Chapter 8

1.7K 82 0
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter 8

Asteria Lein Y Credieu

"Ang sasama talaga ng mga mukha ng mga bugowk na yon Nwil, pagnakita ko talaga sila ulit hindi lang suntok aabutin nila sa akin," Inis kong saad habang ginagamot ang sugat ni Neil sa mukha.

"Buti nalang at panget ka." pangiinis ko pa sakanya, eh totoo naman. Napatingin ito ng masama sa akin kaya diniin ko pa ang bulak sa sugat niya.

"Aray, dahan-dahanin mo lang kase!" Ang bata bata niya pa kase nakikipagbasa bungo na siya, buti nalang at nandoon ako. Paano siya kung wala ako don eh pinagtutulongan siya? Yan ang sunget niya kase kaya napagiinitan siya ng mga bugok sa kanto. Bumukas naman ang pinto at bumugad si Momma, galing itong bayan at may dalng batya na punong-puno ng mga pinamili niya. Ipinatong niya iyon sa mesa at napatingin sa amin. Napangiti naman ako ng mariin dahil sa kalagayan namin ni Neil. Ang rumi ng damit namin tapos may sugat pa si Neil sa pisngi.

"Hehehe, hello po Momma." Agad naman itong napalapit kay Neil at hinawakan ang magkabilng braso.

"Anong nangyari sa iyo Neil? Sinong gumawa niyan sayo? Jusko po." Magsasalita sana ako para magsumbong kaso inunahan ako ni Neil.

"Tumama lang po yong pisngi ko sa hagdan." Naningkit naman ang mata kong napatingin sakanya, sinungaling! Napakasinungaling talaga ni Neil! Hindi ba siya natatakot sa impyerno? Patong-patong na kaya yong kasinungalingan niya!

"Sinungaling ka Neil!"

Ani ko sa telepathy kaya napatingin naman ito ng bahagya sa akin habang inaaliw niya si Momma. Bahala siya diyan! Pumunta ako sa kusina at iniwan ila don, nauuhaw ako.Kumuha ako ng baso na may tubig at ininom ito. Bahagya pa akong napapasulyap kila Neil at Momma. Naubos ko ang tubig sa baso at umupo katabi kay Neil. Hindi talaga ako magaling magsinungaling eh! Nadadawit lang ako sa kasinungalngan ni Neil, kaya I have no choice. Kahit labag sa ganda ng lahi ko.

"Ikaw Lein? Wala naman nangyari sayo? Bat ang dumi-dumi niyo? San ba kayo nanggaling?" Bakas talaga sa mukha ni Momma na sobrang nagaalala siya. Hihihihi!

"Galing po kaming gatasan Momma, tas nag-unahan po kami pauwi kaya nadisgwasha si Nwil sa hagdan. Lampa po kase siya." Pilit kong pagsisinungaling with natural face. Kailangan talaga with natural face noh! Ganon pagnagsisinungaling ka tapos dapat nakatitig ka sa mga mata ng pinagsisinunaligan mo para hindi ka mahalata. Tsaka dapat kalmado lang yong shoulders mo kase pagmedyo di ka komportableng tignan mahahalata ka. Diba napaka good influence ng librong to.

"Mas sinungaling kapa sakin Asteria."

Ani ni Neil sa isip ko.

"Pinagtatakpan lang kita noh!"

Napangisi naman to ng palihim na parang nang-aasar ngunit agad na naging ngiwi dahil sa paggamot sakanya ni Momma. Sinermoman kami nito na mag-ingat sa susunod ng hindi kami masaktan. Naligo muna kami ni Neil bago niya tinapalan ng bond-aid ang mukha ni Neil tsaka siya nagluto ng tanghalian namin. Lumipas ang oras at magtatanghalian na, base sa nilulto ni Momma kanina mukhang pritong manok iyon at creamy cabbage chicken soup.

Nagutom naman ako ng ma-amoy iyon, kinarga naman ako ni Momma at pina-upo sa katabing upuan niya. Kumislap ang mata ko, ngunit bago kumain ay nagdasal muna kami. Napaka-normal ng ganitong buhay, sana maging gantonalang talaga kami habang buhay.

"Neil, Lein, napag-alaman kong-" Sumeryoso naman ang paligid dahil sa sinabi ni Momma. Anong napag-alaman niya? Napatingin ako kay Neil, paano kung... Paano kung alam niya na kung sino ba talaga kami? Paano kung sinumbong niya kami Neil? Hindi naman magagawa yun ni Momma diba? Hindi naman Momma diba? Napasulyap ako sa seryoso nitong tingin sa amin.

"Magkakaroon ng pagbubukas ng klase ang Royal Academy at bukas sila sa mga edad niyo." Napahinga naman ako ng maayos at napainom ng tubig. Kala ko kung ano na!

"Diba po ang paaralan nayon ay para sa may mga mahika lang?" Pagtatanong ni Neil. Tama si Neil, sa buong emperyo dalawa lang ang paaralan dito. Yong isa ay tinatawag na Severus United Institution. Kung saan lahat ng mga kagamitan ay libre, kung baga public school siya at exclusively para sa mga commoner. Pero pwede naman magenroll ang may mga kakayahan sa buhay don.

Samantalang yong Royal Academy naman, ay isang prestihiyosong paaralang karaniwang mga may kaya sa buhay at kung commoner kaman tanging makakapasok lamang don ang may abilidad at mahika. Mahirap makapasok don kung hindi ka magaling at pursigido. Doon din nagsisilabasan ang mga malalakas na mandirigma napina-iigting ng Severus Empire pati narin ang mga healer at sorcerer. Kung makakapsok kami don maari kaming may malaman tungkol sa mga Credieu. Pero alam kong hindi naman mapapayagan ni Neil na makapasok kami don, mas lalo lang liliit ang mundo para sa amin.

"Tama ka Neil, pero ayaw niyo bang pumasok don? Bibihira lamang silang magbukas para sa mga edad niyo." Napailing naman si Neil na ibig sabihin ay ayaw nito. Sabi ko na eh! Gusto ko man pero ayaw ko rin kase natatakot ko sa mga posibilidad na mangyari sa paaralan na iyon. At isa pa wala kaming alam kung may mahika kami o abilidad.

"Delikado po kung papasok kami don, mas makakabuti po siguro sa amin kung sa S.U.I. nalang kami ni Asteria." Anang ni Neil, tama naman si Neil delikado kami sa prestihiyosong paaralan na iyon. Karaniwan kase sabi sa libro, taong-taong may nagaganap na event don kung saan lahat ng mga hari pati ang imperial family ay dadalo. Yon ang nabasa ko sa mga history na libro. At isa pa iniiwasan namin ni Neil ang kahit na anong ugnayan sa Imperial family.

"Nabalitaan ko na magbubukas na din ang S.U.I. sa susunod na linggo." Sabi pa ni Momma.

"Hindi po ba't doowming ang SUI ?" Aniya ko at tsaka uminom ng tubig.

"Oo nga, tsaka malayo ang S.U.I. nasa sentro iyon ng Emperyo." Natapos naman kumain si Momma habang si Neil ay umiinom na ng tubig.

"Hindi nalang po kami mag-aawal, dito nalang po kami sainyo." Saad ko at malungkot na napatingin sa kutsara.

━─━────────༺༻────────━─━

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now