Chapter 19

176 10 30
                                    

"Dito na ako."


Magmamadaling araw na at nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Binitiwan ko na yung kamay niyang kanina pa nakahawak sa kamay ko habang nagdadrive siya. Hindi naman niya ito binitiwan kaya hindi tuloy ako makaalis.


"Uy, uuwi na ako." Natatawang sabi ko.


"5 more minutes, babe."


I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Nakakakilig pala talaga pag first time mong marinig galing sa boyfriend mo yung endearment niyo.


Tumikhim ako nang konti, "Magagalit na sila papa nyan."


Tumawag na kasi sila papa kanina, sinabi ko naman sakanya na may ginawa lang ako pero pauwi na rin.


"Edi sulitin na natin yung galit niya." He chuckled.


"Loko hahaha." Natawa rin naman ako.


"Joke lang." Naramdaman ko naman na medyo pinaglalaruan niya yung kamay naming magkahawak habang nakatitig saakin na para bang minememorize yung mukha ko kaya medyo nailang tuloy ako, "Hindi ka ba natatakot na ako yung pinili mo?"


"Bakit naman? Dahil doon sa kinwento mo tungkol sa past mo?" Tumango siya at nag-isip naman ako sabay sandal ulit sa upuan, "Natatakot pero.... ayaw ko nang pairalin yung takot ko at hindi masabi o magawa yung mga gusto ko talaga."


"Hindi mo ito pagsisihan?"


"Mas pagsisihan kong hindi ko sinabi sayo na mahal din kita." Tuloy tuloy na sabi ko at napatingin sa mga kamay naming naka-interwined sabay ngiti.


He suddenly rubbed my knuckles, "Sure ka ah? Because starting today, I swear to all the stars and moon tonight that I will never let you go. Wala ka ng kawala, love."


Natawa naman ako doon pero ang totoo kinikilig na talaga ako, "Kanina babe, ngayon love naman? Ano ba talaga? Hahaha."


"Pareparehas lang naman ikaw yun eh. Ano bang gusto mo? Baby bear? Poobear? Booboo bear? Honey bear? Tangina lahat nalang ng bear."


Natawa nalang kaming dalawa sa pinagsasabi nito. Lakas talaga ng tama hahaha.


"Itulog mo nalang yan hahaha."


He laughed a bit, "By the way, sunduin kita bukas kasama si Carlos ah."


"Bakit kasama pa si Carlos?" Napakunot yung noo ko sa pagtataka.


"Sino magdadrive ng kotse ko kung ako magdadrive ng kotse mo bukas?" Tanong niya. Ay oo nga pala, ihahatid pa niya yung kotse ko dito bukas dahil iniwan ko muna doon sa condo niya, "Bakit? Gusto mo akong masolo?"


"Psh, hindi ah. Feeler." Sinubukan ko pa siyang hampsin gamit yung kamay kong nakahawak sa kamay niya pero ayun hinalikan lang niya yung kamay ko, bwiset.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now