Chapter 11

221 20 76
                                    

"Pa, pwede po pasama po sa Recto? Bibili lang po ako ng libro."


Saturday na at sa Monday na yung pasukan ko sa UST bilang 2nd year college habang yung kapatid ko naman ay may pasok na at sa UP Diliman na siya pumapasok ngayon bilang isang Tourism Student.


"Pupunta kang Recto?" Nagtatakang tanong ni papa.


"Opo?" Hindi pa ako sure kung tama ba yung sinagot ko haha. Pero yun naman kasi yung nakaplano ko ngayon eh, "May kulang pa po kasi akong libro eh. Mahal naman po kung bibili ako ng bago kaya bibili nalang ako sa Recto."


Nakabili naman na ako ng ilang libro, yung mga kailangan talaga na bago dahil paminsan may worksheet o bagong version yung kailangan bilhin kaya hindi pwedeng second hand.


"Hindi ka sasama saamin ate?" Biglang tanong ni Emily.


"Sasama saan?" Napansin ko naman na nakadamit din silang tatlo.


"Bibilhan daw ako ni mama ng sapatos ng pang school tsaka celebration na rin dahil pumasa akong UP." Kwento ni Emily at sakto naman na kakababa lang ni mama mula sa kwarto nila ni papa, "Ma! Hindi niyo po ba sinabi kay ate?"


"Ay hindi ba? Sorry, nakalimutan ko. Kung pwede ka ngayon, Naomi, sama ka." Parang pilit pang aya ni mama saakin habang inaayos niya yung mga gamit niya sa bag.


Napatingin naman ako kay papa na parang tinatanong kung anong gagawin ko, eh kailangan ko talagang pumuntang Recto. Eh gusto ko rin naman sila makasama, family bonding na rin.


Bumuntong hininga si papa, "Sige, hatid ka nalang muna namin sa Recto tapos may malapit atang mall, doon nalang tayo pumunta para makasama rin si Naomi."


"Ehhhh walang malapit na SM doon. Tsaka baka wala doon yung brand ng sapatos na gusto ko." Emily pouted.


"Eh paano naman yung ate mo?" Tanong ni papa.


"Sumama ka nalang kasi, Naomi. Sa susunod mo nalang bilhin yang mga libro mo, hindi mo naman yan ginagamit eh." Sabi ni mama.


"Pero ma! Kailangan po namin yun." Pagprotesta ko.


She shrugged, "It's either ipagpaliban mo na muna yan at sumama ka saamin o itutuloy mo ngayon yan at hindi ka makakasama saamin."


Ano ba naman yan? Minsan na nga lang kami umalis, wala pa ako. Bakit kasi hindi ako sinabihan kaagad?


Pero hindi lang naman ngayon nangyari ito eh, may mga instances talaga na kinakalimutan ako ni mama kaya nga nasasabi kong favorite niya si Emily eh kasi nasakanya lahat ng atensyon pati nga pagbili ng gamit, halos palagi siya yung binibigyan. Yung sapatos ko nga, 3rd year highschool ko pa ginagamit. Samantalang si Emily 3rd year highschool binili din siya ng bago, tapos ngayon din may bago ulit siya? Hays.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now