Chapter 18

235 12 42
                                    

Eugenio Dela Vega Jr. POV.


"Asan na ba yung belt ko?! Pucha, manahimik ka dyan!"


Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakadapa sa sofa dahil maya maya lang ay hahampasin na ako ni papa ng belt niya dahil nabasag ko yung isang mamahaling vase dito sa bahay.


"Ah! Papa! Tama na po!" Pagmamakaawa ko pero patuloy pa rin siya sa paghampas.


"Ramon!" Narinig kong sigaw ni mama at agad lumapit saakin para patayuin ako, "Bakit mo naman sinasaktan anak natin?! Anak, okay ka lang? Go to your room, kami na ng papa mo mag-uusap, okay?"


Sinamahan naman ako ng yaya ko na si Yaya Neri at ng dalawa kong kaibigan, si Ava at Mackey, papunta sa kwarto ko.


"Dinidisplina ko lang anak ko, Maria!" Sigaw ni papa sakanya.


"Pagdidisplina ba tawag doon? Ramon, apat na taon palang yung anak natin!"


Bago pa man kami tuluyang makapasok sa kwarto ko ay naririnig ko na yung mga pagsigaw ni mama.


Gusto ko man bumalik sa study room ni papa para tulungan si mama pero pinigilan ako ni Yaya Neri at pinapasok muna kaming tatlo sa kwarto.


"Wag ka na sad, Gino. Hindi naman ikaw yung may kasalanan eh. It's all an accident." Tinabihan ako ni Ava at pinunasan yung mga luha ko gamit yung dalawa niyang daliri. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at nagulat ako nung bigla niya akong hinalikan sa pisngi, "Ayan, para hindi na masakit."


She's pertaining to the bruise I got from my father's punch earlier. I gave her a small smile and hugged her, she hugged me back and Mackey also joined the hug.


I'm really lucky to have them in my life. May mga kaibigan naman akong lalaki pero iba sila, para na kaming magkakapatid dahil simula pagkasilang ay magkakasama na kaming tatlo at kahit pa nag-aral na si Ava sa Manila noong elementary ay halos araw araw naman kaming nagtatawagan sa telephone.


One day when I was about to go the telephone, I heard my mom is playing again the piano in our living room. Sinilip ko muna siya at pinanood nanaman ang isa sa mga performance niya. She's singing one of her favorite piece, 'River flows in you'. Maganda ang boses ni mama, hindi nga ata ako magsasawang pakinggan iyon eh. Ang alam ko nga dati siyang singer, hindi ko lang alam kung bakit hindi natuloy.


Napatingin ako sa braso niya at nakitang may pasa nanaman siya, baka galing nanaman iyon kay papa. Pag nag-aaway kasi sila ni papa, paminsan nasasaktan na ni papa si mama eh. Pero isang sorry lang ni papa ay bati na agad sila ni mama, hays.


Huminto siya sa pagtutog nung napansing nakatingin na ako sakanya sabay ngiti.


"Halika dito, anak. Turuan kita."


Tinignan ko si mama na hinihintay akong lumapit at yung telepono. Bonding talaga namin ni mama ang pagkanta at pagpiapiano kaso...

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now