Chapter 10

234 22 142
                                    

"I'm only one call away~"


Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko, to be specific sa number na binigay ni Gino, habang tumutugtog yung kanta ni Charlie Puth na 'One call away'.


"Tawagan ko kaya siya?" Umikot ako mula sa pagkakahilata at dumapa na dito sa kama ko habang nakatingin pa rin sa number ni Gino, "Pero baka sabihin naman niya ang papansin ko. Tsaka bakit ba ako tatawag? Tss."


Nagulat nalang ako nang biglang umilaw yung phone ko at may tumawag.


Gino is Calling


"Omg!" Napaupo agad ako sa kama at huminga nang malalim bago sagutin iyon, "Hello?"


[Halatang inaabangan yung tawag ko ah.]


Medyo nanlaki pa yung mata ko sa agad na bungad niya, "Sino 'toh?" I tried not to laugh and even covered my mouth after I spoke.


[Grabe ah. Hindi mo man lang sinave yung number ko.]


I slightly laughed, "Hahaha biro lang."


I heard him chuckled, [Anyway, are you free today?]


"Oo, bakit?"


[Look outside your window.]


Napakunot yung noo ko at tumayo para tumingin sa labas ng bintana ko. Pagkatingin ko sa labas agad ko naman nakita na may nakapark na kotse sa tapat ng bahay namin at ang loko, nakasandal pa doon sa gilid ng kotse niya habang may nginunguya na bubble gum ata at nung nakita niya ako ay ngumiti siya nang konti sabay kaway pa nung phone niya saakin.


"Hala, bakit ka andito?! Aga mo mangulo ah?" Biro ko pa sakanya.


[Ganda nga ng simula ng umaga mo eh hahaha. Goodmorning.] Ang hangin talaga, woh.


Napailing nalang ako at umalis na ako sa tapat ng bintana ko at nagsimula nang maglakad pababa para puntahan siya.


Inayos ko muna yung buhok ko bago makipagkita sakanya, "Huy, anong ginagawa mo dito?"


"To take you out." Simpleng sabi niya at pinatay na yung tawag.


Nanatili naman ako dito sa gate namin kasi nakapanjamas lang ako kaya siya na yung lumapit saakin.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now