Chapter 22

122 7 13
                                    

"Anong plano mo sa talent portion?"


Nag-isip naman ako sa tanong ni Tyne. Ano nga bang pwede? Kailangan ko na palang maghanda, sa February na yung competition ng Mr. and Ms. Thomasian, eh December na ngayon.


"Hindi ko pa alam eh." I pouted.


"Sumayaw ka nalang, Naomi. Yung parang ganito." Sumayaw naman ng malaswa si Kate.


"Putangina, umalis ka nga dito hahahaha." Nandidiring sabi ni Tyne.


Natawa naman ako sakanilang dalawa, napatigil lang kami nang biglang lumapit saamin si Gabby.


"May naghahanap sayo." Sabi ni Gabby sabay turo doon pinto at umalis na siya kaagad. Medyo nalungkot naman ako dahil akala ko makikipagkwentuhan na ulit siya saamin.


Tumayo na ako at lumabas na. Nakita ko naman na naghihintay sa labas ang isang lalaking nakauniform din na pang-interior design, hindi ganun katangkaran pero mas matangkad saakin, hindi rin ganun kabulky yung katawan pero maganda naman, napakalinis niyang tignan, presentableng presentable.


"So you're Naomi Madriaga?" He smiled and led his hand for a shakehand, "Finally, we've met. I'm Clark Nobleza, you're partner in the up coming Mister and Miss Thomasian."


Ohh, so siya pala yung sinasabi nilang  gwapong representative na kasama sa UST central student council or csc. I think, 3rd year na siya pero mukhang mas bata pa nga siya saakin eh.


Ngumiti naman ako sakanya tsaka nakipagkamay, "Nice to meet you."


"May meeting mamaya para sa magaganap na event. Makakapunta ka naman noh?"


"Oo naman."


"Great. Sabay na tayo." Sabi niya at tumango nalang ako dahil wala naman sigurong masama doon, kami yung representative ng department eh so natural lang na magkasama kaming pumunta doon, "I'll see you later."


"Sige." Tipid akong ngumiti sakanya tsaka pumasok na sa loob ng classroom.


"Lucky," bungad ni Tyne saakin sabay pout, "Pahiram na nga muna nyang mukha mo, Naomi. Baka may lumapit din saaking pogi."


Natawa naman ako sa pinagsasabi nitong babaeng ito, "Baliw hahaha. Sinabihan lang niya ako na may meeting mamaya at sabay na kami."


Gaya ng napag-usapan, sabay nga kaming pumunta ni Kuya Clark sa meeting pagkatapos ng lahat ng klase namin ngayong araw. Wala naman masyadong pinag-usapan parang orientation lang kung para saan yung event, anong gagawin namin, at yung scheduled practices namin.


Mas lalo naman akong kinabahan nung nakita ko yung mga sasali. Grabe, pangmalakasan talaga. Ang gaganda at ang gwagwapo nila.


Since mga 5 nagstart at late pa yung coordinator ay late na rin natapos yung meeting. Nagtext na ako kila papa na ngayon lang natapos yung meeting baka kasi mag-alala nanaman eh. Magtetext na rin sana ako kay Gino kaso bigla may kumalabit saakin.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now