prolouge

264 19 6
                                    

"Hoy Natasha ilang taon na magmula nang makapagtapos ka pero ngayon,anong ginagawa mo?WALA!naghihintay ka sa wala.Magtrabaho ka naman" 'Yan agad ang bungad sa paggising ko sa Umaga.Ano naman?Tinatamad akong magtrabaho lalo na't kargo ako ni ate ngayon.Si mama kasi mapilit.

Bumangon ako sa kama ko at hinarap siya"Ma naman ih,alam mo namang ang hirap maghanap ng trabaho diba?" Paglalambing ko sa kanya

"Wala na ring bakante sa mga opisinang ina-applyan ko.Anong gagawin ko dun?Tatanga lang?Hayaan mo mama,maga-apply na ko kaya 'wag mo na akong pilitin." Napatango nalang siya sa pang-uuto ko.

Tumayo na si mama para daw maghanda ng umagahan kaya tumayo na rin ako para maglinis at maligo.Normal na araw lang 'to para sa magandang tulad ko.

Bumaba na rin ako at nakita ko si mama na nagaayos sa hapag.Tinulungan ko siya magsalansan ng mga plato at magsandok.Pakanta-kanta lang akong gumagawa dahil maganda ang gising ko ngayong araw.

"Anak,bente tres anyos ka na at malapit na akong tumanda.Hindi ka pa ba mag-aasawa?Gusto ko na magka-apo" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya nagkunwari akong umubo.Inabutan niya ako ng tubig at hinimas-himas ang likod ko.Nang umayos na ang lagay ko ay hinawakan ko ang balikat niya at nagpilit ngumiti

"Ma,Meron na kay ate diba?Meron na tayong baby ivan,kaya bakit kailangan pa 'ko diyan?Wala pa akong balak na mag anak at asawa.Makuntento muna tayo kay Ate Alexandria." Bahagya siyang ngumiti at umalis sa harap ko para pumunta sa kusina.

Bumalik din siya ka agad at nakita kong magkasunod na bumaba sila Papa at Ate.Buhat buhat pa niya ang anak niya na nakangiti sa akin.Tumayo ako para kunin ang bata sa kanya.

"Hello bibi Ivan,good morning!how are you today?" Saad ko sa pang batang tono.Hindi pa ito nagsasalita dahil 10 months palang ito.

"Ano teh kailan kayo dito mamamalagi? 'wag na kayong umuwi o kaya ikaw nalang umuwi iwan mo dito anak mo ako magaalaga niyo." Umiling lang siya at tawa lang ang isinagot niya sa akin.

"Hindi pwede magagalit si Franz kapag iniwan ko yan dito,ikaw talaga ang mag-aalaga niyan dahil dadalaw-dalaw din naman kami dito sainyo." Sagot niya sabay kuha sa anak niya na karga ko.Nag bakasyon lang kasi sila dito dahil umalis si kuya Franz para sa out of Town business kuno nila sa Japan.

"Ikaw,kailan ka magta-trabaho? Balita ko naghahanap ng secretary ang malaking kumpanya malapit sa trabaho ko.Bilyonaryo ang may-ari kaya tama ang hinala kong malakas rin ang sweldo doon kung sakaling makuha sa posisyon na iyon." Pag-iintriga niya.Napaisip naman ako.Kung maga-apply ako sa sinasabi niyang kumpanya,makakabili ako ng mga libro na mahigit isang taon ko nang pinag-iipunan.Tiyak mas marami pa kong mabibili bukod sa libro.

"San ba yan ate?Susubukan ko lang baka mapili ako." Nasilayan ko agad ang pagngiti niya dahil sa wakas magta-trabaho na ang tamad niyang kapatid.

"Diyan lang sa Manila,malapit lang din yun sa apartment na tinutuluyan namin nila Franz dahil hindi pa ayos yung bahay.Pwede ka naman doon sa katabing apartment dahil walang tao roon"

Napatango nalang ako at niligpit ang kinainan namin.Ako narin ang naghugas ng plato dahil umalis na si mama para ayusin yung pwesto namin sa palengke.Si Dada naman pumunta na roon sa taniman para kunin ang mga ititinda kinabukasan sa palengke.Si ate nagbabantay ng anak niya,swerte niya dahil mayaman ang napangasawa niya kaya umangat din siya.Maraming nagsasabi na gold digger daw siya na hindi naman totoo.

Malaki ang pagpapasalamat ko kila mama at Dada dahil kahit wala silang natapos ay nagsusumikap parin silang magtrabaho para makapagtapos kami.Bachelor of science in secretarial administration ang natapos ko kaya may chance na mapili ako doon sa posisyon na iyon.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now