Chapter 25

112 5 11
                                    

"Nami, okay ka lang? Open the door, please?"


Pinunasan ko yung tumutulong luha sa pisngi ko gamit yung likod ng kamay ko pero hindi sila maubos. Patuloy at nag-uunahan pa rin ang pagtulo.


Nakaupo ako ngayon sa isang toilet seat sa loob ng isang cubicle. Andito nanaman ako, umiiyak, sa loob ng isang C.R. Haha really, Naomi? Akala ko ba nagbago na ang lahat? Bakit bumabalik ka pa rin sa ganito? Bakit nagkaganito?


Kinuha ko naman yung phone ko ng sunod sunod itong magvibrate, only to see the tons of notifications in my socials. Kahit na alam kong masasaktan lang ako sa makikita ko ay chineck ko pa rin ito.


Iba ibang version na ng articles ang lumabas pero iisa lang naman ang pnopoint out.


Na fake ako.


'Iba talaga ang nagagawa ng retoke.'

'Hindi ako naniniwalang rhinoplasty lang yan 😂'

'Eww fake.'

'Hindi niya deserve ang maging representative ng Interior Design department for Ms. Thomasian.'

'Dami mong naloko, hayup ka, fake ka lang naman pala.'

'Kung nagparhinoplasty lang, paano natanggal yung mga pimples mo? Don't tell me, sobrang kapal ng nilalagay mong makeup? Omg ka gurl.'

'Bakit ganun? Kahit nagpaplatik surgery pa rin siya, ang panget pa rin hahahaha.'

'Feel ko sising sisi na si Gino ngayon. Akin ka nalang kasi Gino, totoo ito, walang halong retoke 🤭'


Yan lang yung ilan sa libo libong masasakit na comments na nabasa ko. Within 1 hour, nakailang comments, at share na yung articles.


Binabash na nga ako nung panget ako, binabash pa ako ngayong maayos na yung itsura ko. Yung totoo? Gusto ko lang naman ng tahimik at normal na buhay, bakit hindi yun mabigay saakin?


"Sorry po, sa iba na po muna kayo mag-C.R." Narinig kong sabi ni Mackey at nilock yung C.R.


"S-sige na, Mackey. P-pumasok ka na, okay lang a-ako." Sabi ko na may basag na boses at sumisinghot singhot pa.


"Hindi, okay lang. Minor lang naman yung klase ko ngayong umaga eh. Tsaka wala naman kaming gagawin, I think?" Sabi ni Mackey.


"P-pero... a-ayaw mo nagskiskip ng class." Kahit pa walang gagawin, ayaw na ayaw ni Mackey nagskiskip ng class, hindi raw kasi siya mapakali pag ganun tsaka baka may mamiss siyang kung ano.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang