Chapter 37

69 3 0
                                    

"Bakit ka nagpapasalamat dyan? Siya nga yung dahilan kung bakit naaksidente nanaman yung anak natin eh."


Nagising ako nang may marinig na isang pamilyar na boses. Si papa yun ah?


Unti unti kong binuksan yung mga mata ko at dahil wala akong glasses at kakagising ko lang ay blurd yung nakikita ko pero sigurado akong may mga taong andito habang nakahiga ako sa kama.


"Nick naman, hindi naman niya kasalanan na nalunod si Naomi eh. Siya pa nga nagligtas sa anak mo," dinig kong sabi ni mama kay papa.


Teka, bakit andito sila mama at papa? At sino yung lalaking kausap nila?


Pilit kong minukahaan yung isang lalaking kasama pa namin dito. Matangkad yung lalaki at naka-all black na damit tapos yung figure niya ay parang katulad nung kay Gino.


"Kahit na! Tuwing andyan siya laging nalalagay sa piligro buhay ng anak natin. Kailan mo ba tatantanan yung anak namin ah? Hindi pa ba sapat yung nangyari nung nakaraan at gusto mong tuluyan siyang mamatay, ah?!" Sigaw ni papa.


Anong sinasabi ni papa? Sinisi ba niya si Gino sa nangyaring accidente 2 years ago at ngayon? Pero wala siyang kinalaman dun!


"Ate?" Binaling ko yung tingin ko kay Emily na nasa isang tabi lang. "Ate, gising ka na!"


Tatlo sakanila ang agad na lumapit saakin, sa tingin ko yung pamilya ko yun at si Gino ay tumawag na ng doctor.


"Kamusta ka, 'nak? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang," nag-aalalang sabi ni papa habang mahigpit na hinahawakan yung kamay ko.


"P-pakikuha po nung salamin ko." Masakit yung lalamunan ko kaya medyo malat boses ko dahil ata marami akong nainom na tubig nung nalunod ako.


Inabot na saakin ni Emily yung eyeglass ko at pinainom na rin nila ako ng tubig. Luminaw ang kapaligiran at nakita kong parang nasa isang clinic ako.


"Anong nangyari?" Nalilitong tanong ko dahil hindi naman siguro ganun kalala yung magkalunod ko para dalhin nila ako sa isang clinic.


"Nalunod ka raw kanina at pagkatapos mo raw i-CPR, bigla ka nalang daw ulit nahimatay kaya agad ka nila dinala dito sa clinic ng resort at agad din kami pinatawag," kwento ni Emily.


"Kamusta ka na, 'nak? Okay na ba yung pakiramdam mo?" Tanong ni papa habang hinahagod yung buhok ko.


Hindi ko siya sinagot at bumaba yung tingin sa kamay ko.


Hindi ako okay dahil pakiramdam ko hanggang ngayon ay nalulunod pa rin ako. Nalulunod sa mga alala ng nakaraan na bigla nalang nagpakita nung tinawag lang ni Gino yung pangalan ko. Pakiramdam ko pagod ako at kailangan ko pa ng pahinga kahit na kakagising ko lang. Pagod yung utak ko sa mg impormasyon at alalang biglang nagpakita at pagod din yung puso ko sa mga emosyon.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now