Chapter 29

105 4 0
                                    

"Upo muna kayo, may dapat tayong pag-usapan."


Nagkatinginan kami ni Emily na parang nagtatanungan kami gamit ang mga mata kung may nagawa ba kaming masama kaya kami pinatawag ni papa.


"Ano po yun, pa?" Tanong ko.


Bumuntong hininga si papa bago magsimula, "Patay na ang Lola Emelda niyo."


"Po?! Kailan pa?" Gulat na tanong ni Emily.


Si Lola Emelda ang nanay ni mama na nasa Batangas, hindi man namin siya ganun kaclose pero naalala ko tuwing nagbabakasyon kami doon nung mga bata pa kami ni Emily ay lagi niya kaming pinapasyal sa may plaza malapit sa bahay nila doon tapos pag-weekends pumupunta kaming dalampasigan, kasi malapit lang sa dagat yung bahay nila lola eh, kaya madalas nakakapagswimming kami doon ng walang bayad. Ang ganda at ang linis pa ng dagat noon. Tapos may furniture shop din si Lolo Anton at siya mismo yung umuukit at gumagawa ng mga furniture na binebenta niya.


Nakakalungkot lang na namatay na si lola ng hindi man lang kami nagkikita ulit. Simula kasi nung nag-highschool kami ni Emily ay hindi na kami nakapunta doon dahil malayo eh, nasa dulo pa kasi sila ng Batangas.


"Nitong linggo lang kaya nga pupunta tayo bukas para sa burol niya hanggang sa libing niya at para magbakasyon na rin kasama ng Lolo Anton niyo." Malungkot na sabi ni papa.


Kaya pala nung nakita ko si mama kanina ay parang wala siyang gana at kaya pala hindi siya maagang umalis ngayon at nagpuntang salon, dahil sa pagkamatay ng nanay niya.


Kinabukasan ay agad nga kami umuwi Batangas, nagpaalam nalang ako through text kay Gino na nasa Batangas kami kasi akala ko ilang linggo lang kami dito.


"Po?! Dito na tayo magstastay?!"


Yun pala may binabalak yung nga magulang namin na dito na kami magstastay. At sinabi lang nila ito saamin pagkatapos ng libing.


"Plano palang naman, tignan nalang natin pag gumraduate na si Emily," sabi ni mama.


"Eh, ma, paano naman po yung trabaho ko?" Tanong ko, kakasimula ko palang sa trabaho tapos mareresign na agad ako. Actually, hindi pa nga ako nagsisimula ehh! Biglaan naman ata?


"Kaya nga po! Tsaka gusto ko sanang mag-apply sa PAL," inis na sabi ni Emily.


"Tsaka, paano po yung trabaho ni papa dito?" Tanong ko sabay lingon kay papa.


"May nahanap din akong trabaho sa kakilala ko doon sa isang maliit na kumpanya," sabi ni papa.


"Eh! Ayokong lumipat sa probinsya!" Pagdadabog ni Emily.


"Matagal na namin itong plano ng papa niyo. Ngayon na namatay na lola niyo at kailangan na ng kasama dito ng lolo niyo, mas kailangan na natin lumipat. Kaya sa ayaw't sa gusto niyo, lilipat na tayo dito next year!" Sigaw ni mama bago siya pumasok sa loob ng bahay.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now