Chapter 20

151 8 30
                                    

"Mama! Tignan niyo po, tignan niyo po!"


Masayang bungad ko kay mama pagkapasok ko sa salon sabay pakita sakanya ng phone ko kung nasaan yung FB posts sa UST page na ako yung representative ng department namin para sa Mr. And Ms. Thomasian.


"Hindi mo ba ako nakikita, Naomi? Busy pa ako, mamaya nalang." Sabi ni mama hababg may pinaplantya na buhok.


"Eh, ma, tignan niyo lang po." Pagpupumilit ko, excited ako eh haha.


"Ano ba yan? Pangpayaman ba yan?" Biro pa ni mama.


"Mama!" Kulit ko pa sakanya.


"Sabihin mo nalang saakin, tsk." May pagkainis na sabi ni mama.


"Ako po yung naging representative ng department nmin para sa Mr. And Ms.  Thomasian! Wahhh!" Masayang sabi ko sakanya sabay may patalon pa.


Tumigil sa pagplaplantya si mama sabay harap saakin na parang hindi makapaniwala, "Talaga ba? Teka? Beauty pageant yun diba? Nakapasok ka?"


"Oo nga po haha." Sabi ko pa habang hindi mapigilang hindi mapangiti.


"May cash prize yan?" Tanong ni mama.


"Hmm, opo pag nanalo."


"Oh sige sige, ako na bahala sa mga sosootin mo basta dapat sure win yan ah!"


Hindi ko alam kung bakit ako tumango doon kahit na hindi ko sure kung mananalo ako dito. Ni hindi ko nga alam kung paano rumampa at magdala ng damit eh!


"Talaga 'nak?! Congrats! Manang mana talaga saakin 'tong anak ko oh." Sabi ni papa nung sinabi namin sakanya ni mama yung balita sabay yakap saakin ng mahigpit, "Panigurado ikaw na ang susunod na Ms. Universe."


Ito talagang si papa, ang taas ng pangarap para saakin, hindi ko mareach hahaha.


"Ang OA, Nick ah." Sabi ni mama tsaka nilagay yung mga gulay na pinamili namin sa dining table, "Ang sabihin mo, buti nalang hindi nahalata na nagparetoke siya."


"Grabe ka naman, ma. Ganda ganda kaya ng anak natin." Sabi ni papa tsaka tinignan pa yung itsura ko. Ngumiti ako sakanya habang nakayap pa rin kami sa isa't isa.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now