Chapter 1

2.8K 111 2
                                    


                    ══════◄••❀••►═════
                                    CHAPTER 1

Allistair Neil Y Credieu

Nasa harapan kami ng puntod ng aming Ina, ilang araw narin ang nakakalipas ng masaksihan namin ang pagkamatay niya. Natural lamang sa isang bata na iyakan ang kanyang yumaong Ina, ngunit kahit anong pilit namin ay walang kumakawalang luha. We'd suffered too much in her hands kaya nararapat lamang na magdusa siya sa kamay ni Satanas.

Napagusapan namin ni Asteria na maglayas na lamang, ngunit sa ganitong edad? Nangangailangan parin kaming umasa sa sustento ng Ama. Kahit papano noon, ay may nahuhuthut si Ina sa Emperador dahil nagtatangka itong magsumbong kay Empresa Ruby. Ang asawa ng Emperador, alam din ng emperador na nabuntis niya ang kanyang kerida. Kaya pinatapon niya kami dito at binilinan na wag kaming magpapakita sa harap niya, kaya napakawalang-kwenta niyang ama!

Yon ang alam ko, ngunit sa lalaking nakasalumuha namin nong nakaraang linggo? Isa itong maharlika, maari'y anak ito o kamaganak ng Emperador. 

Wala kaming balita sa labas ng Emerald Palace, kahit katiting na impormasyon sa estado ng emperyo. Ang Emerald Palace ay tago mula sa bayan. Mukhang ginawa iyon ng Emperador para sa kabit niya at sa amin.

May mga kapatid kaya kami?

Umalis kami sa puntod kasama ang mga kasambahay na kauri din ni Mathilda. They are scolding us pero hindi kami sinasaktan sa harap ni Mathilda. Ngunit wala na si Ina, at mukhang sila ang papalit sa pananakit nito.

Hindi ganito ang buhay namin sa dati naming mundo, nagaaral lang kami at nagtatrabaho. Ngunit dahil sa aksidenteng iyon ay napunta kami sa mundong to. Ang natatandaan ko lamang ay sumalpok ang isang malaking truck sa sasakyan namin ng kakambal ko.

Napatitig ako kay Asteria, mukhang malalim ang iniisip nito. Ang buhok namin ay kulay ginto, ang buhok namin ay natatangi lamang at ito'y nagpapahiwatig na kami ay isang maharlika. Pakulot ang buhok ni Asteria, samantalang sa akin ay hindi.

Ang mata namin ay kulay berde at iyon naman ay nakuha sa aming Ina.

❝Pano na tayo ngayon?❞ Ani ng kakambal ko at binagsak ang kanyang katawan sa kama.

❝Maglalayas tayo!❞

❝San naman tayo pupunta Nwil?❞ Napatawa naman ako dahil bulol parin siya.
Malamang ay naiinis ito sa dila niyang maliit.

❝Nwil...Nwil...Nwil! Aishhh!❞ 

❝Marunong kaya ako gumawa ng pera, kaya nga lumago yong panaderya natin non diba?❞ Ani ko, pinaguusapan namin yong nakaraang buhay namin sa dating mundo.

❝Hah?! Eh naginventowy kalang naman! Ako kaya ang dahilan kung bat dumami yong mamimili natin.❞

❝Sinasabi mo woi, diba naghanap tayo ng saleswoman na malaki yong hinaharap! Hindi ikaw ang nagbenta—❞

❝Ako kaya ang nagsuggest!❞

Hindi talaga ako mananalo sa kakambal ko, nagpagulong-gulong ito sa kama at tumingin sa akin.

❝Nagduwugo pawin ba yong sugat mo?❞ Pabulol niyang tanong, ang liit kase ng dila. Natural lang naman yan sa batang limang taong gulang diba?

❝Ayos na, ano ba kaseng ginawa mo?❞ Kanina kase kinaladkad ako nong kasambahay kaya nadapa ako, natabig kase ni Asteria yong kabaong. Kaya nahulog yong bangkay ni Ina, ako na lang sumalo ng parusa.

