Chapter 40

73 3 0
                                    

R-18 (Read at your own risk)

"Omg! I see a ring! I see a ring!"


Natawa kaming dalawa ni Gino sa reaksyon ni Mackey pagkakita saamin. Akala mo kung ano yung nakita at nagtatalon pa eh hahaha, kaloka.


Lahat naman sila nagsipalakpakan at naghiyawan pa talaga yung iba kaya lahat ng tao dito sa restaurant ay nakatingin na saamin ngayon. Jusko, kahiya.


"I'll just order," bulong saakin ni Gino at nag-ibang way na para kausapin yung crew habang ako ay tuloy tuloy lang sa paglakad papunta sa pinareserve naming upuan.


"Yown oh, sabi sainyo eh. Pay up, losers!" Narinig kong sabi ni Kim sakanila.


"Hi guys!" Bati ko sakanila tsaka isa isa silang bineso pero pagdating kay Kim ay batok ang natanggap niya mula saakin. "Ano nanaman 'yang pustahan na yan, ah? Hahaha."


"Aray ko naman! Eh ang tagal niyo kasi, kaya nagpustahan nalang kami kung bakit ka biglang nag-aya at talagang gusto mo kompleto pa kaming lahat. Eto ngang si Mia, pusta niya, jondits ka raw eh."


"Ay, hindi ba?" Tanong ni Mia sabay sundot sa tyan ko.


"Hoy, hindi ah!" Sabi ko sabay tawa at pinalo yung daliri niyang sumundot sa tyan ko.


"Congrats, bro," narinig kong bati ni Kenzo kay Gino pagkatapos niyang nag-order ng mga kakainin naming lahat.


"Hi, hi! Sorry we're late. Grabe traffic!" Bungad ni Rachel na kakarating lang kasama si Edwin. Nakipagbeso na siya saaming lahat. "So, what did we miss?"


"May bago sa daliri ni Naomi," sabi ni Mia kaya napahinto si Rachel sa pagkikipagbeso at humarap saakin.


Ngumiti ako sakanya sabay taas at pinakita yung singsing sa daliri ko.


"Oh my ghad! Totoo ba?!" Sigaw ni Rachel sabay lapit saakin at tinignan yung engagement ring ko. "Totoo nga! Omg! Congrats, gurl!"


"S-salamat." Hirap kong sabi dahil sa higpit ng yakap niya. Jusme, mapapatay pa ata niya ako bago pa ako maikasal eh.


"What's all the fuss about?" Dumating na rin sila Ava at yung boyfriend niyang si Caleb.


"Grabe. Pag kasama jowa, kailangan late?" Sabi ni Mia.


"Buti pa ako, hindi late." Pagmamalaki ni Mackey.


"Wala rin jowa," asar ni Kim kaya nagsitawanan kami.


Umupo na kaming lahat at mukhang doon lang napansin ni Ava yung engagement ring ko dahil magkatapat kami ng upuan at kitang kita ko yung reaction niya nung napatingin siya sa daliri ko.


"Omg, you finally gave her the ring! Congrats!" Tuwang tuwa na sabi ni Ava saamin.


A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now