Chapter 5

330 35 132
                                    

"Lahat naman na tayo ay legal na noh?"


Kasama ko nanaman ang barkada ngayon, and guess what? Tapos na namin first year college namin! Yayy!


Mahirap kasi maraming adjustments and mas mataas na rin expectations kasi nga college na tapos hindi pa namin kasama yung mga taong nakasanayan namin pero para saakin ay masaya siya. Kasi sa wakas kinampihan na rin ako nang tadhana na maging okay yung simula ng college life ko. Simple lang pero masaya. Nafeel ko talaga ang pagiging normal student ko na hindi binubully. 


Ngayon ay nasa kalagitnaan na ng summer at nakatambay lang muna kaming mga babae dito sa condo ni Rach.


"Hindi nga ako informed na tayo na pala eh." Sagot ni Mia kay Rachel.


"Hahaha takte. Ibang legal ata yang sinasabi mo, Mia." Natatawang sabi ko kay Mia sabay hampas sakanya nung unan.


"Kung tinatanong mo kung lahat na tayo ay legal, hindi pa kasi may naligaw na isa dito." Sabi ni Ava sabay pasimpleng tinuro si Mackey gamit ang mga mata.


"Hoy! Nakita ko yun! Legal na kaya ako!" Mackey pouted.


"Ngek. Hindi pa kaya graduate yang utak mo. Isip bata." Pangaasar ni Kim sabay belat.


Susugurin na sana siya ni Mackey pero dahil nasa gitna nila ako, syempre agad kong pinigilan si Mackey noh. Eh itong si Kim, wala pa rin hinto sa pang-aasar.


"Pag naabot talaga kitang babaita ka, wala ka ng buhok!" Sigaw ni Mackey habang pilit pa ring kumakawala saakin.


"Tulungan niyo kaya ako?!" Suggest ko kila Ava at Mia na nakatingin lang saamin ngayon.


Suggest lang naman, amp.


"No, we're good." Sabi ni Ava sabay kain nung pizza niya at tumingin na sa T.V. para mamili ng movie.


"Mas nakakaenjoy panoorin kayo kesa awatin noh." Sabi ni Mia at humalumbaba pang tumingin saamin. 


"Nge nge, isip bata-- Pota!" Sigaw ni Kim nung biglang hinila ni Rachel yung buhok niya at pinausog para makaupo si Rachel sa pagitan naming dalawa.


"God dammit, Kim! Grow up! Parehas lang kayong isip bata!" May pagkainis na sabi ni Rachel habang hawak hawak pa rin yung buhok ng pinsan niya.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now