Chapter 5

1.9K 98 0
                                    

══════◄••❀••►══════
Chapter  5

Allistair Neil  Y  Credieu

❝Wow! Maraming salamat po talaga Binibining Veronica, napakakomportable ko sa kasuotang ito.❞ Ngiti kong saad, kakaligo ko lamang at suot ko ang isang puting t-shirt na gawa sa bulak. May disenyo ito at ang tahi ay napakaganda, kasyang-kasya iyon sa akin. Ang pangibaba ay terno lamang sa puting pangitaas dahil puti din iyon. Abot ito sa aking tuhod.

❝Binibining Nica nalang,❞ ngumiti ito at sinuklayan ang buhok ko. ❝Marami pa akong damit na ibinili sainyo.❞ dagdag niya pa.

Napatitig ako dito habang siya ay abala sa pagsuklay sa aking buhok. Sinusubukan kong basahin ang galaw niya gamit ang kanyang mata, hindi pwedeng makampante kami dito.

❝Naranasan ko na rin na maabandona ng sariling magulang. Magutom at magisa na namumuhay, sa sobrang kagutuman ay nadala ako sa bingit ng kamatayan. Hanggang sa nakilala ko ang nagpamana ng lupain na ito. Siya si Kontesa Winslet Rouch, inampon niya ako at inalagaan. Kaya ibinabalik ko lang kung ano ang itinulong niya sa akin,❞ Napatingin ako kay Asteria na abala sa pagbasa ng libro ngunit agad din natigil at nakinig kay Binibining Nica.  

❝Inangkin niya ako bilang anak at nagiisa niyang tagapagmana. Kaya inangkin ko din ang apilyido niya, sa edad na katulad niyo ay nagkaroon ako ng napakabait na magulang. She save me from the brink of death, starvation and loneliness. Kaya nong nakita ko kayo, nakita ko ang sarili ko sainyo.❞ Naniningkit ang mata sa akin ni Asteria at tila ba sinasabi nitong, guilty siya sa pagsisinungaling namin.

❝Nasan na po siya ngayon?❞ Pagtatanong ni Asteria kaya naghintay ako sa isasagot ni Binibining Nica, ngunit dahil sa reaksyon niyang iyon ay nabasa ko na. Naningkit akong napatingin kay Asteria na ngayon ay mukhang question mark ang mukha.

❝Yumao siya nong nakaraang taon dahil sa sakit.❞

❝P-Pasensya na po Binibining Nica! Hindi ko po sinasadya!❞ Napakamot ako sa aking batok, napangiti si Binibining Nica at hinaplos ang buhok ni Asteria.

❝Minsan talaga napapatanong ako kung bata ba talaga kayo,❞ Napaubo ako dahil don. ❝Sige na, at tutungo ako sa kusina para maghanda ng hapunan.❞ Umalis ito at tumungo sa kusina, napahinga naman ako ng maayos. Inagaw ko ang librong binabasa ni Asteria kaya inis itong napatingin sa akin. Sumulyap ako sa binabasa niya at napagtantong isa itong History.

❝Hindi ka parin ba nagsasawa dito?❞ Pagtatanong ko, nabasa na namin iyan ng ilang beses.

❝Nagbabasakali lang naman ako, baka may mabanggit na pangalan tungkol sa mga kapatid natin!❞ Tinakpan ko ang bunganga niya dahil baka marinig siya ni Binibining Nica.

❝Wala kang mahahanap diyan, history nga diba? Ibig sabihin pagaaral sa nakaraan hindi sa kasalukuyan,❞ Nanguuyam kong tingin at tinanggal ang kamay ko sa bunganga niya, she pouted.

❝Bakit ba kailangan mo ng impormasyon sa kanila? Hindi ba't napagusapan na natin na hindi tayo maiinvolve sa kanila?❞ Lumukot ang lungkot sa mukha nito, kaya nagsalubong ang kilay ko. Bakit hindi paba ako sapat?

