Chapter 16

1.3K 64 10
                                    

══════◄••❀••►══════
 

                                Chapter 16

Asteria Lein Y Credieu

Napatakbo ako kay Neil ng mapatay niya ang halimaw na iyon, niyakap ko siya at umiyak. Natakot ako ng sobra! Paano kung namatay siya? Mag-iisa nalang ako?! Hindi ba't nangako kami sa isa't isa na hindi kami madadawit sa mga ganto, kinurot ko siya at hinampas ng paulit-ulit habang humahagulhol sa kanyang balikat. Kasabay noon ang pagbukas ng pinto ngunit hindi ko iyon pinansin at patuloy na niyakap ang kakambal ko. Tinignan ko ang katawan niya kung nasaktan siya, ngunit naglandas ang aking mata sa braso niyang namamaga. Nabubuang na talaga siya! Feeling cool kase! Pasikat siya, feeling niya siya si Superman para humarap sa ganon!

"Asteria..." Pagpapatahan niya sa akin, tumingin ako sakanya at kinuwelyuhan siya ngunit bago ko pa man siya masinghalan. Nakaramdam ako ng panghihina at dumodoble din siya sa paningin ko. Unti-unting bumagsak ang pilik-mata ko.

"Asteria!"

•••

Ibinuka ko ang mata ko at inilibot ang aking paningin, kumabog ng napakalakas ng puso ko ng makita ang paligid. Ito ang kwarto namin ni Neil sa Emerald Palace, kung saan nagdusa kami ng husto. Nanginig ang aking mga paa ng bumukas ang pinto at inilabas noon ang nanlilisik na mata ni Mathilda. Nakangisi ito at madilim ang aura sa kanyang paligid, may hawak itong latigo na karaniwan niyang ipinapampalo sa amin. Sinubukan kong sumigaw ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko. Mabilis itong lumapit sa akin.

Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa aking dibdib. Hinihingal ako at napatingin kay Neil na nag-aalala sa akin, niyakap ko siya at humikbi.

"Napanaginipan mo na naman?" Tumango ako, yakap-yakap siya. Hinaplos niya ang likod ko, kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Bakit hindi mo ako tinitigilan Mathilda. Natatakot ako ng sobra, lalo na ng makita ko si Nwil na saktan muli. Naalala ko ang pagsalo niya ng mga latigo para sa akin, sa nangyari kanina. Muntik na siyang mamatay, paano nalang ang kalayaang hinahangad namin? Kailangan ba talaga na ganito? Akala namin mayos na ang buhay namin, magiging tahimik na kami. Pero bakit parang hinahabol kami ng kapahamakan? 

Pinunasan ko ang aking mukha at tumingin sa paligid, napagtanto kong nasa infirmary kami. Muli akong napatingin kay Neil, nakangiti ito. Bihira lamang siyang ngumiti kaya nakakagaan sa pakiramdam. Mayroon din benda ang kanyang braso at kamay.

"Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Pagtatanong ni Neil kaya ngumiti ako bilang tugon.

"Ayos lamang ako, hindi ko alam pewo biglang may lumabas na kapangyawihan sa akin. Paano na Nwil?" May pag-aalala kong tanong. Paano na? Unang araw palang ay nalabag agad namin ang pangako sa isa't isa. Gayong mainit ang mata sa amin ng lahat, dahil walang normal na bata ang makakapagpalabas ng kanyang kapangyarihan unless you're a royalty or noble. 

"Hindi tayo papalabasin, they will bring us into Royal Academy for a research." Nanlaki ang mata ko, its my fault.

"Sowwy Nwil! K-Kasalanan ko ang lahat ng to! Kung hindi—"

"You're not, its my fault to get into trouble. You just saved me, don't blame yourself." Napalunok ako.

"Nwil, walang may gusto ng nagyawi. Sumunod lang tayo sa konsensya natin. Ang isipin natin ay kung paano natin to wewesolbahin."

"Wewe—Ano?" Nang-aasar ata to eh, alam na ngang  bulol ako eh. Bakit naman kase tong dilang to hindi magtino.

"Wewesolbahin." Saad ko ulit para maintindihan niya.

"An—Aray!" Hinampas ko siya braso dahil nang-aasar na naman siya. Seryoso nga ako ih! Tapos aasarin pa ako sa pagkabulol ko.

"Alam ko, ang seryoso mo kase."

"Hindi ba dapat tong sewyosohin?" Naiinis kong litanya, nagloloko pa siya ih. Akala mo naman maliit na problema tong pinasukan namin.

"Kasalanan mo'to eh! Tigas kase ng ulo mo." Ayan binawi ko din yung sinabi ko na walang may kasalanan, eh nakakainis siya eh!

"Fine, we will face them and go to the Royal Academy. We are clueless to our power we need to search for it. And I overheard them, ipagpapalit nila tayo sa isang kaalaman that I'm clueless with. Don't worry, if things get worst. I'll put my life para makatakas tayo."
Litanya niya habang nakatingin sa bintana, ngumiti na lamang ako. Napakasuwerte ko talaga sakanya, and I find him cool. Mahirap man sa dibdib kong aminin, pero mahal na mahal ko ang kakambal kong to.

I'm thankful that he's always protecting me even its cost of his life. Kahit madalas niya akong asarin, ayun yong naging lambingan namin para kahit papaano ay mapagaan ang mga bagay bagay. At ang cool niya kanina, iniligtas niya ang batang muntik ng kainin ng halimaw na iyon.

"And also that monster, she's not a monster," Nangunot ang noo ko, anong gusto niyang ipahiwatig.

" Someone form it by a slime, probably there's a black sorcerer here." Itim na salamangkero? Nabasa ko iyon sa libro, isa itong manggagawa ng mga masasamang nilalang. Nagpa-alipin sila sa mga hanabi, ang mga hanabi na iyon ay mga nilalang na matagal ng binabangga ang mga Credieu. Nagkaroon ng gyera sa pagitan ng Credieu at Hanabi noon, ayon sa history. Pero akala ko extinct na ang mga itim na salamangkero? Kase naglaho ito kasabay ng mga Hanabi.

"Paanong nangyawi iyon Nwil? Hindi ba't extinct na sila?" Tumingin siya ng seryoso sa akin.

"This school won't turn into peace if monsters are around. Hindi natin alam, na baka nakausap na natin ang itim na salamangkero. Hindi tayo mapapanatag dito Asteria, lalo't na at mainit na ang mga mata nito sa atin." Tama si Nwil, hindi kami makakampante dito. Kailangan namin mag-ingat sa mga nilalang na sinasabi ni Nwil, iyon na lamang ang tanging magagawa namin sa ngayon.

Ang protektahan ang sarili at panatilihin ang pagiging normal namin sa mundong to. Pero papaano? Ngayo'y nakagawa kami ng bagay para pag-initan kami ng mga masasamang nilalang na iyon. Hinihiling ko na lamang sa bathala, na bigyan kami ng lakas ng loob para sa mga paparating na mangyayari. Proprotektahan ko ang kapatid ko hanggang sa aking makakaya. Dahil katulad niya ay nais ko rin ibuwis ang aking buhay para sa kanya. Makakaya namin to, marami na kaming hinarap na pagsubok. Lalaban kami para sa kalayaan at kapayaan.

༺═────────────────────═༻

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now