Chapter 30

99 4 0
                                    

"Sasama ako sayo."


Pagkatapos nung phone call na yun ay agad agad din siyang nagempake para umalis, sumunod na rin ako sakanya kahit hindi ko alam yung nangyayari at kahit ayaw niya. Gusto pa nga niyang siya mismo yung magdrive pabalik eh kaso hindi ako pumayag, gusto niya bang magpakamatay? Tss, wala siya sa kondisyon tapos magdadrive siya. Buti nalang pumayag yung driver ni Rachel na ipagdrive kami pabalik.


Pagkarating namin sa hospital kung nasan na ngayon yung papa ni Gino ay dali-dali niyang hinanap kung nasan yung papa niya. Pagkakita namin sa kwarto ng papa niya ay maraming taong nakauniform yung andoon, mga body guards siguro at nakikita ko rin si Sir Charles na andoon, nakikipag-usap sa ibang body guards.


"Charles, anong nangyari?" Hingal na tanong ni Gino pagkalapit niya kay Sir Charles.


Napalingon si Sir Charles kay Gino at pinaalis muna niya yung mga kausap niya kanina bago humarap na talaga kay Gino, "May umatake sa office ni papa."


"What? Sinong umatake? Bakit nakalagpas yun sa security?" Sunod sunod na tanong ni Gino.


Hinayaan ko muna silang mag-usap na magkapatid at napasilip sa kwarto nung papa nila. Kitang kita ko mula dito ang isang walang malay na lalaki na nakahiga sa hospital bed, may machine at dextrose sa tabi niya na mukhang nakakonekta sakanya.


Bigla namang bumukas yung pinto at nagpakita ang isang babae na nasa mga 30's na siguro, "Hi, may I help you?" 


"Uh," Yumuko ako at nakita yung mga kamay niya na may mga pasa, "Dapat ata ako po yung nagtatanong niyan sainyo." 


Binaba niya naman agad yung sleeves ng jacket niya na para bang tinatago niya yun. Tinignan ko siya na may pag-aalala pero nginitian lang niya ako. 


"Ikaw ba yung girlfriend ni Gino? Hi, ako nga pala si Livionne but you can call me Liv, ako yung asawa ni Charles," pagpapakilala niya saakin. 


Nginitian ko naman siya, "Nice to meet you po, ako nga pala si Naomi." 


Just then, bumukas nanaman yung pinto ng room at lumabas na mula doon si Tita Helen.


"Oh," medyo gulat siya nung nakita ako pero agad ngumiti pero kitang kita pa rin na namumugto yung mga mata niya na parang kakagaling lang sa iyak, "Naomi, Gino. You're both here."


"Hello po, Tita Helen." Sabi ko at magmamano na sana pero bigla nalang niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik dahil parang yun yung kailangan niya ngayon.


Nagkwentuhan kami ng konti nina Tita Helen at Ate Liv. Mukhang okay naman si Ate Liv, matalino at mabait pero nag-aalala pa rin ako sa mga pasa niya sa katawan. Nung nagpaalam na sila naalis na sila ni Sir Charles ay parang iwas siya sa asawa niya at natatakot pero hindi ko naman pwedeng sabihin na inaabuso si Ate Liv ng kanyang asawa dahil baka mali ako.  


Pero sinabi ko pa rin yun kay Gino at sinabi niyang sasabihan niya raw si Sir Charles. Sana lang mali ako ng akala.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now