Chapter 35

98 3 0
                                    

"Tara, maglakad lakad tayo."


Umagang umaga nag-aya si Kim na maglakad lakad raw kami sa may dalampasigan pero bago yun nag-order muna kami ng kape sa restaurant dito sa resort para ma-sober siya. At dahil andito na rin lang naman kami at gutom na itong kasama ko kaya nagbreakfast na kami.


Para ngang hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi ni Gino. May meaning eh, naramdaman ko yung pain kahit wala akong alam o maalala tungkol sa sinabi niya, kung saakin nga talaga niya yun sinasabi.


Pero sabi nila, nagiging honest daw ang tao pag lasing eh.


So ibigsabihin, malaki ang pursyento na saakin niya talaga yun gustong sabihin? Kung ganun, edi magkakilala nga talaga kami sa past? Hindi lang basta kilala kundi mukhang mag-jowa pa, ganun?


"Natulog ka ba? Dinaig mo pa yung zombie sa itsura mo," sabi ni Kim habang kumakain ng breakfast niya.


Napahilamos ako nang mukha at sinuklay yung buhok ko patalikod.


"Something's bothering me."


"Ano yun?" Tanong niya.


Tinignan ko muna siya at inisip kung sasabihin ko ba sakanya pero napagdesisyon kong wag muna baka sabihin nito nababaliw na talaga ako dahil dito sa bwiset na nawawalang memories ko.


"Yung hilik mo," natatawang sabi ko, "Yung totoo? Sinasapian ka ba ng gorilla pag natutulog?"


"Hoy! Grabe ka, hindi kaya ako ganun kalakas humilik!" Tanggi niya.


"Okay," pabiro akong umirap sabay subo nung pagkain ko. "Tunog biik lang hahaha."


"Sige, tumawa ka pa. Parang ikaw hindi ka nagiging bulate pag natutulog ah. Ine-explore yung buong kama hahahaha," ganti niya saakin tsaka tumawa ng malakas.


Nag-make face nalang ako sakanya at tumawa rin. Tinapos na namin yung kinakain namin tsaka lumabas na ng restaurant pero pagkalabas na pagkalabas namin ng restaurant ay biglang may nabangga ako.


"Sorry, sorry," agad naman akong humingi nang tawad pero napatigil nung nakita ko kung sino yun.


Ngumiti si Gino nang konti saamin, "Good morning."


"Good morning din," bati ko sakanya at saglit kami nagkatitigan bago siya mag-excuse at nilagpasan kami, "Uhm, Gino. Pwede ba tayo mag-usap?"


Parang nagdalawang isip pa siya bago tumango, "Sure."


"Wait lang ah," paalam ko kay Kim bago pumunta sa isang gilid kasama si Gino. Huminga muna ako nang malalim bago humarap sakanya, "Yung nangyari kagabi--"


"I'm sorry na nasabi ko lahat ng yun. Wag mo na masyadong isipin yun. I'm just drunk," seryosong sabi niya.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora