Chapter 33

83 2 0
                                    

"Thomas, pwede ba kitang makausap muna?"


Si Thomas lang yung tinawag ko pero lahat ng kaibigan namin ay napatingin na para bang may something sa sinabi ko.


Tumango naman si Thomas at pinauna na namin yung mga kaibigan namin na umakyat habang kami ay nagpaiwan lang dito sa lobby ng resort. 


Tanging kaming dalawa lang at yung receptionist yung andito sa lobby. Naglakad na kami papunta sa mahabang upuan na medyo malayo dun sa receptionist.


"What do you want to talk about?" Tanong niya tsaka umupo sa tabi ko. 


Kinagat ko yung ibabang parte ng labi ko habang iniisip ko kung paano ko ba yun itatanong. Ngayon palang nga nahihiya na ako, yung tipong hindi pa ako makatingin sakanya ng deretso. 


"Narinig ko kasi yung pinag-usapan niyo kanina nila Kenzo at Edwin sa C.R." Panimula ko at umayos nang upo tsaka sinubukang tignan siya habang siya ay hinihintay lang yung susunod kong sasabihin, "G-gusto mo ba talaga ako?"


Ilang segundo siyang hindi sumagot kaya para akong napahiya dun, baka mamaya nagkamali ako nang dinig o intindi sa pinag-uusapan nila. Bwiset, Naomi. Hindi mo na dapat tinanong. 


"Yeah." Tumingala ulit ako at tinignan siya nung bigla siyang nagsalita. Ngumiti siya saakin at umiwas nang tingin, "Matagal na. It's deeper than like, actually."


Deeper than like? Ibigsabihin, mahal na niya ako?


Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil parang may feelings na rin ako sakanya. Akala ko nga dati boyfriend ko siya dahil lagi siya andyan para saakin at sobra niya ako kung alagaan. 


"Then, bakit hindi mo pa ako nililigawan?" 


Natawa siya sa tanong ko sabay tingin ulit saakin. "Isn't obvious that I'm courting you even if I'm in LA?"


Napayuko naman ako dun dahil sa kahihiyan. Oo nga naman. Kung hindi yun panliligaw, anong tawag dun, Naomi? Tss.


"Hehe. Tagal mo nang naghihintay, sorry."


"Don't be. I'm willing to wait and I won't force you, lalo na at may hindi ka pa naalala," sabi niya na ikinapagtaka ko. 


"Ano naman yun?" Bakit feeling ko yung alalaang yun ay napakalaking parte saakin? Pero bakit hindi ko yun maalala?


He forced a smile, "Inaantok na ako." Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad paalis. 


"Huy, Thomas!" Tawag ko sakanya at hinabol siya papunta sa elevator tsaka doon siya kinulit, "Ano ba kasi yun? Huy, Thomas naman. Akala ko ba tutulungan mo akong maalala lahat? Sabihin mo na saakin oh. Please? Magtatampo ako sayo. Thomas!"


"Goodnight, Naomi." Isasara na sana niya yung pinto ng kwarto nilang mga lalaki ng iharang ko yung kamay ko dun. 

A Hidden Gem (Fate Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon