Chapter 14

1.4K 70 1
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter 14

Asteria Lein Y Credieu

Natapos ang mahabang seremonya ng opening na iyon. At kasama ko ang mga halos ka-edaran ko lang, Class 1 kami kaya yung iba umiiyak. Hinahanap magulang nila, gusto ng umuwi. Ang sakit nganila sa tenga, syempre I maintain my stoic cold face. Juk, kambal ko pala mahilig sa ganon. Cute lang ako, hehehe.

Bale nakapila kami, hati sa dalawa. Boys and girls tas nasa unahan namin yung in charge na teacher para ihatid kami sa dorm namin. Siya yung nagdedemo narin samin, yung class two pataas naman nasa kanya-kanyang dorm na nila. Hindi na sila masyadong nagpademo, hinanap nalang nila yung section nila tas yung building nila. Parang yung school lang din sa dati naming mundo. I wonder tuloy kung anong klaseng sistema yung Royal Academy. Ang pinagkaiba nga lang, dito sa SUI pantay ang trato sa mga estudyante. Kahit anak kami ng Countesa, hindi ka nila i-treat na prinsesa. Pare-pareho ang sukat ng dorm dito, pati yung sukat ng pinto. Pero yung sukat ng ganda mas lamang ako.

Nahinto yung guro sa harap ng isang building, Napatingin ako sa mataas na building na iyon. Ang pintura niya ay light yellow at malaki ito. Sabi ng guro namin, hindi daw magiging per room per student, hindi gaya ng class five pataas na kanya kanya. Itong dorm namin more on isang bubong. Parang PBB ni kuya ganern, difference niya is kasama namin matulog yung teacher. Kaya medyo maliit ang building kompara sa building ng Class 5, ganito din naman kahit sa Class 2-4. Kase kids like us considered na hindi pa naman marunong sa bagay-bagay. Dinala na raw dito yung mga gamit namin at naiinis na ako sa babaeng kanina pa nantataray sa akin.

Hindi naman siya maganda makaasta, kala mo naman. Mas maganda pa nga ako sakanya, dukutin ko mata niya. Tas naiinis pa ako sa babaeng kulay fries yung buhok na tingin ng tingin sa kapatid ko na nakalinya lang din sa likod ko ng ilang metro. Sa boys siya nakalinya at itong tingin ng tingin sa kakambal ko ay nasa harap ko lang. Feeling niya siya tinitignan kaya naririnig ko impit na pagtili nito.

Ang bata niya palang sobrang harot niya na, napangisi ako. Dahil nasa likod ko lang naman yung taray ng taray sa akin, bat hindi tayo magpakademonyo ngayon.

Nagkunyari ako na tinulak ako ng nasa likod ko dahilan para matulak ko ang nasa harapan ko.

"Ay sowwyy!" Tumingin ako kunyare sa likod ko. "Bat mo kase ako tinulak!" Dahilan upang mapatingin ang lahat sa amin pati ang guro. Nagsimulang umiyak yung nasa harapan ko at nanlaki naman ang mata ng nasa likuran ko.

"Anong sinasabi mo! Hindi kita tinulak!" I creased my chin na kunyare naiiyak.

" Tinulak mo ako!" Kumunot ang noo ito, inabot ko ang kamay niya at nilagay sa braso ko ng mabilis tapos nagkunyareng tinulak niya. Tuluyan na akong nagkunyaring umiyak.

"Ms.Castellado, that's bad. Are you okay Ms.Rouch?" Patuloy parin ako sa pagiyak habang napapangisi ng kunti. Tumingin kay Ms.Castellado ang lahat, kaya ngumiti ako dito ng palihim.

"Ms.Castellado say sorry to Ms.Rouch." Tumayo naman ako at pinagpag ang palda ko.

"Pero nagsisinungaling siya Ma'am! Hinawakan niya-"

" That's enough Ms.Castellado, we saw it in our own eyes. Say sorry to Ms.Rouch." Nanlaki ang mata ko ng umiyak ito.

" S-Sorry." Napangisi naman ako, buti nga sayo. Pero natuod ako ng makita si Neil na sobrang sama ng tingin sa akin, natigil ako sa paghikbi at kinagat ang aking pangibabang labi. A glare that I can't withstand, hala galit talaga siya.

Bat naman siya magagalit?! Hindi ko naman siya inaano. Tumingin ulit ako dito, masama ang aura nito habang ang kamay niya ay nasa bulsa niya. Hala... Ibinalik ko na lamang ang tingin sa harapan at sinubukan iwasan ang matatalim niyang tingin. Bakit ba siya apektado? Hindi naman siya yung tinulak ko. Pumasok na kami sa building and we took the staircase patungong fourth floor. Class 1B kase kami ni Neil.

Nang makarating kami sa floor namin, napagtanto ko ang isang napakalaki ngunit simpleng tuluyan. Pambata nga lang tignan kase may playroom tas yung kulay ng paligid. Nakakairita masyado yung designs dahil pambata nga, pero at the same time. Ang cute ng pillow kase hugis tangerine, nagkanya-kanya naman hiwalay ang lahat samantalang ako ay pumunta dun sa unan na theme tangerine ngunit naunahan ako ng humablot dito.

Napatingin naman ako dun at seryoso ang tingin niya sa akin, eto ata si Ms.Castellado.

"Ano bang pwoblema mo?" Ani ko ngunit masama parin ang tingin nito sa akin na parang mangangain.

"Ikaw, anong problema mo." Tumaas ang tono niya pero hindi sapat iyun para marinig ng lahat.

"Ikaw yung taway ng taway sa akin simula pa kanina, ikaw yung may pwoblema." Maldita kong saad at sinubukan agawin sakanya ang tangerine na pillow.

"Hindi ikaw ang tinara-" Natigil siya at napaharap kami sa guro ng agawin nito ang atensyon namin. Kaya kinuha ko ang oportunidad para agawin sakanya ang tangerine pillow at naglakad papunta kay Neil.

Ngunit sa hindi ko inaasahan inagaw nito ang tangerine pillow sa akin, napalingon naman ako sa aking likod ng binigay niya ito kay Ms.Castellado. I frown ng kinausap niya ito, bumalik ito sa akin makaraan ang ilang minuto at agad akong pinitik sa noo. Aba!

"Back to your senses Asteria, I saw it. You lure them. That's not your habit, act mature." he said using the telepathy, I caressed my forehead.

Naiinis nga kase ako sakanila! Lagi ka nilang tinitignan. Kung pwede ko lang yan isigaw sa pagmumukha ni Neil, siguro ginawa ko na. Pero tama naman siya, mali yung ginawa kong yun sa dalawang bata. Maybe, magsorry ako sakanila later.

Pinag-indian seat kami ni teacher at nakikinig na lamang ako sa sistema ng dorming. Makaraan ang kalahating oras ay nagsikanya-kanya na kaming hanap ng pwesto na mapagtutulugan. Naisipan kong sa pinakagilid ng bintana ang kama ko, wala dito si Neil at nasa kabilang pinto kasama ang mga boys. Pero dahil kaya naman ng telepathy ko ang radius ng buong lugar, makakausap ko sa isipan ko si Neil kahit papaano.

༺═────────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon