Chapter 36

79 4 0
                                    

Eugenio Dela Vega Jr. POV.


"Gabi na ah? Bakit magkasama pa kayo?"


Naiwan na kami ng papa ni Naomi dito sa labas ng bahay niya. Kahit kabado ako ngayon ay mas pinili kong ipakita na maging kalmado ako pero hindi mayabang, I hope.


"Pasensya na po at ginabi po si Naomi ng pag-uwi. Nagpatila lang po kami ng ulan at medyo traffic po pagpunta dito." Sinabi ko naman yung totoo, just not the part where we said our 'I love yous' to each other and became a couple. 


Oh shit, I forgot to say I love you to her earlier. 


"Talaga ba? Ayoko sa lahat yung nagsisinungaling, iho," may pagbabanta sa tono ng pagkakasabi ng papa ni Naomi. 


Kung alam niyo lang na gusto ko rin sabihin sainyo na kami na ng anak niyo kaso nangako ako kay Naomi eh. Hay. 


"Ang totoo po nyan, seryoso po ako kay Naomi at kung pwede, I would like to court your daughter," direktang sinabi ko. 


"Para lang sabihin ko sayo, hindi ko pa pinapayagang magkaroon ng boyfriend si Naomi. Wala naman problema saakin kung gusto mo siyang ligawan, gawin mo lang ng tama at dapat marunong ka maghintay hanggang sa gumraduate na kayo. Naiintindihan mo ba?" Seryosong paalala niya saakin kaya napalunok ako ng wala sa oras.


"Opo," sabi ko sabay ngiti at tinignan niya ako na parang may hinihintay pa siyang kasunod. "Sir."


"Sige, umalis ka na. Baka hinahanap ka na ng pamilya mo," sabi niya at pumasok na sa loob. 


Napatingin ako sa bintana kung nasaan yung kwarto ni Naomi at napangiti nung nakitang nagbukas yung lights doon. Pagkauwi ko ng condo ko ay katahimikan ang bumungad saakin imbis na yung sinasabi ng papa ni Naomi na pamilyang hinahanap na ako ngayon.


Ngumiti ako ng mapait tsaka kinuha yung phone ko para i-text si Naomi. After we talked, for the first time in the longest time, I slept with a smile on my face.


"Kayo na noh?"


Agad na tanong ni Carlos pagka-alis ni Emily nung andito na kami sa UP campus. 


I smiled and as much as I wanted to say that Naomi is already my girlfriend to him, I kept my mouth shut and just say, "Not yet."


Maglalakad na sana kami nang biglang nagvibrate yung phone ko at nakitang tumatawag si Naomi na dahilan kung bakit mas lumawak yung ngiti ko. 


"Oh, miss ka na niya agad? Lakas naman," asar ni Carlos kaya naman natawa ako at tinulak siya papalayo bago ko sagutin si Naomi habang naglalakad na papunta sa building namin.


Mas lalo naman akong natuwa sa binalita niya saakin na nanalo raw siya bilang Miss Thomasian sa program nila. Well, that's my girl. 

A Hidden Gem (Fate Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon