Prologue

600 44 203
                                    

"Naomi!"


Napalingon naman ako sa tumawag saakin at napangiti kaagad nung nakita si papa na naghihintay sa gate ngayon. 


"Papa!" masiglang tawag ko sakanya tsaka niya ako binuhat pagkalapit ko nang tuluyan. 


"Kamusta ang school ng prinsesa ko ah?" bigla naman niyan piningot yung ilong ko.


"Hahaha papa!" sabi ko sabay layo nung kamay niya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi at dahil doon kaya ako nakiliti.


Bago umuwi ay dumaan muna kami sa isang convience store para bumili ng ice cream, lagi naman ganito pag si papa yung sumusundo saakin eh, laging may ice cream haha. Binilhan ko na rin yung kapatid ko para naman hindi iyon magtampo.


"Taya!"


Nakita kong naglalaro nang habulan yung mga kaklase ko habang hinihintay ko dito sa playground yung papa ko na sunduin ako.


Naglakas loob naman akong lumapit sakanila, "Pwede bang sumali?"


"Hindi ka naman namin kaibigan eh!" Sabi kaagad ni Kim na kinalungkot ko naman.


Wala naman kasing gustong makipagkaibigan saakin.


"Edi kaibiganin natin." Narinig kong sabi ni Rachel, pinsan ni Kim, sabay ngiti saakin, "Ikaw taya ah!"


Napangiti naman ako doon na medyo nahihiya. Tumakbo naman sila kaagad at hinabol ko na sila. Mukhang no choice naman yung iba kundi sumunod kay Rachel at nagpatuloy na maglaro kasama ako.


"Taya!"


Nadapa naman ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakataya saakin nung isa naming kaklase.


Nakita kong may sugat yung tuhod ko. Ouch, huhu. Pagsasabihan nanaman ako ni mama nyan. 


"Jason, anong ginawa mo?! Okay ka ba lang, Naomi?" Tanong ni Rachel at tinulungan na akong tumayo.


"Eh alam niyo naman palang lampa siya, bakit hindi pa kayo nag-ingat?!" Pasigaw na sabi ni Kim sakanila.


"Malay ko bang lampa rin pala yung mga panget." Sabi pa ni Jason at nagulat nalang lahat kami nang bigla siyang tinulak ni Kim kaya napa-upo siya sa sahig.


"Oh, ano? Sinong lampa ngayon?!" Maangas na sabi ni Kim.


Galit na tumayo si Jason at gaganti na sana kay Kim nang biglang may dumaan na teacher sa corridor.


"WAHHH! HUHUHUHU Miss Kim! Si Jason po, inaaway ako!" Sigaw ni Kim at nagkunyaring umiiyak.


"Jason! Anong ginawa mo? Ang laki laki mo, pumapatol ka sa maliit na babae?! Okay lang ba kayo?" Medyo pagalit na suway ni Miss Kim sakanya tsaka nilayo na si Jason saamin. Nakita ko pang nagbelat si Kim kay Jason bago sila umalis nang tuluyan. 

A Hidden Gem (Fate Series#3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora