Epilogue

99 5 0
                                    

"Okay. Good, good. Try another pose. Perfect!"


Nandito kami sa studio ngayon para sa isang photoshoot, this time ang anak kong si Aika, siya naman ngayon yung kinukunan. Nanonood lang ako dito sa likod habang pinapanood yung 10 years old kong anak na nagmomodel para H&M.


She's been doing that since she was 5. Hindi naman namin siya pinilit na gawin yun, sadyang gusto niya talaga ang pagmomodel at pag-aayos sa murang edad.


"Like mother, like daughter huh?" Biglang tumabi saakin si Thomas habang nakahalukipkip at nakatingin kay Aika.


Tumingin ulit ako kay Aika at napangiti. "She's more beautiful and confident than I am."


"That's because you thought her to be beautiful with a heart," sabi niya.


Medyo natawa ako at sinuntok ko nang mahina yung balikat niya, "Syempre, as her manager and ninong, may credits ka rin dun noh hahaha."


Si Thomas kasi nagmanage ng modelling career ni Aika simula nung baby pa siya. Isang beses kasi nung 3 years old si Aika ay dinalaw namin si Thomas habang nagphophotoshoot sila ng ilang models, napagkadiskitahan na isali si Aika, eh nagustuhan nila na maging model si Aika tapos gusto rin naman ni Aika kaya hinayaan na namin siya.


Magsasalita na sana ulit ako pero may biglang tumawag saakin.


"Mom!" Sigaw ni Aika kaya napatingin ako sakanya. Niyakap niya agad ako pagkalapit niya saakin at niyakap ko rin siya pabalik.


"Hi, bebe. Kamusta photoshoot?" Tanong ko sakanya.


"Okay naman po hehe. Ay, bless po," sabi niya sabay mano saakin. Napatingin naman siya sa ninong niya at nag-mano rin.


"Magbihis ka na, maya-maya lang darating sila daddy," sabi ko kay Aika. Tumango siya at umalis na.


Nakipagkwentuhan na ulit ako kay Thomas habang hinihintay si Aika. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin siya.


"Susunod ka naman po mamaya, ninong noh?" Tanong ni Aika kay Thomas.


"Baka hindi na, kiddo," sabi ni Thomas sabay pat sa ulo niya.


Aika pouted, "Why?"


Tinignan naman ako ni Thomas na parang nanghihingi ng tulong. Alam niya kasing kahit anong excuse niya, mapapa-oo pa rin siya kay Aika sa huli. Malakas ata itong anak ko kay Thomas haha.


"Next time nalang daw, anak. May date yung ninong mo eh." May halong pang-aasar na sabi ko sakanya.


"Luh, pauso itong nanay mo. May importante lang akong meeting later kaya hindi ako makakasunod sa grand opening ng resort niyo," sabi ni Thomas.


Mamaya kasi yung 50th Anniversary ng kumpanya and gaganapin yun sa pinakaunang hotel na pinatayo nila which is sa Manila lang. Lahat ng mga kaibigan namin pupunta, except dito sa isang ito. Pero naiintindihan ko naman, may importante siyang gagawin eh.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now