❝Alam ko naman yon, pewo ano kaya feeling na maging pwinsesa?❞ Napaiwas ako ng tingin.

❝Isusuka nila tayo Asteria.❞ We both look down dahil sa katotohanang iyon, iyon lagi ang sinasabi ng aming Ina. Na isusuka kami ng pamilya monarkiya, na mas gugustohin nilang mamatay na lamang kami kaysa makita kami. Dahil ang dugong Credieu ay sagrado, isang lahing pinagpala ng mga diyos. May kautusan sa batas na ang kabanalan ng Credieu ay mapapanatili, kung dugong maharlika ang bawat kasapi nito. Na dugong maharlika ang magsisilang sa sino mang Credieu.

Kaya ang aming paghinga sa mundong ito ay isang napakalaking kasalanan...

Pero hindi naman namin ginusto na maging bunga ng isang kasalanan. Kaya hindi ko sila hahayaan magdikta ng buhay namin! Hindi ko sila hahayaang saktan ang kakambal ko, dahil pareho lamang kaming biktima dito.

Napasandal si Asteria sa aking balikat, kaya napahinga ako ng malalim. Konektado kami at ramdam ko ang nararamdaman niya. Pinisil ko ang pisngi niya na ikinanguso niya.

❝Hindi natin pinangarap ang karangyaan Asteria.❞ Seryoso kong saad na nagpatango lamang sa kanya, palubog na ang araw. Lumalamig na ang paligid, kaya bumibigat ang ulo ni Asteria. Natural lamang siguro sa limang taong gulang na antukin?

Napagtanto kong tulog na si Asteria kaya inayos ko ang pagkakahiga nito. May nakita akong papel at pluma kaya nagsimula akong ilista ang mga recipe ng tinapay na natatandaan ko. Buti nalang may mapagkakaabalahan ako.

Makalipas ang ilang oras ay tuluyan ng dumilim sa labas, nakakarinig din ako ng munting pagkulob. Siguro ay uulan? Natapos na din ako sa paglilista ng mga recipe at may naaamoy akong niluluto. Ano kaya ang niluluto ni Lady Nica? Ang bango.

Naisangga ko bigla ang sarili kong katawan dahil muntik ng mahulog si Asteria sa pinagkakahigaan. Napakakulit naman nitong matulog!

❝T- Tama na...❞ Nangunot ang noo ko ng makita itong pinagpapawisan. Nanginginig din ang kamay niya at parang binabangungot siya. Niyugyog ko naman ito, mukhang pareho parin kaming nakakulong sa nakaraang iyon.

Nagising ito na hinihingal at agad yumakap sa akin. Nanginginig itong hinawakan ang magkabilang braso ko.

❝S-Si Mathilda, s-sasaktan niya t-tayo. K-kailangan m-magtago. M-magtago tayo Nwil!❞ Niyakap ko ito.

❝Wala na si Ina Asteria, magiging maayos na ang lahat.❞ Hinaplos ko ang likod nito, but me myself felt like collapsing because of the trauma. I drew a deep breath.

I am afraid to lose the possibility to hold Asteria tight, we're too young to suffer these things. To get drub, scold and drown to pain and the reality to get born and killed, I doubt our future. Embroiled by greedy people, they will look on us as a prey. And the reality always preserved the truth. I hope we can keep our wings spread to this temporary freedom. Cause a simple child can't bear this fate.

Huminga ng malalim si Asteria, nakayuko ito. Her eyes shranked to pin dots dripping sweats. Pareho naming alam may limitasyon ang mga nangyayari, to do a pretension in this countess little house. Kahit ano mang oras ay pwedeng pasukin ito ng mga kawal na iyon.

The prestige of Credieu's sacred bloodline might turn into ruin if our existence has been revealed.

━─━────────༺༻────────━─━

The Emperor's Twin (Book 1)Where stories live. Discover now