumakbo kami papalabas ng munting kagubatan papalayo sa palasyo.

❝Bilisan mo.❞ Napalingon ako sa aking likod, kaya nadapa ako.

❝Awayyy!❞ Tinayo ako ni Neil, napasimangot ako at kunti nalang talaga iiyak na'ko. Nakarating kami sa bayan, lumingon-lingon si neil at may nakitang karwahe ng mga pagkain. Isinakay niya ako don at sumunod naman siya, mga ilang minuto ay narinig namin ang tunog ng korseleta malapit sa amin. Pero dahil sa suwerte saktong umandar ang karwahe. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang dilim at naramdaman ang hapdi sa mga binti ko.

Nakita ko ang gasgas don, lumingon ako kay Neil ng hawakan nito ang kamay ko.

❝Its fine now, everything will be fine. There's a freedom after this ride.❞ Ani nito gamit ang telepathy, tumango-tango ako na puno ng kagalakan. I lean my head to his shoulder, everything will be fine. Kanina lang sobrang saya namin pero ngayon, hinahanap kami para patayin. I hope there's really a freedom after this ride. I feel asleep.

-

Naalimpungatan ako dahil sa pagyugyog sa akin ni Neil. Bumaba ito at bumaba rin ako, agad niya akong binigyan ng balabal para takpan ang buhok ko. May isinuot ito na sombrero.

❝San mo'to nakuha?❞ Pagtatanong ko.

❝Sa karwahe.❞ Napatango ako at binaling ang tingin sa paligid. Bumungad sa amin ang kamalig, nakarinig kami ng mga iyak ng maraming kambing mula sa malayo.

❝Nasan tayo Nwil?❞ Umiling ito sapat na para malaman ko ang sagot, hinila niya ang kamay ko papunta sa isang puno. Sapat na upang hindi kami masinagan ng mainit na araw. Patag ang paligid, mukha itong probinsya. Iilan lamang ang nakikita kong kabahayan, karaniwan ay mga karwahe at kamalig. Mukhang alas-dos na ng hapon, pero bumyahe kami ng alas tres ng hapon.

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now