Chapter 4

81 11 2
                                    

Home

Nagising ako sa isang alarm na napaka lakas ng tunog. Gusto ko pa sanang matulog pero ngayon pala ang alis namin papunta sa isabela. Napatayo ako sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata ko. Tinignan ko ang oras at maaga pa naman.

Kinuha ko ang cellphone ko at dumiretso sa banyo. Nagpapatugtog ako habang naghihilamos. Tumunog ito na siyang hudyat na may nag-text. Nagtataka kong binasa ang text na iyon, sa'n niya nakuha yung number ko?

From:09*******57

I'll pick you up at exactly 6 am

–iñigo

Tinignan ko ulit ang cellphone ko,malapit nang mag 5:00 kaya naman pagkatapos kong maghilamos ay nagtimpla ako ng kape. Habang nagkakape ay naglilinis ako para pag-uwi ko ay maayos na. Naligo narin ako at nagsuot lang ng long sleeves na dark green at leggings. Malamig kasi atsaka malamok rin doon kaya sakto lang ang suot ko.

Hindi naman din kailangan magpaganda dahil sa bahay lang naman. Sakto namang pagkatapos ko ay may bumisina sa harap ng apartment. Ni-lock ko na ang pinto at dali-daling bumaba. Nakita ko si iñigo'ng naka sandal sa kotse niya. Dami nitong kotse ah, paiba-iba.

Naka-suot siya ng t-shirt na black at naka jeans. maganda siguro mood ni lord habang ginagawa niya si iñigo. Gosh ang gwapo niya kahit simple lang yung suot niya. Hala!pinupuri ko ba siya?Hindi. Bawal ka mainlove diyan. Napa-tagal pala ang pagtitig ko sa kanya. Nakita kong naka-taas ang kilay niya.

Nag peace sign nalang ako sa kanya at nag-sorry na walang lumalabas na salita sa bibig ko. Inirapan niya lang ako at pumasok na sa kotse niya. Weh? 'Di nga.'Di mo talaga ako pagbubuksan?sakit mo naman.

Nakasimangot akong pumasok sa likod ng kotse. Kala mo tatabi ako sayo?Hehe pilitin mo ko ehe. Jusko nahihiya ako sa sarili ko.Ang landi ko pala. Sinundan niya ko ng tingin. Akala niya siguro sa harap ako uupo.

Umupo na ako sa likod at sinalpak ang earphones. Nagpatugtog nalang ako kasi ang boring hindi manlang nakikipag-usap sakin yung lalaki. Nagulat ako nang hinila niya ang wire ng earphones ko.

"Sabi na nga ba 'di ka nakikinig eh.Sabi ko kung nag-almusal ka na?" Mahinahon pero may diin sa bawat salita. 

"Nagkape lang ako,Nagmamadali kasi ako eh" Nahihiyang tugon ko. galit na siya jusko. 

"Kain muna tayo." Napangiti naman ako. hehe food is life talaga. 

"Ahm..Kumain ka ba ng Mami?" Nakita kong kumunot ang noo niya. Hindi siya 'ata kumakain non. 

"Yung may sabaw tapos noodles 'yun,Gusto mo ba?" Tumango siya sa akin.cute mo naman–Psst!Hoy bawal yan.

"Meron ditong nagtitinda.Baba muna tayo tapos do'n nalang tayo kumain.

Nauna akong lumabas sakanya. Agad kong nakita ang kumpol ng mga tao sa isang pwesto. Maganda talagang kumain dito lalo na yung view. Hinila ko si Iñigo at pinaupo ko siya sa may gater. Wala kasing upuan dito at maliit lang ang pwesto nila pero madami paring bumibili sa kanila. 

"Ate dalawa nga pong order." Saad ko sa babaeng nagtitinda. 

Mabilis siyang nagsandok at ibinigay ito sa akin. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ni iñigo at ibinigay ang Isa. Nung una ay hindi niya pa ito kinakain pero nung kumain na 'ko ay nagsimula narin siya.

Naalala ko pala, pano niya kaya nalaman yung number ko?Baka naman yung sa bio-data ko. Tinigil ko ang pagkain at ganon din ang ginawa niya. Sinenyasan ko siyang ipagpatuloy yun at nakuha naman niya. good dog este good boy. Naka-tingin lang ako sa kanya at napagdesisyunang tanungin ang bumabagabag sa isip ko.

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now