❝Gusto ko lang naman gumanti eh!❞ Tama nga ako, hindi lang yon basta natabig. Sabagay kung ako rin naman naisipan kong gawin yon... Pero pano kung multohin kami ng Ina? Ang tanda ko na naniniwala pa ako diyan.

❝Punta tayo sa bayan.❞ Ani ni Asteria, eh?

❝Seryoso kaba?❞ Tanong ko, paano kung makita kami don? Nakita kong may inalabas siyang  bonett at cloak.

❝San mo'yan nakuha?❞

❝Sa kabinet ni Mathilda,❞ Kinilabutan naman ako sa sinabi nito, gagamitin niya yong ginamit ng patay na?

❝Dali na, isa pa wala yong mga kasambahay. Si Nena lang,❞ pamimilit niya sakin, niyugyog niya pa ang damit ko.

❝Oo na!❞

❝Bakit kaya may ganito si Ina?❞ Tanong ko, bakit nga kaya?  Sinubukan niyang itali ang buhok niya pero hindi pa kaya ng mga kamay niyang abutin ang bawat hibla ng buhok.

❝HAHAHAHAHA.❞ Napadaing ako ng kinurot niya ako, she is frowning.

❝Taliin mo'yong buhok ko.❞ Utos nito sa akin, itinali ko naman ang buhok niya.

❝Hindi naman ayos eh!❞

❝Eh itatago mo lang naman yan eh!❞

She glare at me, kaya napilitan nalang akong ayusin ng paulit-ulit ang buhok niya. Hanggang sa makuha ko.

❝Ang laki naman ng mga cloak na'to!❞ Reklamo ko, eh ang laki naman talaga ng cloak!

Asteria grin and suddenly lift a scissor.

❝Taddaaaa! Akin nayang cloak Nwil.❞  Hinablot niya naman ang cloak at sinimulang gupitin, kaya nahati iyon sa dalawa. Isinuot niya sa akin ang bonett at cloak, ganon din ang ginawa ko sakanya.

Kaya naman, dahan-dahan kaming tumakas sa palasyo at tumakbo papunta sa gubat. Kabisado na namin ang daan patungo sa bayan, usually sumisilip kami. At ang may pakana non, si Asteria. Nakahakbang kami palabas ng gubat at bumungad sa amin ang mga kabahayan. Napahawak ako sa kamay ni Asteria, mahirap na. Napatingin ako sa mga batang naglalaro ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang yon, dahil maiinggit lang ako.

Nakarating kami sa bayan at bumungad sa amin ang sari-saring bilihan ng mga pagkain, muebles at iba pa. Kaso wala kaming pera makabili.

❝Eh bakit kaya napakaraming tao?❞ Tanong sa akin ni Asteria, napakarami ngang tao at ang iba sakanila ay nagsasaya. Napatingin kami sa nagkukumpolan at narinig namin ang mga tambol at mga instrumento na lumilikha ng magandang musika. Hinila ako ni Asteria at sumiksik sa mga nagkukumpulang tao. Bumungad sa amin ang napakagandang mga arko at disenyo nito. Mukhang may pagdidiwang.

❝All hail Severus Ruler!❞

Karaniwang naririnig namin sa mga tao habang nagpapalakpakan, nagsihulog din ang confetti.

❝Wowwwwww!❞ Nahila ko si Asteria dahil mukhang masyado itong nawili sa pinapanood at hindi nito napansin na muntik na siyang mabundol ng kabayong may sakay na kawal.

Napahinto ang kawal na iyon at tumingin sa amin, napahigpit ang hawak ko kay Asteria. Nabunutan naman ako ng tinik ng umalis ang mama na iyon, nakakatakot siya.

❝Magingat ka kase.❞ Saad ko kay Asteria, ngunit napakamot ito sa kanyang batok. Then I saw a glimpse of happiness on her eyes, kaya napangiti ako.

❝Hehehe, masyadong maganda ang parada eh.❞

༺═────────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon