Chapter 17

32 4 0
                                    

Advice 


"Daaa! You're here! I missed you da," agad kong niyakap si papa nang makalabas sa kotse. Ang laki ng pinagbago niya. "Pasok ka po muna."

"Kamusta ka na?" Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko mula ulo hanggang paa. "Galing ka sa trabaho?"

Tumango ako. "Kakauwi ko lang po, nasa sala po sila ate at mama. Magbibihis lang po ako." Dali-dali akong pumunta sa kwarto at mabilis na nagbihis, habang nagbibihis ay biglang umilaw ang cellphone ko.

From: Iñigo♡♡

Hey love, how are you?

I've been busy these past few days

I'm going home soon, can we go out?

I miss you

From: Iñigo♡♡

Are you busy?

Text me back if you're done

I love you

Pabuntong-hininga kong binitawan ang cellphone ko at inalala ang sinabi ng mama niya. 'Ayokong madamay ang pamilya ko pero ayoko rin siyang iwan ng gano'n gano'n nalang.' Muli kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng text.

To: Iñigo♡♡

Hii, sorry ngayon ko lang nabasa yung text mo.

I miss you too

Iniwan ko ang cellphone ko at pumunta na sa kanila..ayaw kong masira na naman ang mood ko. Pagkababa ko ay masaya silang nag-uusap. Namiss ko 'to. Nakasandal ako sa pinto at tanaw-tanaw lang sila. Habang nakatingin sa kanila ay bigla namang nag-flashback ang nangyari kanina

"balita ko ay may planta raw kayo sa isabela? Kayang kaya kong sirain ang pinagkukunan niyo ng pera sa isang iglap lang kaya 'wag na 'wag mo 'kong kalabanin. Tandaan mo ang sinabi ko dahil baka manlumo yang mga tuhod niyo dahil sa gutom."

I wanted to answer her that time but I didn't want to be rude to her, pero hindi naman yata tamang man'damay ng iba, lalo na ang pamilya ko. Dad spent almost a year at that plantation and I don't want it to be affected because of me. I immediately wiped away my tears and acted as if nothing had happened.

"Oh, iha, nandiyan ka na pala. Kakain na rin tayo." wala sa sarili akong tumango at pumunta na sa kusina. Kailangan kong umarte na parang wala akong iniisip–walang nangyari.

Sumunod naman sila. Parang nahimigan nila ang pananahimik ko kaya hindi rin sila nagsasalita at may kahulugan ang mga titigan nilang tatlo. Bahagya akong naubo at pekeng ngumiti. 'Ang awkward' gumanti naman sila ng ngiti at sinimulang kumain.

Nang matapos kumain ay hindi pa rin ako nagsalita at walang pasabing bumalik sa kwarto ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko at may mga text doon na galing kay Iñigo na hindi ko binuksan. Pinatay ko ang cellphone ko at dumiretso sa cr para maligo.

Papalubog na ang araw nang matapos ako. Saglit akong lumabas ng bahay para maglakad-lakad. Hindi ko namalayang napunta ako sa isang bakanteng lote, tanaw ang papalubog na araw. Umupo ako sa tumbang kahoy at pinagmasdan ang paligid.

"Bukas na ang dating ni Iñigo ah–"

"What the hell?! ano ba!" I immediately stood up in shock when someone spoke behind me. "Nakakagulat ka naman...anong ginagawa mo dito?"

"Hay nako Secretary Natasha, bakit naman nag-e-emote ka dito? Pauwi na ang boyfriend mo ah? Hindi mo ba susunduin sa airport?" nahimigan niya yata ang pananahimik ko kaya natigilan siya sa pagsasalita. Masuri niya 'kong tinignan habang ako naman ay naiilang.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now