Chapter 39

68 3 0
                                    

"Apo!"


Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nung biglang sumigaw si Lolo Anton na may panlalaki pa ng mga mata. Tinignan ko yung tinitignan ni lolo at nagulat nung nakitang muntikan ko ng lagarihin yung kamay ko kaya binitiwan ko agad yun.


Anim na buwan na ang nakakalipas at nandito na ulit ako sa Batangas. Sinusubukang mamuhay katulad nung panahong hindi ko pa alam ang lahat tungkol sa past namin ni Gino at sa nangyari sakanya. Sinusubukan kong kalimutan pero ayaw niyang matanggal sa isip ko kaya madalas, nawawala ako sa sarili.


"Ano ba naman kasi 'yang iniisip mo at muntikan mo ng maputol yung kamay mo? Simula nung umuwi ka, wala ka na sa sarili. May nangyari ba sa Maynila?" Nag-aalalang tanong ni lolo.


"Wala po, lo. Pagod lang po siguro ako," dinahilan ko nalang at pumunta nalang sa likod ng work shop para magsketch ng mga design para sa mga kliente ko.


Madalas nandito lang ako sa maliit na kubo, na kami mismo ni Lolo Anton ang gumawa para may lugar ako para magtrabaho ng payapa. Gawa siya sa bamboo at hindi siya masyadong open kaya may privacy pa rin ako pag nagtratrabaho o nagpapahinga.


Napatingala ako nung may biglang kumatok sa may pintuan at nakita ko si papa. Tumayo agad ako at nag-mano sakanya.


"Hi pa. Napadaan po kayo? Bakit po?" Tanong ko at bumalik ulit sa pwesto ko kanina.


"Wala naman. Tumawag kasi yung lolo mo na hinihiwa mo na raw yung kamay mo haha." Tumawa nang konti si papa at natawa rin ako.


"Si lolo talaga, muntikan lang po. Hindi ko namalayang malapit na pala yung lagari sa kamay ko hahaha." Natawa ako sa pagiging exaggerated nanaman ni lolo.


"Nag-aalala lang kami sayo, 'nak. Simula nung bumalik ka galing sa Maynila ay parang tumamlay yung itsura mo at nawala ka sa sarili eh. Hindi ba dapat masigla ka ngayon dahil sa wakas bumalik na kamo ang lahat ng memorya mo?" Sinundan ako ni papa at umupo si papa sa upuan katapat ng desk ko at tinignan ako na may pag-aalala. Umupo na rin ako sa upuan sa kabilang side ng desk.


Nalaman na pala rin nila na alam ko na lahat. Hindi na ako nagtanong sa pamilya ko kung bakit hindi nila sinabi saakin yung tungkol kay Gino dahil sila mismo ang nagpaliwanag saakin na kinailangan daw nila ako ilayo kay Gino dahil delikado raw yung buhay ko kapag pinagpatuloy pa namin yung relasyon namin at kaya hindi na nila sinabi dahil alam nilang pag nalaman ko ay magpupumilit akong bumalik pa rin kay Gino, which is totoo naman.


Hindi ako galit sakanila, nagtatampo lang dahil sa hindi nila pagsabi saakin pero gets ko naman na ginawa lang nila yun para protektahan ako.


Marami rin akong tanong lalo na kay Gino. Pero mas pinili kong manahimik nalang at ipagpatuloy yung buhay ko ngayon.


Tsaka wala rin naman si Gino ngayon sa Pilipinas eh, sabi ni Mackey ay umuwi na raw siya sa New Zealand.


Matipid ko siyang nginitian tsaka binalik yung tingin sa iniisketch ko. "Yun nga po yung problema eh. Yung naalala ko na ang lahat."

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now