Chapter 6

297 30 128
                                    

"Paano yan? Malapit na yung enrollment ng mga bata, pa."


Nanatili lang akong tahimik dito sa hagdanan habang nakikinig kila mama at papa na naguusap mula sa kusina. Gusto ko sana sabay silang supresahin sa napanalunan ko kaya hinintay ko pa yung pag-uwi ni papa.


Pero pagkababa ko ay ito yung naabutan ko.


"Siguro dapat palipatin muna natin si Naomi ng university hanggang sa makahanap ka ng permanenteng trabaho."


I pursed my lips and hold tightly the white envelope. Kung sabagay, ilang libo yung tuition ko na halos sinasakop na ata lahat ng pera namin at ngayong wala ng trabaho si papa ay mahihirapan kami.


Pero ayokong lumipat, pwede ba yun? Pwede bang hindi ako lumipat? Kasi ngayon lang ako nakaramdam ng nasa school talaga ako, ngayon ko lang naramdaman na ang school ay second home. Ang hirap mag-adjust eh lalo na saakin, pero ayoko rin naman mahirapan sila papa.


"Hindi," Narinig kong sabi ni papa, "Walang lilipat. Doon pa rin si Naomi sa UST, walang magbabago pati si Emily. Hahanap nalang kaagad ako ng trabaho, kung kailangan mag-double job. Gagawin ko."


Naluha naman ako doon sa sinabi ni papa, gagawin niya talaga lahat para mabigay lahat saamin. Kaya nga the best si papa eh, ang dami na rin niyang sakripisiyo na ginawa para sa pamilyang ito.


"Pero pa.."


"Ma, may ipon naman tayo, gamitin muna natin iyon huh? Tsaka kumikita naman kahit papaano yung salon. Magtipid tipid nalang muna siguro tayo hanggang sa makaraos. Kaya natin toh."


Nagpunas na ako ng luha at dahan dahang tumayo sa hagdan tsaka pumasok na sa kwarto ko. Humiga na ako sa higaan ko at habang nakikinig sa music ay napa-upo ako sa kama at tinignan ulit yung white envelope na hanggang ngayon ay hindi ko pa binubuksan dahil gusto kong sila papa ang magbukas nito pero pag tinapat ko sa ilaw ay kita kong 500 pesos 'yun.


Gusto kong makatulong kila papa, pero paano? Pag tinanong ko sila kung paano ako makakatulong, tiyak na sasabihin nila saakin na mag-aral lang ako nang mabuti.


Napatingin naman ako sa cellphone ko na tumutugtog pa rin hanggang ngayon. Hay, mukhang mapapasubo ako dyan sa part time na yan ah. Wala naman sigurong masama mag-try noh? Pera rin yun, makakatulong yun saamin.


"Tell me, this is the right decision."


Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta dito sa bar samantalang nung isang araw hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa talaga kung tatanggapin ko yung offer o hindi eh.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now