Chapter 4

355 36 181
                                    

"Anong sosootin niyo sa Paskuhan?"


Andito na kami sa condo ni Rachel para manood ng movie at magbonding na rin.


Usap usapan naman ngayon yung paskuhan na taon taon ginaganap sa UST. Syempre excited kami kasi halos lahat kaming magbabarkada ay first time maka-experience nun noh!


"Damit." Barumbadong sagot ni Kim.


"Bwiset hahaha. Hindi kita iinvite dyan eh!" Sabi ni Mackey kay Kim.


Kailangan raw kasi pag outsider ka ay may mag-invite sayong taga UST para makapuntang Paskuhan eh.


"Oh sige, maggogown kami." Kahit kailan talaga wala kang matinong sagot na makukuha kay Kim. Hays.


Inirapan naman siya ni Mackey, "Wala ka talagang kwentang kausap."


Natawa nalang si Kim sabay iling dahil success nanaman siya sa pangiinis sa isa naming kaibigan.


"Excited na ako pero may exam pa huhu." Malungkot na sabi ko.


Kaakibat kasi ng exam ay yung mga deadlines eh at wala pa ako sa kalahati! Pero ito ako ngayon, nagmomovie marathon kasama mga kaibigan ko.


"Ganun talaga. Hirap bago saya." Casual na sabi ni Ava sabay inom sa coke niya.


"Shhh. Bawal yang word dito, Nami!" Sabi ni Mackey saakin at sinubo saakin yung isang chichirya.


"Oo nga! Party party muna tayo girl oh, shot ka muna." Sabi ni Mia at sinubukan pa ako kung bibigay ako at iinumin yung alak na binibigay niya saakin.


"Loko hahaha." Sabi ko at umiling.


She pouted, "Sayang."


Tama nga naman, kailangan ko rin naman kasi ng kahit isang araw lang na rest noh! Limang araw na ata akong walang tulog sa kakagawa ng plates and reporting namin.


"Pupunta rin boyfriend mo Ava?" Tanong ni Edwin kay Ava.


Ava shrugged, "I don't know."


A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now