Chapter 12

222 18 81
                                    

"Hindi ko alam kung ano yung mas nakakagago eh. Yung pagbalik ni Thomas o yung pagreveal ng dating pag-iibigan nila Gino at Ava."


Nandito na kami ni Kim ngayon sa loob ng kotse ni Edwin dahil nakakasuffocate na sa loob ng mansyon nila Mackey. 


Tahimik lang ako habang si Kim yung nagtatatalak sa nangyayari. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naproprocess yung nangyayari. 


Si Ava and Gino? Their each other's first love? Kung ganun, may something na kaya sila ngayon? Kung wala, bakit sila nagyayakapan kanina? Bakit nag-Iloveyou si Ava kay Gino? Kung meron, bakit sinabi ni Gino saakin na wala na siyang nararamadaman sakanya? Bakit ganun nalang yung pakikitungo saakin ni Gino na para bang may something? O ako nanaman yung nagbigay ng meaning sa lahat pero para sakanya wala lang yun? Baka ginamit lang niya ako para mapalapit ulit siya kay Ava? Nevertheless, ang ending, umaasa nanaman ako. Hindi na ako natuto ah. 


At bakit andito si Thomas? Simula nung umalis siya papuntang ibang bansa ay wala na talaga kaming communication sa isa't isa. Oo, may social media na nung time na yun pero sadyang hindi na siya nagparamdam pagkaalis niya eh. Naalala ko tuloy yung panahon na nagkaroon na ako ng courage para sabihin sakanya na gusto ko siya, yun din yung time na parang inannounce ni Cheska sa buong school na sila na. 


Sa sobrang dami kong iniisip parang gusto ko nalang matulog at wag ng magising. 


"Ahh! Kim!" Sigaw ko sabay takip sa ilong ko nung bigla nalang itong pinisil ni Kim para magising ako.


"Gusto ko lang sabihin na pwede ka ng matulog at uuwi na tayo hahaha." Seryoso ba siya na kaya niya ako ginising para lang sabihin na matulog na ako?


"Sa tingin mo ba hindi pa ako natutulog?" Inis na sabi ko. 


"Wala, gusto ko lang sabihin hahaha." Natatawang sabi ni Kim at nagsimula nang mag-drive paalis. 


"Eh paano pala yung barkada?" Nag-aalalang tanong ko dahil baka magalit sila saamin na iniwan namin sila doon samantalang sabay sabay kaming pumunta dito. 


"Sasabay nalang daw sila kay Mackey since ihahatid naman daw si Mackey pauwi ng Manila bukas." 


Tumango-tango nalang ako tsaka sumandal ulit para pumikit. 


"Just so you know, I'm on your side if things get bad between you and Ava." Narinig kong sabi ni Kim.


"No one should pick sides, Kim." Dumilat ako at tinignan siya, "Magkakaibigan tayo. Kung kailangan ko mag-adjust para kila Ava at Gino, sige lang. Basta wag lang masira yung barkada natin. Tsaka wala naman talaga kaming something ni Gino eh."


Pagkatapos nun tuluyan na akong nakatulog hanggang sa makauwi na ako sa bahay. Kinabukasan ay hindi na sana ako papasok dahil wala talaga akong gana pero naalala ko may contest pa pala ako ngayon, may sinalihan kasi akong poster making contest, buti nalang nakapagpractice na ako bago kami pumuntang La Union kagabi.


"Sorry na, Nami."


Niyakap ako nang patagilid ni Mackey habang naglalakad kami palabas ng Beato dahil lunch na namin at siya ang kasabay ko ngayon.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now