Chapter 15

196 14 51
                                    

"Ah! Aray!"


Napahiyaw naman ako nung naramdaman ko yung sakit nung binaon ni Kim yung karayom ng syringe sa may braso ko.


"Wag ka ngang OA! Dahan dahan na nga ako eh. Hirap kayang hanapin ugat mo!" Sabi ni Kim sabay pout at seryosong kinuhanan ako ng dugo dahil magkakaroon daw sila ng Return Demonstration at kailangan niya ng pagprapraktisan.


Napahinga nalang ako ng malalim at nagdasal ng taimtim. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito, basta ang alam ko pumunta lang ako dito para ikwento sakanya yung nangyari kagabi, hindi ko naman expect na pagprapraktisan niya pala ako.


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, Nami. What's wrong?" Sabi ni Rach na naging biktima rin practice ni Kim. 


"Oo nga. May ikwekwento ka diba? Ano yun?" Tanong ni Kim nung sa wakas ay tapos na niya ako kuhanan. 


"Wala, ikwekwento ko lang na hindi ko na kailangan magcommute kasi binigay na saakin ni papa yung kotse."


"Really? That's great! At least you don't have to worry about those rapist anymore." Masayang sabi ni Rachel at nakipagpalit na ng pwesto saakin kasi siya na yung susunod na paprapraktisan ni Kim. 


"Mabuti naman at may kotse ka na, hindi yung kanikanino ka sumasabay dahil natatakot ka lalo na pag madalim ka na nakakauwi." Tuloy tuloy na sabi ni Kim kaya agad siyang hinampas ni Rach, "Ah! What?"


"Do you really have to say that?" May pagkainis na sabi ni Rach.

"Ano naman masama doon? Ang ibig ko lang sabihin na baka nakakaistorbo mo na siya---" Hindi natapos ni Kim yung sasabihin niya nang bigla ulit siyang hampasin ni Rachel. 


"Isa, Xerina Kimberly, manahimik ka nalang dyan kung ayaw mong iturok ko 'yang syringe na hawak hawak mo na yan sayo!" Pagbabanta ni Rach kay Kim. 


Medyo napangisi naman ako habang pinapanood sila na mag-away hahaha no wonder na magpinsan nga sila, parehas may pagkabrutal. 


"Anyway, nagtataka lang ako kung sino yung nagsabi kay papa. Sinabi niyo ba sakanya? Sabi nila Mackey kasi hindi raw sila eh." Pagtutuloy ko sa kwento at para hindi na rin sila magbangayan. 


Parehas naman silang umiling, "Hindi eh." Kung hindi yung mga kaibigan ko, edi sino?


"Baka si Gino? Diba, siya yung nagligtas sayo? Baka siya yung nagsabi." Sabi ni Rachel.


Baka nga, kasi ilang beses na rin pumunta si Gino saamin eh, baka nabanggit niya kay papa.


"Pero bakit naman niya yun sasabihin kay papa?" Tanong ko sa sarili ko. 


"Kasi nag-aalala siya sayo. Obviously, may gusto siya sayo. Ah! Kim!" Napahiyaw si Rachel nung napasok na yung karayom, medyo mabigat din kasi yung kamay ni Kim eh, baguhan palang kasi. 


"Sorry!" Sabi ni Kim at dahan dahang kumuha ng dugo, "Pero Naomi, umamin na ba sayo si Gino? I mean, ayan nanaman kasi yung term na 'obvious' tapos biglang hindi pala."

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now